Chapter 19

41.7K 767 15
                                    

AILWTBB 19: Saviour








Nakapalibot lahat ng mata ng tao sa amin ngayon. Habang binabalot ng bulungan sa paligid.


"Nakita mong ayaw nung tao kaya huwag mong pinipilit." Napatingin kami sa lalakeng nakaharap samin ngayon.

"Sino ka ba ha? Wag ka ngang makialam dito." Giit ng lalakeng nasa tabi ko ngayon na kanina'y nagtangkang magnakaw ng halik sa akin.

"Hindi mo ako gugustuhing kilalanin pa." Tanging nasabi ng lalake bago pinagsusuntok ang lalakeng nasa tabi ko. Hanggang sa nagpalitan na sila ng suntok.

Akmang palapit na sana ako para alalayan makatayo ang lalakeng tumulong sakin kanina ng bigla nalang akong naipit sa kumpulan na taong naki-osyoso.

Napabangon ako sa kama ko kasabay ng paghabol ng hininga tsaka napahawak sa dibdib.

Nananaginip na naman ako. Pero bakit ganon? Sino ba yung lalakeng yun? Sya rin kaya yung nasa panaginip ko nung nakaraan? pero sino sya?

Hayss..

Ipinikit ko nalang ang mata ko at sinubsob sa unan tsaka pinilit matulog ulit, pero mukhang di na ko ako dadalawin ng antok. Alas tres palang ng madaling araw at kulang na kulang pa ang tulog ko.

Natigilan nalang ako ng mag-beep ang cellphone ko kaya kinuha ko kaagad yun.

1 new message from unregistered number nanaman. Eto din ata yung nag message sa akin nung nakaraan.

"Good morning!" Napasinghp ako bago umayos ng upo tsaka nag-compose ng message.

"Sino nga to?!" Reply ko.

"Wow aga nating magising ah" Wala pang isang minuto bago ko natanggap ang reply nya.

Sinubukan kong i-dial anh number at ayun sinagot din sa wakas.

["Hello?"] Sandali akong natigil matapos marinig ang boses na yun mula sa kabilang linya.

Para bang may naalala ako sa boses nya na para bang narinig ko na ang bosea na eto ang kaso nga lang ay hindi ko matandaan kung kelan at saan. Pero alam ko iba ang pakiramdam ko dito.

["Pwede kung sino ka man magpakilala ka."] Singhal kong sabi.

Nakakagigil eh

["You already did."]

["Eh hindi nga sabi."] Kulit din eh noh.

Hinintay ko ang sagot nya pero bigla nalang in-end ng gago ang tawag. Bastos yun ha!

Pero teka.. ang sabi nya kanina kilala ko na sya. Eh pero hindi ko nga sya kilala. Tangina naman. Umagang umaga gulong gulo na utak ko dahil sa lalakeng di ko naman alam kung sino.

Makapag jogging nga muna. Tutal di rin lang naman ako makatulog. Tsaka para narin maalis ang stress ko.

At ayun na nga. Pagkatapos kong maligo at magbihis. Nag iwan ako ng sticky note sa ref. Baka kasi hanapin ako ni kuya.Mahirap na kapag nagalit na naman yun. mas mabuti na yung alam nya.

Nagsimula na akong mag jogging.. Inikot ko lang yung village namin, pero ang aga pa naman ata para umuwi. Eh wala namang klase ngayon kaya naisipan kong umikot sa kabilang village.

Ng makaramdam ako ng pagod sandali akong nag pahinga sa gilid ng may street light. Ilang minuto rin siguro akong nakatayo doon ng bigla akong naramdaman ng kakaiba. Na para barang may nakatingin sakin ngayon.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon