Chapter 47: Yakap

34.8K 752 12
                                    



Dalawang araw nakalipas ang gabing mas nag pagulo sa utak ko. Halos dalawang araw nakong.. hindi lumalabas ng kwarto at kumakain.. Buti nalang at wala na kaming proper lesson dahil malapit na ring mag Christmas vacation.

Pinipilit nila kong kausapin pero di ko sila kayang kausapin. Halos oras oras, kinukulit ako ni mama, pero di ko talaga kaya.. maging si Nikko di ko narin nakakausap. Naiinis na nga ko s sarili ko.

Sa tuwing iniisip ko yung mga nalaman ko nung gabing yun.. parang may sumasak-sak sa dibdib ko.

"Zein.. buksan mo na to.. usap tayo." napatingin naman ako sa pinto, huminga ako ng malalim bago ako pumunta sa pinto at binuksan.

Nakita ko nga yun si kuya na nakatingin lang sakin, at di ko namalayan bigla ko nalang syang niyakap.

"Kuya.. ano ba nangyayari sakin?!. Bat ba sunod sunod mga hindi ko inaasahang pangyayari sa buhay ko??. Naguguluhan nako.." tanong ko kay kuya na alam kung hindi na naman ulit masasagot.

"Zein.. naiintindihan kita, alam ko nakakabigla ang mga pangyayari, lalo na kay papa.." bigla ko na naman tuloy naalala.

"Alam ko, wala akong dapat ika galit kay papa, dahil wala naman akong alam sa kung ano talaga nangyari dati.. pero ang di ko lang matanggap eh kailangan pa nilang mag sekreto sa atin... At ng mas masakit eh dahil ako pa yung unang naka alam nun.."

"Alam mo Zein, maging ako, nainis ako nung malaman ko yun. Oo nung una nagalit ako pero sinubukan kung bigyan ng pagkakataon silang mag paliwanag. At napag isip isip kong, wala naman talaga akong dapat ikainis kay papa, dahil una palang, tayo na ang inisip nya, kung ano magiging kalagayan natin. At kahit di man natin sya nakakasama sa pisikal na katauhan noon, palagi tayong nasa puso't isipan nya. Kaya Zein.. ako na nagpapaliwanag sa'yo.. bigyan mo sya ng pagkakataon.. "

Pagka sbi nya nun niyakap nya naman ako ulit. Parang napaisip ako dun, kung si kuya nga, napatawad nya kagad si papa, eh ko pa kayang walang alam sa nangyari nun.

Hayyystt...

Pagkatapos nun, naisipan kung lumabas. Gusto kung ma-refresh yung utak ko. Tinawagan ko si Nikko, kayalnagn ko syang makausap.. nakakahiya na sakanya.

"Zein!." Napaangat naman ulo

"Ah!. Sorry may binilin pa kasi si dad.."pag papaliwanag nya.

"Ah!. Ok lang.." pagkasabi ko nun, umupo na sya sa katapat ng upuan ko.

"Hmmm.. tsaka isa pa, Ako nga dapat mag sorry sa'yo."

"Sorry?!. Para san?!."

"Girlfriend moko. Pero parang may ma labo.."

"Anong ibig mong sabihin." Kunot nuo nyang tanong

"Netong mga nakaraang araw, napapansin ko, andaming problemang dumating. At naiinis ako sa sarili ko, dahil di ko magampanan kung ano yung meron satin."

"A-anong ibig mong sabihin?!."

"Nikko.. Alam kong masakit.. pero,.. pero pwede bang... bigyan muna natin ng space ang isa't isa?!."

"Space? Teka bakit??."

"Ayoko lang kasing isipin mo na parang wala lang para sakin yung kung anong meron satin, naisip kong baka nawiwierduhan ka na sakin"

"Huh?!. Eh ano ba naman ang mali dun?!. Zein, pwede naman nating pag tulungan yun diba?!. Boyfriend mo ko, Girlfriend kita.. matutulungan kita!!." Napailing nalang ako

"Pero Nikko.. kas.."

"Kasi ano?!. Diretsuhin mo na ko Zein, alam kung may gusto ka kay Ken tama?!!." Napakunot naman nuo ko sa sinabi nya.

"Anong pinagsasabi mo.."

"So ikaw pa nagtanong nyan!.. Zein, alam ko hindi ako perpektong boyfriend, pero sana naman inisip mo yung mararamdaman ko.. sana bago mo ko sinagot inisip mo manlang sana kung sino yung mas mahal mo!."

"Nikko. Hindi yun yung gusto kung sabihin!. Ang sakin lang, eh masyado kong nagmadali sa desisyon ko.. at alam kung huli na, dahil nakasakit na ko ng tao."

"At isa ako dun.." pagkasabi nya nun, agad syang tumayo at lumabas ng cafe.

Napapikit nalang ako. Ano ba naman Zeinrie ang ginawa mo!. Naramdaman ko nalang na may tumulong tubig sa pisngi ko.

Hanggang sa makauwi ako, umiiyak parin ako..ang sakit!. Sobrang sakit!. Kung dati, inis na inis ako pag May iba syang kasama.. pero ngayon naiinis ako dahil ako na mismo nakasakit sa kanya, at sa sarili ko.

Habang sa kalagitnaan ng pag iyak ko may naririnig akong katok sa pinto pero di ko yun inintindi. Hindi ko magawang makatayo.

"Nak?!."bigla nalang akong may naramdaman sa katawan ko. At ngayun ramdam ko ang pag yakap sakin ni mama.

"I'm sorry.."

Pero napatingin ako sa isang direksyon kung saan may nakatayong lalake. At nabigla nalang ako ng tumayo ako at ihakbang ko ang paa ko, Papalapit kay papa, at mas nabigla ako ng niyakap ko na sya.

"Sorry.. Hindi ko kayo dapat hinusgahan.. Sorry.. inunahan lang ako ng inis nung mga oras na yun...."

"naiintindihan kita.. At hindi kita masisisi.. may pag kakamali din ako,sorry, nadagdagan ko pa problema mo.."

Nung mga oras na yakap ako ni papa. Parang napunan mga patlang sa dib dib ko. Eto yung yakap na matagal ko nang hinahanap sa isang ama.







Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon