Chapter 21

42.3K 772 11
                                    

AILWTBB 21: Heartache











Lunes na naman. Grabe ang bilis ng mga pangyayari netong mga nakaraang araw. Parang kahapon lang nung nasa bahay ako nina Kyle at sinabihan nya ng "Thank You"

At ngayon ay kailangan ko ng bumangon para pumasok sa school. Napuyat ako kagabi, ang sarap kasi eh. Di ko mapigilan, parang gusto ko pa ngang ulitin.

Ang sarap kasi talaga nung cupcake na bi-nake ni kuya kagabi. Halos ako lang nakaubos lahat. Eh sa kailangan ni kuyang mag-practice para sa ipre-present nya bukas sa klase nila. Nakakatawa nga isipin na napuyat ako dahil lang sa cupcake.

Pagkatapos kong makaligo at makapag bihis. Sabay na kaming nag breakfast ni kuya. Sinabi din nya na malelate daw sya ng uwi mamaya sa di ko alam kong ano ang dahilan.

Okay lang kahit wag na syang umuwi eh. Joke.

Pagkatapos naming makapag almusal, hinatid nya narin ako sa school, medyo madami na ang tao dahil sa alas-ostso narin ng umaga at ilang sandali nalang ay magsisimula na ang klase.

Akmang pahakbang na sana ako para magtungo sa room ng bigla akong nakarinig ng kung sinong tumawag sa akin.

"Good morning." Bati ni Jio na ngayon ay kakarating lang na mukhang galing sa pagtakbo dahil sa sobrang hingal.

"B-bakit? Ano na namang kailangan mo?" Taas kilay kong tanong.

"Nothing.. I just wanted to thank you for taking good care to our Ken." Napatango-tango ako tsaka ngumuso.

"Pasalamat sya at napilitan akong pumunta dun sa lungga nya kahit na labag sa kalooban ko. Tsaka bakit ikaw ang nag papasalamat? Eh sya yung nang abala sakin!" Sabi ko sabay cross arms.

"Easy ka lang okay, ang aga-aga eh. Eto oh, para sayo." Aniya sabay aktong inaabot sakin ang isang bracelet na may nakalagay na pangalan ko.

"Ano yan?" Tanong ko habang sinisipat ang bracelet.

"Ah baka keychain." Pami-milosopo nya kaya kaagad syang nakatanggap ng malakas na palatok.

"I mean, para saan." Tanong ko habang sya ay abala sa paghimas sa batok.

"Syempre sayo. Alangan namang ibigay ko sayo kung akin yan!" Aniya habang napapakamot sa ulo.

"Kanina ka pa nami-milosopo ah!" Singhal ko sabay hampas nung bag.

"Sorry na.. sige na tanggapin mo na to'. Di matutuwa si Nikko kapag tinanggihan mo to." Sandali akong natigil tsaka sya tinaasan ng kilay.

"G-galing k-kay Nikko?" Utal kong tanong pero tango lang ang nakuha ko mula sakanya.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko tsaka kinuha kay Jio ang bracelet na inaabot nya sa akin bago eto pinagmasdan.

Shocks! Grabe kinikilig ako.

"Eh teka.. bakit nya naman ako bibigyan neto?" Tanong ko sa kanya habang di mawala-wala ng ngiti sa labi.

"Eh sa wala lang kaming mapag gastusan ng pera namin eh." Isang palatok ulit ang natanggap nya mula sa akin.

Spell mayabang, J I O.

"Ano ba! Ang sakit Zein ah! At tsaka isa pa, hindi lang naman ikaw ang binilhan ni Nikko ng ganyan.. pati si Jaime." Sandki akong natigil at nag angat ng tingin dahil sa sinabi nya.

Noh ba yan! Kala ko pa naman ako ang tanging binilhan nya ng ganito. Kainis! Asyumera kasi masyado eh.

"Tss. Sige na nga, pakisabi nalang na salamat." Sabi ko tsaka napangiwi.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon