Chapter 13

43.4K 875 15
                                    


AILWTBB 13: Revenge





Pagkatapos maayos ang gulong ng palad. JOKE ang gulong ng kotse ni Kuya nagpasalamat ulit kami tapos umalis narin dahil sa gabi na at madilim na. Malamang

Malayo-layo pa man kami sa bahay tanaw ko na kaagad ang dalawang kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin, at alam ko kung kanino yun.

Ako na unang pinababa ni Kuya para pagbuksan sila ng gate. Hindi na rin ako umangal dahil wala akong gana makipagtalo.

Pagka bukas ko ng gate pumasok na kagad ako ng di sila hinihintay makapasok at agad na dumeretso sa kwarto.

Ayaw kong makita pagmumukha nung mga bibe na yun. Baka biglang magdilim ang paningin ko at makapatay ako ng wala sa oras.

Habang nasa kwarto at nagpapalipas ng oras di ko namalayan at mag iisang oras na rin siguro akong nakahilata sa kama, habang gumagawa ng assignments. Di nga ako masyado nakakapag concentrate dahil sa ingay sa baba.

Anong oras na naman ba sila uuwi?!

Mga abala sa buhay.


"Zeinrie!" Dinig kong tawag sakin ng huwaran kong Kuya mula sa baba. "Ipag-handa mo kami ng makakain." Natigil ako dahil dun.

"Ayoko!" Sigaw ko pabalik.

Eh sa ayaw ko naman talaga eh. Malaki na sila, kaya na nila sarili nila.

"Isa, susunugin ko yang mga libro mo!."

Aba't nang black mail pa.

"Malaki ka na! Kaya mo na sarili mo!." Pilit ko paring sabi habang napapakamot sa ulo dahil sa sobrang inis.

"Dalawa.." Bwiset!

"Tatlo.."


"O-Oo na.. eto nga at pababa na!" Napairap nalang ako bago napilitang tumayo para pagsilbihan ang hari.

Kainis, may sarili naman silang mga paa't kamay.

Pagkababa ko, dumeretso kagad ako ng kusina ng di sila pinansin tsaka nagsimulang maghanap ng makakain nila. Alas-nuwebe na ng gabi kaya di na sila maghahanap ng kanina. Kaya nag timpla nalang ako ng juice tsaka okay na siguro tong chips.

"Kailangan mo nang tulong?." Sandali akong natigil sa ginagawa at tumingin sa kung sino ang nagsalita.

Nikko


Andito sya? Di ko na naman ulit naisip yun ah!


"Ah.. H-hindi okay lang." Pag pa-pakipot ko.

Pero likas na matigas ang ulo nya kaya dinala nya nalang yung tray ng baso tapos sya narin nagdala nung juice.

Buti pa tong si Nikko pinanganak na gentleman. Eh yung mga huwaran nyang kaibigan na hayahay ang buhay na parang mababawasan ang pagkatao pag nag paka gentleman.

Pero tama lang siguro yun, hi di sila bagay maging gentleman dahil mukha silang bibe.

Napailing nalang ako tsaka sumunod sa sala at agad na nilagay yung tasa ng chips dun sa center table. Akmang pahakbang na sana ako pabalik sa kwarto ko ng bigla akong tawagin ng lider ng mga bibe.

"May iba ba kayong pagkain dyan?!" Hinarap ko sya ng nakataas ang kilay at cross arms.

"Wala." Pagtataray kong sabi.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon