Chapter 4

53.1K 971 16
                                    



AILWTBB 4:











Walang gana akong naglalakad ngayon habang pinagmamasdan ang mga kotseng nag dadaanan. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko yung mga nakita ko kanina. Di ko alam kong bakit ganito ang nararamdaman ko, yung parang nanghihina buong katawan ko, lalo na pag inaalala ko yung nakita ko, parang may kung anong bagay ang tumutusok sa puso ko.

Haist!. Bakit ka ba kasi ganyan Nikko? Bakit mo ko binibigyan ng rason para mahalin ka? Kita mo tong ginawa mo sakin? mas masakit pa sa lahat ng pangungutya ng ibang tao sakin. Akala ko ikaw lang lagi ang magiging dahilan ng pag ngiti ko sa kabila ng lahat ng kalungkutan ko, pero ikaw rin pala ang magiging dahilan ng pag iyak ko. Haysss.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pauwi ng bahay habang punit dito punit doon ng mga dahong na dadaanan ko—wala akong ganang mag commute kaya mas ginusto ko nalang ang maglakad pauwi, tutal malapit lang naman ang bahay namin, mga dalawampung minuto lang naman—yun ay kung bibilisan ko, at isa pa gusto ko ring i-refresh ang sarili ko matapos ang mga nakita ko kanina.


Habang naglalakad— bigla akong natauhan sa pagkakalutang ng marinig ko ang busina mula sa likod ko. Pero hindi lang sya normal na busina, dahil sa sobrang lakas muntikan ng makalabas kaluluwa ko.

Psh! Oo, alam ko panget ako pero hindi ako bingi. Kainis rin E noh!

Agad akong lumingon sa kotse kung san galing ang nakakabinging busina, pero natigil ako ng makita ng mata ko ang isang kulay itim na kotse sa tapat ko. Hmm, infairness ah! maganda sya at mukhang bago tsaka mahal. Siguro maganda o gwapong mayaman ang may ari neto, pero bastos nga lang.

Agad akong lumapit sa kotse at kumatok sa salamin para kausapin kung sino man ang sakay ng kotseng to, pero bigla ako'ng napairap matapos makita ang mga unggoy na nakasakay sa kotseng tinutukoy ko.

"Hi panget"



Binabawi ko na mga sinabi ko kanina, E mga unggoy lang naman pala na mukhang bibe ang sakay neto. Pero imbis na sagutin ang ang pang-aasar nila E Inirapan ko nalang sila dahil wala ako sa mood para makipag sagutan.

"Ah, alam mo kasi panget, pupunta kami sa bahay nyo, at kahit na labag sa kalooban ko, pwede ka namang sumbay samin." Bigla ko ngang inirapan tong ugok na to. Nagpapatawa ba to? Labag pala sa kalooban nya tapos mag aaya-aya sya!. Pasikat masyado!

"Alam nyo, salamat na lang sa pag mamalasakit, pero hindi ko gugustuhing makatabi ang mga tulad nyong mga unggoy na mukhang bibe." saad ko habang nakataas ang kilay.

"Anong sabi mo?" Taas tonong tanong naman ulit ni Kyle.

"Psh! Binge ka ba?" Pero biglang namilog ang mata nya sa pinagsasabi ko.

"Tsk! Tara na nga Kurt! Choosy naman neto, kala mo naman ang ganda mo!" Saad ulit ni Kyle pero inirapan ko lang ulit.

"At least hindi tulad nyo!" Sigaw ko, pero alam ko'ng hindi na nila yun narinig dahil bigla na nilang pinaharurot ang kotse.

Hayss. bat ba kasi naging kaibigan pa nila si Kuya? Di sana di gugulo ang buhay ko ng ganito. Aish!



.



Makalipas ang halos mag iisang oras na paglalakad nakauwi narin ako ng bahay ng di man lang nakaramdam ng pagod. Pero bigla akong natigil ng maabutan ko ang tatlong bibe na abala sa mga ginagawa nila.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon