Chapter 12

44.9K 831 6
                                    

Walang masyadong nangyari nung nakaraang araw maliban sa pagmumukmok ko maghapon sa kwarto kaya ang bilis ng mga pangyayari at ngayon ay Lunes na naman.

Ang aga kung nagising, alas-tres palang ng madaling araw gising na ako. At 5:30 palang eh andito na ko sa school. Eh wala rin naman na akong kasama sa bahay kasi maagang umalis si Kuya. Wala pa ngang mga tao dito, pati utilities. Kaya ako at si manong guard lang ang andito.

Di pa bukas yung room namin kaya tumambay muna ako sa may bench sa may gilid ng open field habang pinagmamasdan ang pag galaw nung mga clouds sa langit. Pati ang unti-unting pagsikat ng araw.

Napayakap ako bigla sa sarili ko dahil sa medyo malamig pa. Ilang sandali lang eh natigil ako ng biglang may nag vibrate sa bag ko. At alam kong cellphone ko yun kaya agad ko yung kinuha.

1 new message from unregistered number

"Good morning."

Nagsalubong bigla ang kilay ko dahil sa message na nabasa ko. Tss. Kanino naman kaya galing to?

Di ko alam kong na-wrong send lang ba eto o sadyang ako talagang para sakin ang message na eto. Nung una di ko na pinansin dahil ayokong ma bad trip pero dahil nakaramdam ako ng pagkabagot eh ni-replyan ko, buti nalang at palagi akong nilo-load-an ni kuya.

"Sino to?." Reply ko.

"Your secret admirer." Pft!

At dahil sa tamad akong mag-type, di-nial ko nalang ang number. Ilang beses kong di-nial pero sa pang apat na beses nya yun sinagot.

["Hello?."] Bati ko sa kabilang linya, pero walang nagsasalita.

["Hello?.."] Pagtawag ko ulit pero wala paring sumasagot.

["Pwede ba kong sino ka man magpakilala ka!."]  Sunod kong sabi pero maging pag-singhap mula sa kabilang linya eh wala akong nakuha, kaya wala akong ibang nagawa kundi putulin ang tawag.

Kainis! Umagang-umaga bad-trip kaagad.

"Ang aga mo ah." Natigil ako ng may magsalita na kung sino sa likod ko. Si Jio

"And so?" Pag su-sungit ko. Ang aga-aga mukha nya kagad makikita ko. Wala bang iba dyan? Yung Nikko sana ang pangalan.

"High blood naman neto masyado, ang aga oh." Aniya kaya bigla ko syang tinaasan ng kilay.

"Yung na nga eh. Ang aga-aga mang bi-bwiset na nanaman kagad kayo." Singhal ko pero napakamot lang sya sa sarili nyang batok.


"Easy lang, ano ka ba. Huwag kang mag-alala 'di kita a-asarin ngayon, okay." Sabi nya ulit pero inirapan ko lang sya. Wala kasi talaga akong tiwala sakanya. "Okay. Alam mo kasi ayaw naman talaga kitang asarin. Kaya lang. ." Tumingin ako sa kanya habang hinihintay ang sunod na sasabihin.

"Kaya lang..." Sabi ko habang hinihintay ang sasabihin nya.


"Kaya lang s-sabi ni Ken." Si Ken si Kyle, yun ang tawag kay Kyle pag close nya. Bat alam ko? Eh iyun ang tawag ni Kuya kay Kyle eh.

"Tss. Eh ang tanga mo pala eh." Sabi ko tsaka sya pinagpapalo nung bag ko.

"Aray ano ba?! Ang sakit ah." Reklamo nya kaya tinigil ko yung pagpalo sa kanya. "Eh ayaw naman talaga namin na pagtripan ka. Ang kaso nga lang, kapag di namin ginawa yun, baka kami pagtripan nong abnormal na yun. Eh alam mo naman yun, ang bilis makaisip ng kalokohan." Paliwanag nya.

"Eh kung sabihin ba nyang tumalon ka sa bangin tatalon ka ha?!" Inis kong sagot pero agad naman etong napailing.

"Syempre hindi. Ang totoo nga nyan kaya namin sinusunod yung isang yun kasi..." Pagpuputol nya. "Kasi gusto naming makita palaging masaya yang si Ken. At kaya ko nga sinabi to sayo kasi ayaw ko lang na magalit ka sakin, lalo na dahil kaibigan namin Kuya mo." Pagpapatuloy nya kaya nagsalubong ang kilay ko.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon