Chapter 35

35.9K 663 27
                                    

Pagkatapos nung eksenang yun. Halos naging lutang parin ako habang naglalakad ngayon papuntang ball ground. Dahil ngayon magaganap ang coronation night. At excited akong makita si Lissa.


Siguro mas lalo syang gaganda ngayon. Naku, baka lalong ma-in-love sakanya si Kurt.


"Zein." Nabaling ang tingin ko kay Kurt na ngayon ay bakas sa mukha ang excitement. Hanep! Parang sya sasali ah.

"Oh bakit?" Taas kilay kong tanong pero may kinuha sya mula sa likod kaya hinihintay kong makita kong ano iyun.

"Charrraaan.." Aniya sabay bukas nung hawak nyang tarpaulin na may nakalagay na "Ready Get set Go Lissa!" at picture sa gilid.


"Hanep! Baka nakakalimutan mo pageant sasalihan ni Lissa hindi karera." Sabi ko pero tumawa lang sya. "Pero teka, baka makita nila." Pabulong kong sabi pero ngini-sihan bya lang ako.

"Zein, syempre naman makikita nila kaya nga ako nagpagawa. Alangan namang itago ko." Pami-milosopo nya kaya agad kong siniko. Sarap iuntog eh!

"Ang ibig kong sabihin. Baka malaman nila iyung tungkol sa inyo ni Lissa." Sabi ko pero napasinghap eto tsaka ako hinawakan sa balikat.

"Ano ka ba Zein. Ang sekreto ay sekreto, walang makakaalam kung walang mag sasalita. Tsaka ang alam lang nila eh isa akong kaibigang taga suporta " Sabi nya sabay kindat kaya tumango nalang ako.

Hay nako Kurt kung alam mo lang ang katotohanan. Tsk. Parang ako pa ata ang mas masasaktan pag nalaman mo na iyung totoo.

"Oh andito na pala kayo." Nabaling ang tingin namin ni Kurt sa kung sino ang nagsalita.

"Aba syempre, hindi ata ako papahuli." Ani Kurt.

Pero bigla akong natigilan ng mapadpad ang tingin ko kay Kyle na pinaghalong pagsusungit at lungkot ang mukha. Tsk! Okay lang ba to? Parang kanina ko pa napapansing ang tamlay-tamlay nya.

Pero napansin ko din na wala si Nikko dito. Hayst. San kaya yun nagpunta?

"A-asan si Nikko?" Tanobg ko dahilan para napatingin sila sa akin na hindi ko maintindihan.

"B-bakit ganyan tingin nyo?" Takang tanong ko pero napailing sila.

"Hmm wala. Good luck." Tinaasan ko naman ng kilay si Kurt dahil sa sinabi nya.

"Anong good luck?" Naguguluhan kong tanong pero hindi na nila ako nagawang sagutin dahil nag simula na ang pageant.

Anong good luck? Para san yun? Eh si Lissa yung dapat gino-good luck nila. Jezz.

Napailing nalang ako tsaka isinantabi muna iyung mga katanungang iyun at tinuon ang pansin dito sa pageant. Excited lang akong makita si Lissa. Baka mamaya sumayaw sya ng Swalla. Charot.

Isa-isa ng nag pakilala iyung mga contestants na aminado ko eh halos lahat magaganda ang mukha maging ang pag-rampa. Bigla tuloy akong nahiya. Eh ako nga hindi na maganda mukha, hindi pa marunong rumampa. Baka nga talaga lalake ako. Tsk. Pero natigilan ako ng napatingin ako ngayon kay Kurt na halos kilig na kilig kahit di pa lumalabas si Lissa.

"Hoy baka maihi ka dyan sa sobrang kilig." Pagbi-biro ko pero hindi nya ko pinansin dahil tutok na tutok talaga sya.

Pero bigla akong nagulat ng marinig ko ang nakakabinging sigaw ni Kurt. Puta! Sakit sa tenga.

"Good evening Ladies and gentlemen I'm Aira Melissa Dominguez representing Class C-B." Bumalot ulit ang hiyawan naman ng mga tao nanunuod lalong-lalo na dito sa lalakeng nasa tabi ko ngayon.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon