Chapter 17

45.3K 821 35
                                    

AILWTBB 17: Now I Know








Maaga akong nagising ngayong umaga. Inagahan ko talaga para ako na ang maghanda para sa breakfast namin ni Kuya.

Pagkatapos kung magluto naligo narin ako tsaka agad na nagbihis at nag ayos. Sakto, ng makababa ako sa kusina naabutan ko si kuya na kaka-baba lang din. Agad akong lumapit sa table tsaka pinag buksan sya nung mga niluto kong pagkain.

"Good morning." Bati ko. "Ah kain ka na." Sunod na pag alok ko sakanya.

Pero natigil ako ng di sya gumagalaw sa kinatatayuan nya. Tumingin ako sakanya pero ikinabigla ko ng bigla nya nalang akong yakapin.
"Sorry Zein.." Biglang sabi nya matapos kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Sinabi na lahat sakin ni Ken, pasensya na at di kita pinag-pa-explain.. naunahan lang ako ng inis." Pahayag nya kaya napangiti ako dahil dun.

"Di kana galit sakin?"

"Hindi naman ako galit sayo..  medyo nainis lang ng kaunti." Aniya pero ngumiti lang ako tsaka ulit niyakap.

"Namiss kita kuya." Sabi ko habang di maalis-alis ang ngiti sa labi.

Na-miss ko lang talaga kasi ng sobrang etong isang to. Kahit na lagi nya akong inaapi mahal ko to.

"Yucks! Ang OA mo alis na nga." Sabi nya sabay tulak sakin ng marahan.

"Mali-li-ntikan sakin yung hinayupak nayon, napaniwala nya ko dun." Pahayag ulit ni kuya.

Hahaha.. ano kayang kalokohan ang gagawin ni Kuya sa lider ng mga bibeng yun?

Energetic akong pumasok sa lahat ng mga subjects ko. Pero hindi ibig sabihin nun nakalimutan ko na yung mga pinaggagawa sakin nung Kyle na yon. Ang kaso nga lang di pa sya pumapasok kaya di ko pa masabi-sabi lahat ng gusto kong sabihin.

.

Habang tutok sa panunuod ng TV sa sala, natigilan nalang ako ng biglang may bumusina sa tapat ng bahay namin, inutusan akong pagbuksan yung gate, di na ako umangal dahil mood ako ngayong araw na to.

Ng mabuksan ko na ang gate biglang nawala ang ngiti sa labi ko at agad na isinara ang gate matapos makita kong sino ang nasa labas.

"Hoy buksan mo nga to!." Sabay na sabi ni Jio at Kurt na ngayon ay tinutulak yung gate habang ako naman todo sara.

"Wala si kuya dito!." Sigaw ko sa kanila.

"Nek-nek mo! Sya nagpapunta samin dito!." Sandali akong natigilan dun.

"Aray!." Bwiset! Pano ba naman kasi tinulak nung dalawa yung gate, eh sa natulala ako nakalimutan ko tuloy na pinipigilan ko yung pagbukas nila ng gate.

"Ayan kasi.." Pang asar pa sakin nung dalwa na kakapasok lang.

Hanep! Di talaga ako tinulungan makatayo.

"Thank you ha!" Sarcastic kong sabi habang tumatayo.

"You're welcome.." sagot naman ng Kurt na to.

Mayamaya lumabas narin si Kuya tsaka sinalubong etong mga asungot sa buhay ko.

"Oh asan na yung dalawa??." Tanong ni Kuya kila Kurt at Jio.

"Di makakapunta si Ken nilalagnat daw."

"Ha! M-may lagnat si Kyle?" Bigla silang tumingin sa akin na may pagkabigla sa mukha.

"Oy.. concern sya.. " Pang aasar ni Jio.

"Hindi no!" Depensa ko habang akmang paalis na para magtungo sa kwarto.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon