Chapter 10

46.6K 1K 17
                                    

AILWTBB 10: Goodnight



Pagkatapos nung eksenang yun inantay lang namin yung nurse pagkatapos eto na kami sa may parking. Mag aalas-sais na kasi ng gabi at andito parin kami sa campus.


"Wala ka bang balak mag thank you manlang?." Naudlot ang dapat na pagpasok ko sa kotse dahil sa boses na yun.


"At bakit naman ako mag-thank you sayo?" Taas kilay kong tanong.


"Tss.. Eh sa inabala mo lang naman kaya ako kanina.. Di na ako nakapasok sa mga subjects ko dahil sayo."


"Aba! So kasalanan ko ganun?" Pag ma-mataray ko.


Eh sa totoo naman, kahit na hindi ako natamaan ng bola alam kong di sya papasok sa nga subjects nya.


"Tsaka sino ba kasi may sabi sa'yong pumunta ka sa clinic?"


Pero imbis na sagutin ang tanong ko. Isang matinding irap mula sakanya ang nakuha ko.

"Wala na akong ganang makipagbiruan sayo... Kaya pwede kahit thank you manlang makuha ko?" Bored nyang sabi habang naka cross arm.


Natigil ako at sandaling napaisip. Akmang magsasalita na sana ulit ako ng bigla namang bumusina ang kotse.


"At ano pa hinihintay nyo dyan? Gabi na oh?!" Inip na sabi ni Kurt. Kaya agad akong pumasok sa loob at nagpakawala ng malalim na paghinga.


Salamat ligtas ako dun.

Pero... akala ko ba sasabay samin si Nikko? Eh wala sya dito. Kainis! Na-excite pa man din ako kanina. Bwiset yan oh!


At ayun, nagsimula ng magmaneho si Kurt at ako tahimik lang habang etong katabi ko eh feeling may concert.

"Oh my my my, oh my my my
I've waited all my life
Ne babaralala nana wu yeahyeah
Oh my my my, oh my my my
Looking for something right
Ije jo&jsywl gmkwesun na alge(9#sse"


Kapal ng mukha! kala mo naman napakaganda ng boses.


"Tumigil ka nga!" Suway ko kay Jio habang nakatakip ang tenga.


"Ano yun? Ibang kanta naman?! Kokobop? DNA? Bombayah?" May pang asar na sabi i Jio pero inirapan ko lang sya.


Gago talaga to eh!

Pagkatapos ng ilang minutong nakaka-imyernang pagbyahe sa wakas nakauwi narin ako.
Kaya agad akong bumaba sa kotse. Akmang pahakbang na sana ko ng bigla akong napatingin sa kanila.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon