Chapter 42: Transformation

34.5K 678 12
                                    




Pagkagising ko, agad akong nag ayos at bumaba.. Gutom nako eh.

"Morning.." bati ko kay kuya at mama.

"Morning ka dyan.. mag tatanghalian na.." sabi naman ni kuya.

Ewan ko nga sa'yo.

"Zein anak.. mukang napapadalas pag gising mo ng tanghali.. hindi naman sa pinag babawalan kitang makipag usap kay Nikko.. Pero sana yung oras na kaylangan mo nang matulog. Ibigay muna na sarili mo.."napatingin naman ako kay ma nung sinasabi nya yun.

"Ma!. eh hindi naman kami nag usap na ni Nikko kagabi.. eh madami lang akong iniisip.." sagot ko naman.

"At ano naman yun?!." Napatingin naman ako kay kuya nung tinanong nya yun.

"Wala ka na dun?!." Sabay irap.

"Hoy!. Baka nakakalimutan mo.. isang tawag ko lang dyan kay Nikko. Pwede ko kayong pag hiwalayan.."

"Eto naman si Kuya.. di mabiro.." pag pa pa sweet ko kay kuya. Hihi.

Pag katapos nung eksenang yun. Umakyat ulit ako sa kwarto, para magbihis. Eh, mag mamall daw kami ni Mama eh..

Pagkatapos naming mag ayos. Hinatid kami ni kuya sa mall.. pinasasama nga sya ni mama. Pero ayaw nya... arte.

"Hmm.. samahan mo nuna ko." Sabi naman ni mama, tumango lang ako.

.

"Hmm.. alin mas maganda dito??" Napatingin naman ako sa hawak ni mama.

"Huh?!. Bakit ma?!. Bibilhin mo?!. Mukang ang liit nyan para sayo.. papalitan mo.."

"Ano ka ba naman nak.. syempre hindi ako mag susuot neto.."

"Eh para kanino yan??.." naguguluhan kong tanong

"Syempre para sa'yo.." nabigla naman ako sa sinabi niya

"Ma!. Nagpapatawa ka ba?!. Eh di naman ako nag susuot ng ganyan diba.."

"Zein.. panghabang buhay ka nalang bang mag pa pantalon?!. Tsaka isa pa!. May boyfriend ka na.. kaylangan mo ring matuto mag alaga sa sarili mo. Eh pano kung mag hanap nalang ng iba yung si Nikko?!." Napaisip naman ako.

"Eh ma.. minahal nya nga ako kahit ganito itsura ko.."

"Anak.. walang permanente sa mundo.."
At ayun kumuha nalang si mama ng kung ano makita nyang damit.

Hinahayaan ko lang sya.. tutal wala rin akong panlaban sakanya.

Habang namimili pa si mama ng damit bigla naman may nag salita sa likod ko.

"Hi Zein!." Agad naman akong napalingon.

"Ate Lia??!." Sabi ko ng nakangiti.

"Ahh.. Hi po.." bati naman ni ate Lia kay mama.

"Ah!. Hi Lia.. Hmm.. may iba ka bang kasama??!." Tanong naman ni mama.

"Hmm.. wala po.. ah!. Naboring ako sa bahay kaya naisipan kong mag ikot ikot muna dito sa mall."

"Ahh.. ganon ba?!? Sakto. Nag iikot ikot din kami ni Zein.. kung gusto mo sama ka na samin.. tutal gusto rin kita makilala pa.." pag aaya naman ni mama.

"Hmm.. oo naman po.." sabi naman ni ate Lia na ang laki ng ngiti.

Tapos ayun, nag simula na ulit kaming mamili. Ay hindi pala ako kasama.. eh sila lang yung namimili. Ako taga sunod lang at taga pili ng kung anong magandang design.

Hmm.. kung andito lang sana si kuya, baka kanina pa namumula yun sa sobrang kilig.

Mga mag iisang oras narin siguro kaming nag iikot. Eh dito na nga rin kami nag lunch. At ngayon nag lalakad na naman ulit kami. Eh di ko nga alam kong saan na kami pupunta. Eh na o-op na nga ako sakanila. Eh sa sila lang yung nag kaka intindihan.

Mga ilang minuto pang pag lalakad napatigil ako ng makita ko na nasa harap kami ng Salon

"Ma?!. Anong gagawin natin dito?!."taka kung tanong.

"Zein.. kailangan nating mag relax.."

"Relax eh pwede namang sa bahay nalang mag relax eh"

"Hayy nako Zein.. sumunod ka nalang nga.." sabi naman ulit ni mama. Tiningnan ko naman si ate Lia na nakangiti lang.

Pag ka pasok namin May kinausap si mama at ayun umupo na sila.

So ano?!. Op na talaga ko dito?!.

"Ahmm.. ma'am!. Dito na kayo.." napanaman ako ng may nag salita sa gilid ko.

"Ahhm.. hindi ako kasama.." sabi ko naman sabay tingin kay mama.

"Zein..."

"Pero ma!.."

"Sige na, kayo na bahala dyan.." sabi ulit ni mama.

"Ma!. Teka lang.. ayoko..." Nag pupumiglas ako habang sinasabi yun. Eh sa hinawakan nako ng dalwang bading.

At ayun wala nakong nagawa at pinaupo nalang ako sa upuan. (Malamang)

At ayun. Nagsimula na syang paglaruan ako. Gusto kung maiyak sa mga oras nato. Di ko alam kung bakit.

Ma naman kasi eh!.

At ayun inuna yung muka ko. May nilagay na kung ano-anong sabon yung babae.

Sunod naman. Sa buhok ko.. napatingin naman ako sa reaksyon nung babae ng hawakan yung buhok ko.

"Anong gusto mo sa buhok mo?!." Napatingin naman ako kay mama. Ng bigla akong may naisip.. tutal wala narin akong magagawa at tinanong nyo narin naman.

"Hmm.. Ma!!..Pwedeng favor..."

.

Pag katapos akong lagyan ng kung ano ano sa katawan at pag mumuka ko. Nag lalakad na kami ngayon papuntang parking lot, eh hatid na daw kami ni Ate Lia. Grabe ang bait nya talaga.

"Ahh.. Lia. Salamat nga pala sa pag sama samin." Napangiti naman si ate Lia.

"Ako nga po dapat ang mag pasalamat.. tsaka. Masaya rin akong nakasama ko kayo ngayong araw kahit sa maikling oras.." Napangiti naman kami ni mama.

Papasok na sana kami sa kotse ni ate Lia ng biglang may sumigaw. Kaya agad naman kaming napalingon.

"Oh Chris anong nangyari sa'yo.."  tanong ni mama. Eh sa pawis na pawis, halatang nag tatakbo.

"Eh ma!. Kanina ko pa kayo hinahanap, tapos kasama nyo lang pala si Lia." Hingal na sbi nya. Pero natigilan sya sa huling sinabi nya.

"Teka.. kasama nyo si Lia?!" Biglang nag iba yung reaksyon nya.

"Teka. Bakit bawal ba?!." Tanong ko naman kay kuya. Pero parang nabigla sya ng tumingin na sya sakin.

"Teka!. Sino ka?!."

Binatukan ko nga.
"OA mo!. Ako to si Zeinrie na nerd!." Tiningnan nya naman ko baba taas.

"Anong kinain nyo??!. Bat ganyan itsura mo?!." Binatukan ko nga ulit. OA kasi masyado.

"Ahhmm.. sige Lia. Mukang marami pa kaming ikwekwento dito kay Chris.. ahmm.. salamat nalang ulit.." sabi ni mama kay ate Lia.

"Walang ano man po." Pagkatapos nun, hinila na ni mama si Kuya paalis dun.

"Hoy.. teka nga lang... ano ba talaga nangyari?!. Unang una?!. Ba't kasama nyo si Lia.. tapos bakit.. bakit ganyan itsura mo?!."

"Kuya.. pwede wag kang OA. Nag paayos lang ako.. tsaka isa pa.. bakit?!. Bawal bang isama namin si Ate Lia.?!"

"Hindi.. pero sana... Sinabi nyo sakin.." nagkatinginan kami bigla ni mama.

"Para ano?!? Para makasama mo sya?!." Bigla namang nag iba yung awra nya.

"Lina nga kayo.." sabi ni kuya sabay lakad. Nag katinginang naman ulit kami ni mama..

Ay mukng iisa lang ang nasa isip namin ngayon.









Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon