Chapter 14

43.7K 734 8
                                    

AILWTBB 14: Stuck








Ang saya ng araw ko ngayon. Magmula kagabi hindi na mawala-wala ang ngiti ko sa labi dahil sa napaka-panget na reaksyon ni Kyle na paulit-ulit na pumasok sa isipan ko.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag tapos nag browse sa gallery, nakita ko na naman yung mukha nya kagabi.

Happy Pill ko na yung epic face nya.

Andito ako ngayon sa rooftop. 3:30 na ng hapon at bakante kami dahil sa may emergency meeting yung mga teachers. Pinauwi na nga yung mga estudyante pero ayaw ko pang umuwi, wala akong kasama sa bahay, hindi uuwi si kuya dahil mag s-sleep over sya dun sa classmate nya, gagawa daw kasi ng group project.


"Anong ginagawa mo dito?." Agad na hinanap ng mata ko kung kanino galing ang boses na yun.

"Ayoko pang umuwi eh." Sagot ko kay Lissa na ngayon ay tumabi sa akin sa pag-upo.

"Ganon ba?" Aniya. "Hmm.. salamat nga pala ulit sa pag sama sakin mag hanap ng panregalo nung nakaraan."

"Ano ka ba wala yun. Tsaka ikaw nga yung nakahanap ng ireregalo eh." Sabi ko.

"Kahit na.. sinamahan mo rin ako noh." Sabi nya ulit pero ngumiti lang ako.

Kung tutuusin ilang linggo palang kami nagkakasama pero sobrang komportable ko lang kapag sya ang kasama ko.

"Zein.." Pagtawag nya sakin kaya agad akong nag angat ng tingin. "Anong meron sainyo ni Kyle?" Biglang namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.


"Naalala ko lang kasi nung natamaan ka ng bola." Napaisip naman ako dun habang inaalala ang pangyayaring yun.


"Ibang-iba sya.. ibang-iba yung Kyle na nakita ko noon." Sabi nya. "Alam mo yung mukha ng isang tao kapag nag aalala ng sobra?.. ganun sya." Napalunok ako dahil sa sinabi nya.


"Hindi nya magawang umalis sa tabi mo na para bang may masamang mangyayari kapag dumistansya sya sayo."


"Ni hindi na sya pumasok sa mga subjects nya para lang bantayan ka, eh kung di pa nga ako dumating di sya makakapag CR eh sa ayaw ka nya talagang iwan."



"Toto ba yan?." Tanong ko na para bang di naniniwala sa sinasabi nya pero nag-nod lang sya.



"Bat naman kaya gagawin ng isang Kyle Ethan Mendoza, ang mga bagay na yun?." Tanong nya habang tumitingin sa akin ng nakakaloka.


"Sy-syempre kaibigan sya ni Kuya k-kaya dapat lang." Sabi ko habang nagi-iwas ng tingin pero nagkibit balikat lang sya.


Isang katahimikan ang naganap matapos ang topic na yun.


Yung pakiramdam na gusto kong maniwala pero di ko magawa. Ang gulo!

"Maiba nga tayo." Biglang sabi ni Lissa na ngayon ay ang layo ng tingin. "Pwede mag tanong?"

"Sige.. ano ba yun?"

"Actually, hindi naman kasi talaga sya tanong.. mang hihingi lang ng advice kung baga." Sabi nya.

"Ano yun?."

"May pinsan kasi ako.. may boyfriend sya, pero di alam ng mga kaibigan at magulang nya, kasi natatakot syang husgahan, lalo na't sikat yung boyfriend nya sa school nila... eh kailangan pa nga nilang mag iwasan pag may ibang taong andyan. Sa tingin mo, anong pwede nilang gawin?."

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon