Chapter 16

42.9K 663 6
                                    


AILWTBB 16: Ignore







Napakamot nalang ako sa sarili kong batok habang tiningnan ang paligid, andito pa pala ako sa stock room. Akala ko nananaginip lang ako pero hindi eh.

4:30 palang kaya medyo madilim pa, kailangan naming makalabas dito. May pasok pa ko.

napatingin ako ka Kyle na naka patong yung ulo nya sa balikat ko. nabigla ako dun kaya bigla ko sayang naitulak.

"Aray.. ang sakit ano ba??!" Inis nyang sabi habang ginugulo yung buhok nya.

Tumingin sya sakin habang ako gulat na gulat.

"What?!" 

"Bwiset bakit katabi kita kanina?!" Tanong ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Tss.. OA!"

"OA mo mukha mo. Hoy! Pinagsamantalahan mo ko kagabi nuh?!." Sabi ko

"Pft. hahaha...." Bigla syang napahalagpak sa kakatawa dahil sa sinabi ko. "I-ikaw pag sasamantalahan ko?! In your dreams.. I'd rather take my time sleeping all night than to do that thing." Aniya.

"Eh bakit nga kasi katabi kita kanina?!"

"Just shut your mouth okay.. inaantok pa ako."

Umagang umaga high blood na kaagad ako dito, asan ka na ba kasi kuya guard?. Buksan mo na tong impyernong to.

Siguro nakauwi na yun si kuya?. Lagot ako neto..

"Hahahahaha..." Nagkatinginan kami ni Kyle matapos marinig ang tawa mula sa labas ng room na eto.

Nung uno hinayaan ko lang, pero matapos ang ilang ulit na pagtawa ng kung sino di ko na napigilan ang sarili ko at agad na tumayo tsaka lumapit at nag tago sa likod ni Kyle.

"Ang OA mo talaga eh noh." Mahina nyang sabi pero inirapan ko lang.

"OAa na kung OA.. natatakot ako eh!"

"Hahaha.." Rinig parin naming tawa galing sa labas dahilan ng mas lalong paghigpit ng hawk ko sa polo nya na feeling ko mapupunit na anytime.

"Lumabas ka na dyan!." Nagkatinginan kami ni Kyle ng marinig naming pareho ang boses na yun. Kaya domoble ang kaba na nararamdaman ko.

Mayamaya ramdam na namin ang unti-unting pagbukas ng pinto kaya mas lalong napahigpit ang hawak ko kay Kyle.

"Natatakot ako." Pabulong kung sabi.

Natigil ako ng bigla nya nalang akong niyakap.

"Anong ginagawa nyo mga bata kayo?!" Agad na hinanap ang kung sino man yun. At natigilan ako ng makita ko si kuya guard na mulat na mulat ang mata.

At mukhang alam ko na kung bakit. Kaya naitulak ko na naman po ulit si Kyle dahil sa pagka-bigla.

"W-wala po." Sagot ko tsaka umayos ng tayo pero etong si Kuya mukhang di kumbinsido.

"Talaga ba?" Taas kilay nyang tanong.

"Ah hindi kuya.. hindi kami na lock. Dito kami natulog kagabi at nakikita mo kami promise di kami na-lock." Pami-milosopo ko.

Pajuletjulet.. cotton buds you want kuya?

"Na lock kami, kaya pwede sa susunod manigurado muna kayo, kung meron pang tao dito. Baka gusto nyong mawalan ng trabaho." Ani Kyle na mukhang bwiset na rin. Pero tinaasan lang kami ni kuya guard ng kilay.

"Palusot pa.." Pabulong na sabi ni Kuya pero rinig na rinig ko yun at tumagos pa sa eardrums ko.

"Sha! Mag si-uwi na kayo." Sabi neto kaya agad akong kumilos. "Mga kabataan nga naman talaga ngayon." 

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon