Chapter 38: Kumag

34.5K 690 12
                                    

Pagkatapos naming makakain, tinulungan ko na si mama na mag ligpit ng mga pinagkainan. Hindi sumabay samin si Kuya sa pag dinner kaya ngayon eh papunta ako sa kwarto ni Kuya.




Naisipan ko kasing dalhan sya ng pagkain. Eh baka nagugutom na yun isa pa, mukang nakainom sya. Tsaka gusto ko rin syang makausap. Mula kagabi hanggang kanina eh parang ang sungit sungit nya. Daig nya pa babaeng meron. Baka may problema sya at kaylangan nya ng makakausap.



Kumatok ako ng ilang beses ng matungo ko ang kwarto nya, pero hindi nya iyun binubuksan. Kumatok ako ulit, pero wala talaga. Pinihit ko yung door knob at bukas naman, kaya pumasok nalang ako.



Pero bigla akong natigil ng makita ko ang buong paligid. Pagkapasok ko eh nakita ko nga si Kuya na nakahiga sa kama nya habang nag babasa ng libro, napatingin naman ako sa TV pati narin sa speaker na parehas umaandar.



Anong trip neto? Nag a-adik ba sya?
Pahakbang na sana ako palapit sakanya ng bigla syang mag salita.



"Sinong may sabi sayo'ng pwede kang pumasok?" Natigilan na naman ulit ako dahil sa tinanong nya.



"Eh, hindi mo kasi binubuksan---"



"Lumabas kana dalhin muna yang dala mo, hindi ako kakain." Walang gana nyang sabi sabay lagay nung headphone sa tenga nya. Ano ba nangyayari dito?



Sandali kong inilapag iyung tray na dala ko tsaka in-off iyung TV at speaker pagkatapos eh lumapit ako sakanya at hinablot yung headphone sa tenga nya.



"Ano ba nangyayari sa'yo ha kuya? Bakit ba parang napapadalas iyang pagsusungit mo?" Inis kong tanong. Hindi ko lang kasi mapigilan, para akong tanga dito kaka-tanong kung anong meron tapos hindi nya masabi-sabi kung anong dahilan. 



Napairap eto bago nya inilapag iyung librong hawak nya tsaka nagsalita.
"Problema?" Aniya sabay ngisi. "Problema? Ikaw Zein. Ikaw iyung problema." Natigilan ako dahil sa sinabi nya.



"A-aong ako?" Takang tanong ko habang napapailing.




"Zein, alam ko hindi ka na bata, at alam kong hindi ka rin tanga para mag mahal ng taong alam mong walang patutunguhan sa buhay." Umawang ang labi ko dahil sa sunod nyang sinabi.



"Anong pinagsasabi mo dyan?" Naguguluhan kong tanong kaya naman kita kong napatiim bagang eto.



"Zein naman. Sa dami ng lalakeng mamahalin mo, dun pa talaga sa taong tulad ni Nikko." Ibang-iba ang naging reaksyon ni Kuya habang sinasabi ang mga salitang iyun.


"Kuya, di kita maintindihan.." naguguluhan kong tanong.


"Kulang pa ba??! Kulang ba yung proteksyon na binibigay ko sa'yo bilang kuya?!. Prino protektahan kita tapos kay Nikko ka lang mauuwi." Ahh... So kami pala ni Nikko ang issue dito.



"Kala ko ba kaibigan mo si Nikko?!. Eh bakit parang ayaw na ayaw mo sakanya?!."


"Zein, oo kaibigan ko sya, at kilala ko kung sino sya.. at kung ano sya!!.. walang patutunguhan buhay mo sakanya.. at dadating yung araw na iiyak at iiyak karin dahil sakanya.."  napahinga naman ako ng malalim.

"Matagal nakong umiyak dahil sakanya.. pero masaya ako dun.."bigla nalang lumabas sa bibig ko yung salitang yun.

"Kuya, mahal ko si Nikko.. " pagkatapos kong sabihin yun. Bigla naman akong may naramdamang tumulo sa mata ko.

"P*cha naman oh!!." napatingin ako kay kuya nung bigla syang sumuntok sa pader.

At naramdaman ko nalang yung sarili ko habang umiiyak.

Huli kong tingin kay Kuya, lumabas na sya. At ako ngayon napa upo nalang. Hindi ko alam kung ba't ako umiiyak ng ganito.

Di ko alam na ganon ang nasa isip ni Kuya. Pero bakit sya nagagalit dun sa bagay na makakapagpasaya sakin!?!.

~*~

*Kinabukasan

Maagang akong pumasok. 5:30 palang kaya ako palang yung tao dito sa campus maliban sa mga guards.

Ayoko muna makita si kuya, at panigurado kong sya rin. Masyado pa kong nabigla sa mga sinabi nya kagabi.

Hayysss...

"Zein??.." napaangat naman ulo ko ng biglang marinig pangalan ko.

Hindi pa man ako nakakapag salita, umupo na sya sa tabi ko. At ngayon parehas na kaming nakaupo habang naka sandal sa iisang pader.

"Ang aga muna man ata ngayon.." tiningnan ko lang sya, wala pa kong ganang mag salita.

"Hmm....

ayaw nya din kay Nikko?!." Natigilan naman ako sa tinanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?!!" Taka kung tanong.

"Kwinento sakin ni Chris... Lahat.."napapikit naman ako. Bigla ko naalala yung nangyari kagabi.

"At, di kita masisisi...Alam ko, mahal mo si Nikko, pero alam ko rin na mas mahal mo kuya mo.."

Napahinga naman ako ng malalim.

"Ganon ba talaga yun?!. Ano!. sya yung mas susundin ko kesa sa sinasabi ng isip ko?!. Oo, alam ko protective sya sakin, pero hindi naman ata tamang pati kasiyahan ko sya yung kokontrol..."

"Zein, Kuya mo prin sya.. sya yung mas nakakaalam kung ano makakabuti  sa'yo.. dahil kaligtasan mo lang iniisip nya.. Dahil mahal ka nya..."

" Kung mahal nya ko?!. Hahayaan nya kong maging masaya.."

Hindi ko nanaman napigilan sarili ko at bigla nalang akong napaluha.

Pero bigla nalang akong may naramdamang mainit sa kamay ko. Kaya napatingin naman ako kay Kyle at sa kamay naming mag kahawak.

At di ko namalayan. Naka sandal na pala ako sa balikat nya.

.

Sobrang lutang lang ako buong klase ngayong umaga, ni walang ni isang lesson pumasok sa utak ko.

Lunch na pero wala akong balak kumain. Wala akong gana.

Bigla naman akong may naramdamang kakaiba. Parang nahilo ako bigla medyo sumasakit rin ulo ko.

Tatayo na sana ako ng bigla nalang akong nawalan ng malay.

.

Inikot ko paningin ko ng maimulat ko na mata ko.

"Zein.." napatingin naman ako sa direksyon kung saan nanggaling yung boses. Pero wala akong maaninag.

Ilang segundo pa, May nag lagay ng salamin sa mata ko.

"Ok ka naba?!." Tanong ni Lissa.

Tumingin naman ako sa paligid at nasa clinic ako ngayon kasama yung apat.

"Zein.. kamusta pakiramdam mo??." Tanong naman ni Nikko na mukang alalang-alala.

"O-ok.. lang. "

"Ano ba kasi nangyayari sa'yo nerdy??!." Tanong naman ni Jio.

"Ahh.. medyo masama lang pakiramdam ko kanina.."

"Eh sa susunod kasi kung alam mong masama na yung pakiramdam mo, wag kanang papasok." Sabi naman ni Kurt.

"Sa susunod kasi wag kanang nagpapalipas ng gutom."sabi naman ulit ni Nikko. napatango nalang ako.

Pero napatingin naman ako sa direksyon ni Kyle na nakasandal lang sa pinto habang nakatingin lang sakin.

Pero ba't inirapan nya lang ako???.. Kumag talaga tong lalaking to.







Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon