Chapter 20

41K 1.7K 45
                                    

7:30 na akong nakauwi ng bahay gawa ng pagmu-muni-muni ko sa gitna ng daan kanina habang iniisip parin ang ginawa kong kahihiyan kanina.


Ng makauwi ako ng bahay, tulog parin si Kuya at okay yun. Sana lang wag sabihin ng bibeng iyun ang nangyari. And speaking of bibe.. naalala ko yung mainit nyang katawan kanina. Mukhang nilalagnat pa ata. Baka nabinat pa dahil sa nangyari kanina.

Hanggang sa lumipas ang minuto, oras at ngayon ay napa bangon ako sa kama ko matapos magsawang makipagtitigan sa librong hawak ko. Naisipan kong bumaba ng sala.

Pero sandali akong natigil sa paghakbang sa may hagdan ng marinig ang pag-ring ng cellphone ni kuya mula center table.

Tss' Nakalimutan na naman ata nong lalakeng yun.

Napangiwi ako matapos tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Jio, kaya sinagot ko kaagad.

["Hello.. Chris."]

["Jio, ako to si Zein. Wala si kuya dito umalis naiwan etong cellphone nya."]

["Ah ganon ba?."]

["Hmm. B-bakit.. anong kailangan mo?.]

["Ah wala si Ken kasi.."]


["Bakit? a-anong nangyari sakanya?."]

["Eh inaapoy ng lagnat. Halos mag iisang linggo na nga rin eh."] Napangiwi ako dahil sa narinig ko.

["Huh? Edi p-pumunta na sya ospital.."]

"Eh ayaw nyang dinadala sya sa ospital."]

["Edi yung ospital yung papuntahin mo.."] Pami-milosopo ko.

["Zein naman.. di ako nakikipagbiruan."]

["Eh yung doktor mismo ang papuntahin nyo. Problema ba yun?"]

["Gusto mong wag kaming pansinin non nang ilang taon!. Ayaw nya na may kahit anong konektado sa ospital ang makita nya."]

["Tss.. edi ikaw nalang pumunta, o kaya si kurt o si Nikko."]

["Andito kami sa Cebu nila Jio pati ni Nikko kaya di namin mapuntahan. Eh dapat nga sana kasama namin sya ngayon."]

["Ganon ba? s-sige sabihin ko nalang kay Kuya."] Tanging nasabi o bago  pos in-end ang tawag.

Napaupo ako sa couch matapos mai-lapag ang cellphone. Di ko alam pero parang nanghina ako sa di malamang dahilan.

Lumipas ulit ang ilang oras at di ako mapakali. Ni hindi ako makakain ng maayos, sa tuwing isu-subo ko ang kutsara palagi kong naiisip si Kyle. Tss' pake ko ba dun.

At ngayon ay kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng may pinto. Para bang may nag sasabi saking pumunta ako sa lungga ni Kyle.

Natauhan ako nung marinig ang pag-ring ng phone ni kuya kaya agad ko iyun sinagot.

["Oh bakit?"]

["Wala pa ba si Chris?"] Ramdam ko ang pag-aalala ni Jio mula sa kabilang linya.

["Hmm.. w-wala pa eh."]

["Zein.. pwede bang puntahan mo muna si Ken sa bahay nila. Nag aalala na kami eh, please."]

Matapos naming mag usap ni Jio, kaagad akong naghanap ng masasakyan. Ni hindi na nga ako naka pagpalit ng damit ko, eh naka short lang ako tapos loss shirt.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon