Chapter 26

39.5K 802 6
                                    




AILWTBB 26: Concern








"Zein anak, gising na." Bigla akong napakamot sa tenga ng biglang may nang istorbo sa tulog. Kung kelan naman ako ginanahang matulog tsaka may mang a-abala.


"Hmm... antok pa ako." Walang gana kong sabi habang napapakamot sa ulo. Tsaka pilit na ipinikit ang mata para makatulog.


"Male-late ka na oh." Rinig ko paring sabi ng kung sino. Boses babae kaya malamang hindi iyun si Kuya.


"5 minutes.." Patuloy kong sabi habang lalong idinukdok ang mukha sa kama.


"Zein, gising na. Bahala ka ubos na ng kuya mo yung sandwich na ginawa ko." Sandali akong natigilan dahil sinabi ng babae na kung sino. Pero teka.. eh ako lang naman ang babae dito sa bahay, isa pa kami lang naman ni Kuya ang naandito. Oh No! Bigla kong naimulat ang mata ko habang nakasubsob parin ang mukha ko sa kama. Maymaya pilit akong nag angat ng tingin, at ngayon ay nakita ko si Mama na ngiting-ngiti na nakatingin sakin.


"Tsk! Si Mama lang pala." Walang ganang sabi ko tsaka itinuloy ulit ang tulog. Ang aga-aga nangungulit etong si Mama.

Pero... Bigla kong naimulat ang mata ko bago sandaling inisip ang mga pangyayari. Ilang sandali pa bumangon na ako mula sa pagkakahiga at hinarap ang babaeng ngayon ay hindi arin maalis-alis ang ngiti sa labi. Teka, baka naman nananaginip lang ako? Kaya naman bigla kong sinampal ang sarili ko.

"Aray.." Sabi ko tsaka napahawak sa pisngi na sinampal ko.

"Nak ano ginagawa mo?" Nahinto sko sa pag-iisip ng kung ano-ano ng marinig ko ulit ang boses n iyun. Boses na ngayon ko lang ulit narinig.

"Ma? Ikaw ba talaga yan?." Halos pabulong kong tanong habang gulat pa sa mga nangyayari. Pero hindi nya iyun sinagot at ngiti lang ang ibinigay sa akin. At dahil dun bigla akong napabangon sa kama at binigyan sya ng napaka higpit na yakap. Yakap na ni-reserve ko ng ilang taon para lang sa pinakamagandang babae sa buhay ko. Si Mama.

"Masyado naman ata akong na-miss ng Zein ko." Rinig kong sabi ni Mama habang nakayakap parin sa akin.

Hindi ko alam pero ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Hindi ko lang kasi ma-imagine na nangyayari na nga eto, na nayayakap ko na ulit sya. Matapos ang mahigit limang taong pagkakalayo andito na sya ulit. Uwah!

"Ma, eh k-kaylan ka dumating? Bakit di mo sinabi na ngayon ka dadating? Di sana na sundo ka namin." Sunod-sunod na tanong ko kay mama matapos makakalas sa pagkakayakap.

"Edi hindi na surprise yun." Sabi nya pa. Pero mukhang tama nga sya sa naging disesiyun nya. Masyado akong na-surprise sa mga pangyayari. Pero isa lang alam ko na sigurado ako.. at yun ay masaya ako dahil andito na ulit si Mama.

.

Pagkatapos naming makapag-usap, inutusan nya na akong maligo dahil mal-late daw ako. Ayoko nga sanang pumasok para makasama ko si Mama ngayong araw pero hindi sya pumayag sa gusto ko. Isa pa, nangako naman sya sa akin na sa Sabado nalang daw kami lalabas para makapag-bonding. Oh diba bongga! Grabe excited nako.

"Pag ako talaga na-late, kukuyugin kita." Bungad na bati sakin ni kuya ng makababa ako mula kwarto.

"Wala bang pa-Good morning muna dyan? Talagang diretso sermon?." Singhal ko pero inirapan nya lang ako.

"Morning ka dyan, tanghali na kaya." Sabi nya pa habang inip na inip na kakahintay sa akin.

"Hay naku! Hindi parin kayo nagbabago. Ang sweet nyo paring dalawa." Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Kuya dahil sa sinabi ni Mama.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon