Chapter 6

53K 796 9
                                    


AILWTBB 6:


"I'd really enjoyed what happened last night!"

"Kelan pa ba naging bored kasama ang isang Kyle Ethan Mendoza"

"Yeah! right!"

Napangiwi nalang ako sa kung anong kanina pang naririnig ng tenga ko. Kanina pa ko na-aalibad-baran sa mga naririnig ko mula sa mga assumerang babaeng nasa likod ko. Kesyo daw nag enjoy daw sya kagabi, Kesyo daw masarap daw kasama si Kyle.



Ul*l!


Sa pagkakaalam ko, nasa bahay kagabi sina Kyle kasama ang dalawang alagad nya, kaya impossible ang mga pinagsasabi ng mga to'. Pero possible din, eh malay ko ba kung san pa nagpunta yung bibe na yun matapos nilang makaalis ng bahay. Tsk!

Psh! Teka nga! Bakit ba ako interesado sa topic nila? lalo na sa mukhang bibeng yun?! Dami na ngang problema ng Pilipinas dadagdag pa sya.


"Zeinrie!" nabaling ang atensyon ko ng marinig ko ang boses ni Lissa na ngayon ay nasa harap ko na. Grabe, lutang ba talaga ko o sadyang bigla nalang syang lumitaw ng di ko namalayan.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sakanya pero agad syang napailing.

"Nope! Actually kakarating ko lang, E kanina pa nga kita hinahanap, andito ka lang pala." Dire-diretsong pagpapaliwanag nya.

"Ah, ganun ba? di ko kasi namalayan" sagot ko ulit pero tumawa lang sya sa sinabi ko bago umupo sa katapat na upuan.

"Ah Oo nga pala!" Napatingin naman ako sakanya ng bigla syang magsalita. At kita ko'ng may kinukuha sya sa bag nya. At nakita ko nga ang isang maliit na box na may lamang dalawang bracelet.

"Friendship bracelet to! Bigay sakin to ng lola ko. Sabi nya ibigay ko daw to dun sa magiging tunay kaibigan ko. So, ibibigay ko sa'yo." May ngiti sa labi nyang sabi na ikina-singkit ng mata ko.

"Bakit? Wala ka pa bang nagiging kaibigan maliban sakin?" Tanong ko pero agad syang napailing.

"Hindi naman, marami akong kaibigan. Pero di ko alam ko'ng sino sa kanila ang tunay." saad nya.

"Eh bakit mo ibinibigay yan sakin? Ni di mo pa nga ako lubusang kilala." sabi ko, pero nginitian nya ulit ako.

"Bakit? Hindi ka ba tunay na kaibigan?" Nabigla ako sa balik na tanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?" Pero imbis na sagutin ang tanong ko eh hinawakan nya ang braso ko.

"Eto ang katibayan na may kaibigan na nga akong maituturing!" Sabi nya habang isinu-suot sa akin ang bracelet na galing daw sa lola nya.

Infairness, ang cute ng design. Color brown sya na gawa sa kahoy at may maliliit na bilog at mukhang may pagka luma narin, pero maganda parin.

"Gusto ko, magmula ngayong araw na to', suot-suot mo to. At promise mo sakin na kahit mag away tayo o di na tayo magkita, kahit di mo na yan suot. gusto ko itago mo yan!" Napangiti ako bigla habang sinasabi ni Lissa ang mga salitang yun. Para syang bata na nag bibigay ng bracelet sa best friend nya.

"Sabi mo!" Saad ko naman, pero napangiti lang ulit kami.

Hanggang ngayon di parin talaga ako makapaniwala sa kung anong nangya-yari. Sa loob ng ilang taon ko'ng pag-aaral dito. Ngayon ko lang nararanasan ang ganitong pakiramdam, kung pano magkaroon ng isang taong nakakita ng halaga ko.

.

Pagkatapos ng ilang minutong pag uusap namin, bumalik narin kami sa kanya-kanya naming room dahil ilang sandali na lang at mag sisimula na ang klase. At sakto, ng makarating na ako sa room, kadarating lang rin ng sunod naming subject.

"Ok class before we start our new lesson for today, I'd just want to remind you about the Party Shuffle na magsisimula na sa Monday." Nabalot ng bulungan ang buong classroom matpos sabihin ni Mr. Pascual ang balitang iyun.

Psh!

Ang pinaka panget' na naimbentong programa dito sa campus. Tsk! Sa daming pwedeng gawing project ng mga school officers, eto talagang Party Shuffle?!. Tsk!

Ang tinutukoy ni sir na "Party Shuffle" ay naimbento ng mga school officers. Every school year, nag papalit ng sections ang isang estudyante it's either nag excel sya o kaya naman bumaba ang grades nya sa isang subject. And mostly, Eto rin ang favorite part ng mga kababaihan. Dahil pwede silang mapunta sa section kung san andun ang mga boyfriend o crush nila. Minsan nga eh nandadaya pa sila para lang mapunta sa section na naasign sa kanila. Pero hindi sa'ming mga inosenteng, pag-aaral lang ang pakay sa lugar na'to. Swerte-han nalang kung mapupunta sila dito sa building namin.

"So kindly listen, I will read it once, ayoko rin ng maraming tanong kaya makinig kayo ng maigi. " Isang katahimikan ang bumalot sa loob ng silid na'to.

At ayun, tinawag na nga ni Mr. Pascual ang mga estudyanteng kabilang sa walang kwentang programang to. Well, hindi naman sakin big deal kung malilipat ako o hindi, dahil isa lang naman ang pakay ko—ang mag aral.

"Ms. Gonzaga!" naiangat ko ang ulo ko ng marinig ko ang surname ko. "You are included, since your the only one who reached the highest grade on my subject." Bigla namang namilog ang mata ko sa kung anong narinig ko.

"Ah E s-sir, san po ba a-ako maa-asign?" Utal ko'ng tanong. Pero bibigyan ako ni Mr. Pascual ng isang nakakalokang tingin.

"At section 11." Napalunok ako sa kung anong narinig ko. Seryoso ba to?

"Section eleven?" Utal ko'ng tanong

"Why? Is there any problem?" Taas kilay nyang tanong pero agad akong napailing.

"Good, so starting on Monday you're going to report particularly on my subject!" Napalunok nalang ako ulit ng ilang beses sa kung anong narinig ko.

Seryoso? Sa dinami-raming gustong mapunta sa section na yun ako pa talaga?.


Aish! Ano bang nagawa ko? bakit ba ako pinarurusahan ng ganito?

Oo, hindi nga sakin big deal kung san malilipat ako, actually wala namang problema kung malilipat ako, kaso nga lang, dun pa sa section ng mga kinulang sa aruga. Aish!


Good Luck nalang sa akin.


Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon