Chapter 39: Bipolar

34.8K 705 9
                                    


Pag dating ko sa bahay, wala paring intindihin samin ni kuya. Eh di nga rin nila alam yung nangyari sakin kanina. Kinumbinsi ko yung lima na wag sanang makarating kanila mama yung nangyari. Eh ayokong mag alala si mama..

Pagkatapos naming kumain agad akong umakyat sa taas, medyo masama pa yung pakiramdam ko ngayon at isa pa, di ko kayang tingnan yung mata ni kuya sangayon.

At mukang sya din.

.

Habang sumasagot ako netong assignment ko bigla akong napatingin sa pinto ng biglang may kumatok. Kaya agad ko namang binuksan.

"Ano yun Ma...??" Natigilan ako ng makita si kuya na nasa harap ko ngayon.

"Ahmm.. pwede ba tayong mag usap.." sabi nya habang nakatingin sa mata ko.

Huminga ako ng malalim at napagtango nalang.

Kaylangan talaga naming mag usap. Kaylangan kong malinawan.

.

Andito kami ngayon sa labas ng bahay namin. Halos ilang minuto narin ata kaming nakatayo.. pero wala ni isa nag sasalita samin.

"Sorry.." biglang sabi naman nya..

"Sorry sa mga nasabi ko kagabi lalo na yung kay Nikko.." sabi nya habang naka tingin sa baba.

Huminga muna ako ng malalim bago nag salita.

"Kuya,.. alam ko naman na concern ka lang.. ang di ko lang maintindihan ba't ayaw mo kay Nikko.."

"Si Nikko.. Oo mabait sya, pero katulad parin sya nila Kyle. "

"Yung mga ugali nilang pinapakita sayo.. Tutuo yun.. Pero di mo aakalaing mas malala pa sa isang basagulero ang mga tulad nila.."

"Di mo alam kung ano at ilang gulo ang pinapasukan nila.. " pag pagpatuloy pa nya.

"Eh kung ganon??. bat kaibigan mo sila ngayon?!"

"Dahil alam kung mapoprotektahan ka nila ngayong wala na ko sa skwelahan nyo.. pero hindi ko naman inakalang aabot kayo sa ganito.."

"Kuya.. si Nikko, si Nikko yung isa sa mga taong makapag ppasaya sakin. Maliban sainyong dalwa ni mama.. Mahal ko rin sya kuya.."

Napapikit naman sya matapos kung sabihin yun.

Pero nabigla nalang ako nung niyakap nya ko.

"Mahal kita Zein.. at bilang kuya mo.. hahayaan kita maging masaya.. pero sana, maging mas matalino ka sa mga desisyon mo.." Sabi nya habang naka yakap parin sakin.

Napangiti namn ako sa sinabi nya. Ngayon, alam ko na naiintindihan na nyako..

~*~


Kinabukasan

Energetic akong pumasok sa mga subjects ko, ewan parang ang saya saya ko lang. Siguro dahil sa nagkalinawan na kami ni kuya kagabi.

^________^

Andito ako ngayon sa canteen hinihintay ko si Lissa. Eh sabi nya mauna na daw ako.

"Zein.." napa angat bigla ulo ko.

"Bakit??." Pero nabigla nalang ako ng bigla syang umupo sa tabi ko at ipinatong yung ulo nya sa balikat ko.

"Hoy.. anong ginagawa mo?!."

"Zein... Kahit ilang minuto lang.." malumanay na sabi nya.

Ano naman kayang trip neto??.
Napatingin ako sa mga taong nasa loob netong canteen na napapatingin na samin.

"Oy.. ano na pinag titingnan na nila tayo.. " Pero di nyako inintindi

"Zein??!. Ken??!." Napatingin ako bigla sa nag salita.

"Anong ginagawa nyo?!." Takang tanong ni Jio. Bigla ko naman tuloy naitulak si Kyle

"Ahh.. wala.." sabi ko sabay tingin kay Nikko na nakangiti lang samin ni Kyle.

"Ahh... Oh eto kain na tayo." Sabi naman ni Kurt.

Napatingin lang ako kay Lissa na nakataas ang isang kilay.

.

Pag katapos naming mag lunch. Hinatid na ko ni Nikko sa sunod na subjects ko. Medyo nagiging concern rin sya sakin. At natutuwa naman ako dun. Hindi sa gusto kong nakikita syang concern sakin, ang cute nya lang kasi sa tuwing nagsasalita.

Habang hinihintay namin si sir. nakaupo lang ako.. yung ibang kaklase ko eh nasa labas.. Yung iba naman ang iingay.

"Ok Kana ba?..." Napatingin ako sa nagsalita.

"Hmm..oo" sabi ko sabay tango.

"Ahh.. buti naman.." sabi nya sabay subo nung chips.

"May dapat ka pang ipag pasalamat sakin." Napatingin naman ulit ako sa kanya.

"Huh?!."

"Alam kong nag kausap na kayo ng kuya mo kagabi."

"Pano mo nalaman?!."

"Kasi ako nagsabi sa kuya mo na kausapin ka nya?!" Deretsong sabi nya.

"Seryoso??!" Di makapaniwalang tanong ko sakanya.

"Ginawa ko yun dahil alam kong yun yung tama.. at makapag papabuti sa'yo.. at nakakapag papasaya sa'yo." Natulala naman ako sa sinabi nya.

"Pero bakit?!. Bakit?!!.. bakit mo to ginagawa sakin??!."

"Ang tutuo nyan.. sinabi ko sa kuya mo yung nangyari sa'yo kahapon.. pero kinumbinsi ko sya na wag iparating sa'yo.. ginawa ko yun.. dahil ayokong nag kakaganyan ka dahil sa isang lalake... Dahil lang kay Nikko..." Napangiti naman ako bigla. Di ko ma pin point kung anong kasiyahan yung nardaman ko nung sinasabi nya yun.

Di ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla ko nalang hinawakan yung kamay nya..

"Thank you.." mangiyak-ngiyak kong sabi.

Di ko alam kung bakit nya ginagawa to.. eh hindi naman sya ganito ka concern dati ah. Hindi ko nga alam kung ano nangyari dito.. Kung minsan masungit minsan naman mabait.. at di ko alam kung pano kami umabot dito.

Bipolar lang ata talaga to... 

"Ayyyyyyyieeeeeeee....."
Bigla naman akong natauhan sa napakalakas na hiyawan. Kaya nai alis ko yung kamay ko na nasa kamay nya.

Napatingin naman ako kay Kyle na nakangiti lang sakin. Nakaramdam ako ng hiya at ilang pero pinikit ko nalang mata ko.








Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon