Chapter 9

47.3K 1.8K 32
                                    

Agad akong napahawak sa noo ko ng tumama sa mata ko ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling mula sa kung saan. Hala! buhay pa ba ako?





Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero may suot parin naman ako. Malambot din ang hinihigaan ko ngayon. Medyo masakit nga lang ang ulo ko kaya hinilot ko eto.



Sinubukan kong ikutin ang paningin ko pero masyadong malabo kaya wala ako gaanong makita. Kaya pinilit ko nalang ang sarili ko para maka-up.



"Gising ka na pala." Rinig kong may nagsalita di kalayuan sa kung nasan ako.


Ilang salit pa may nilagay na salamin sa mata ko. Kaya ngayon medyo malinaw na ang paningin ko. At andito nga ako sa clinic kasama ni Lissa na syang nag suot ng salamin ko. Tumingin ako sa wall clock. 4:25 na pala ng hapon. Shemay, anong bang nangyari?


"Okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo?" Agad na tanong sakin ni Lissa kaya bahagya akong napailing.




"O-okay nako, medyo nahihilo lang." Malumanay kong sagot habang napahawak sa ulo ko at pinipilit umupo.




"Sa susunod kasi mag iingat." Automatic naman akong napangiti sa narinig ko iyin mula sakanya habang inaalalayan akong maka-upo.



"Opo." Sabi ko. " Pero teka, alam na ba ni kuya ang tungkol dito?" Tanong ko habang inaalalayan nya parin akong makaupo.




"Ah. Oo, nasabi na nung apat. Pumunta nga sya kanina dito kaso hinatid lang yang salamin mo kasi nabasag yung isa. Pero umalis din kaagad sya nung um-okay na yung kalagayan mo, eh busy daw kasi." Pagpapaliwanag nya.




"Ah ganon ba." Tanging nasabi ko habang tumatango.



Naku! Mukhang magka-ka delubyo na naman mamaya pag uwi ko ng bahay. Dapat ko ng ihanda ang tenga ko para sa sandamakmak nyang sermon.



Akmang may sasabihin pa sana si Lissa ng bigla nalang sumulpot ang lider ng mga bibe nang 'di man lang kumakatok.



"Di ka ba marunong kumatok? o sadyang balak mo lang sirain yang pinto." Sarkastiko kong sabi. Apakawalang modo, bigla ba naman daw buksan ng padabog ang pinto. Asan utak nya?


"Zein.." Pagtawag sakin ni Lissa kaya agad ulit akong tumingin sakanya.  "Ah, mauna na ko. Nag text kasi si mommy, may family meeting daw, kailangan ko ng makauwi." What the?!



So iiwanan nya ako dito mag-isa kasama ang bibeng eto? Pero di ko naman pwedeng sabihing dito na muna sya eh. Baka mas importante yung pupuntahan nya. Isa pa, baka naabala ko na sya masyado.


"Ah s-sige. Salamat sa pagbantay." Sabi ko pero nag-nod lang sya.



"You're welcome. Sige, bye." Huling sabi nya tsaka nagsimulang lumakad paglabas ng kwarto.




Natigil nalang ako ng mapansin ko ang lalakeng nasa tapat parin ng pinto at seryosong nakatingin sakin.



"Buhay ka pa pala?" Pang a-asar kong sabi pero nanatiling seryoso ang aura nya.



"Diba dapat ako ang nagtatanong nyan sayo?" Isang matinding irap ang binigay ko sakanya.




"Tsk. Ano ba ginagawa mo dito?"Pag iiba ko ng usapan tsaka umayos ng upo.



"Chris just wanna know if youre still breathing." Aniya habang nagsimulang humakbang papalapit sa kama kung nasan ako naka-upo.



"Oo buhay pa ko kaya pwede kanang umalis." Sabi ko sabay irap.


Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon