Chapter 28.5

3.3K 96 11
                                    

"Hoy panget? Wala ka na bang balak bumaba dyan?" Bigla akong natauhan dahil sa nakaka-rinding boses na iyun mula kay Jio. Bwiset! Kita ng ang lalim-lalim na ng iniisip ko tapos mang-i-istorbo. Gwapo ka? Gwapo ka?


Napairap nalang ako bago tumingin sa labas. Pero biglang nagsalubong ang kilay ko dahil sa nakikita ko.


"Teka, kelan pa kami lumipat ng bahay? Eh hindi naman eto yung bahay namin eh." Sabi ko habang pinagtaasan sila ng kilay. Kaninong bahay to? Sarap nakawan.



"Pwede huwag ka nalang maraming dada." Ani Kyle na ngayon ay naka-cross arms at mukhang hinihintay ang pagbaba ko dito sa kotse.



"At pwede rin bang iuwi nyo nalang ako. Dun sa totoong bahay namin." Mariin kong sabi pero na-tampal nalang nya ang noo nya dahil sa sinabi lo.



"Zein, pwede ba? Please lang ha, huwag ka nalang umangal. Tutal andito naman tayo. Tsaka isa pa, alam ko namang gusto mo rin to." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Jio.



"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Pero hindi na ako nakatanggap ng sagot dahil hinila na ako ni Kyle palabas. At dahil sa sobrang bilis ng pagkaka-hatak nya. Pakiramdam ko maba-balian na ako ng boto dahil sa sobrang sakit.


"Kung hindi mo pa alam.. andito tayo sa bahay nina Nikko." Biglang namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Sunod akong tumingin sa bahay na nasa harap namin ngayon at ngayon ko lang din narealize na andito nga kami sa bahay ni Nikko mahluvs. Uwah! Bigla tuloy akong kinilig. Pero sa pagkakaalam ko, nasa condo sya nakatira.



Akmang itatanong ko palang sana ng maalala ko iyung sinabi ni Kurt kani-kanina lang.
"T-teka p-pano mo nalaman iyung.. tungkol kay Nikko?" Taka kong tanong kay Kurt Pero tiningnan lang nya etong dalawang bibe na nasa tabi ko na ngayon ay napapaiwas ng tingin.



"Wow, ano to? Dahon?" Ani Jio na ngayon ay patay malisya. Eh kung patayin ko kaya sya ng tuluyan pati narin ang isang to.



"Sinasabi ko na nga ba eh." Sabi ko tsaka pinaghahampas ng bag na hawak ko etong dalawa. Sa sobrang lakas, feeling ko mapu-punit na tong bag kong eto.



"Akala ko ba di nyo sasabihin ha?" Inis ko paring sabi dito kanila Jio at Kyle.



"Bakit ba? Eh di naman namin sinabi kay Nikko diba? Kaming tatlo lang ang nakakaalam." Sagot naman nitong si Jio.


"Hoy panget. Kahit hindi mo sabihin halata ka uy!" Sabi naman ni Kurt. "Diba nga dapat ako ang may ganang magalit dito. Naka-ka-tampo kaya! bakit sila alam nila tapos ako lang hindi. Unfair." Sabi ni Kurt na ngayon ay napa-pa-irap kaya nakatikim din ng batok sa akin.



"Una sa lahat, hindi tayo close kaya wala kang karapatang malaman. Pangalawa, wala akong tiwala sa pagmumukha mo." Gigil ko paring sabi.



"Ah ganun? So silang dalawa close mo at may karapatan? At silang dalawa... pinagkakatiwalaan mo ganun? Aba't talagang unfair. Sasabihin ko talaga kay Nikko." Bigla namang namilog ang mata ko dahil sinabi nya.


"Putangina! Pwede ba tumigil kana!" Pakiramdam ko puputok na ugat sa leeg ko dahil sa sigaw na yun. Pero natawa lang etong si Kurt kaya inirapan ko na lang sya. Kainis rin eh nuh! Sasamain talaga to sakin pag sinabi nya kay Nikko.



Natigilan nalang ako ng hatakin na naman ako ni Jio. Nakakarami na'to sakin ah. Balak nya bang putulin braso ko? Bwiset!


Ng makarating na kami sa gate nila Nikko agad silang nag doorbell. At ngayon ay nararamdaman ko na ang napakabilis na pagtibok ng dibdib ko. Grabe kinakabahan ako. Halos halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Yung para fang nae-excite na kinakabahan na natutuwa na natatae na hindi ko maintindihan.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon