Chapter 46: Papa?

34.4K 712 9
                                    


Nag lalakad ako ngayon papuntang room. Napag isip-isip kong walang mangyayari sakin kung mag mumuk-mok lang ako sa bahay. At isa pa, wala naman akong dapat ipag muk-mok diba?!.

Hayysss..

"Zein.." Agad akong napalingon sa kung san nang galing yung nag salita.

"Pwede ba tayong mag usap.." tinitingnan ko muna sya sa mata at sa huli pumayag din ako.

At ngayon, andito kami sa favorite spot ko. Tahimik lang kami, habang hinihintay ko syang maunang mag salita.

"Alam mo ba yung tungkol dito?!." Naiangat ko ulo ko ng tinanungan nya yun.

"A-ang alam ko lang eh.. nasa arrange marriage si Lissa pero hindi ko alam na.. kay Kyle pala sya ikakasal." Rinig ko ang pag hinga nya ng malalim.

"Zein.. Bat ganon?!. Alam mo yung nakakainis??!. Eh yung malaman mo na ikakasal nalang sa iba yung taong mahal mo.. at ang mas masakit pa dun.. eh sa bestfriend ko pa.." nanginig nginig nyang sabi. Alam ko kung gano kasakit yung nararamdaman nya ngayon. Eh ako ngang kaibigan nya lang sobrang nasasaktan na. Eh pano pa kaya si Kurt na boyfriend niya?!.

"Wala namang may gusto neto.. kahit si Lissa. Dati pa man ginagawan nya na ng paraan para lang di matuloy yung kasal.. pero ano magagawa nila.. magulang nila kumukontrol sa buhay nila.." pag papaliwanag ko.

"Zein di ko kaya.. di kaya mawala  sakin si Lissa.." matapos nyang sabihin yun, tuluyan ng tumulo ang kanina nya pang pinipigil na luha. Hindi ko alam at pati rin ako naapektuhan na. Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Sa ngayon eto lang ang mai-tutulong ko sakanya.

Pagkatapos nun, Naisipan kong makipag usap kay Nikko. Eh kaylangan kong mag sorry.. matapos nung gabing yun.. hindi ko pa sya nakakausap.

"Nikko.." bati ko ng makarating na sya sa sinabi kong lugar kong san kami mag kikita.

"Sorry na traffic lang.." pag paumanhin nya.

"Ahh.. ok lang.." pag kasabi ko nun, umupo na sya.

"Hmm.. ok ka na ba?!?" Napakunot bigla nuo ko sa tinanong nya.

"Huh?!. O-Oo naman.. Bat naman ako hindi magiging ok??!." Bigla syang napasinghap sa sinabi ko.

"Ahhmm.. dahil kay Kyle at Lissa" Natigilan ako sa sinabi nya

"Ahmm.. sorry.. " pag bawi nya.

"Ahh.. o-ok lang, tsaka wala ka namang dapat ipag sorry.." sabi ko ulit.

Tahimik lang ulit kami habang kumakain, ng bigla ulit syang nagsalita.

"Ahmm. Zein.. may tanong sana ako, pero wag mo sanang mamasamain"

"A-ano yun?!." Kinakabahan kong tanong. Sa tono ng pananalita nya ngayon parang May kakaiba.

"Hmm.. A-a.. Ano ba talaga si Kyle para sa'yo?!." Napakunot na naman ang nuo ko.

"Anong ibig mong sabihin?!.."

"Ahmm. Alam kong ang gulong isipin pero, parang may mali.. hindi ko lang matukoy kung ano yun pero parang may iba sa inyo ni Ken.." anong ibig nyang sabihin?!. Naguguluhan ako.

"A-anong mali?!! Bakit May kakaiba ba sakin?!. Samin.?!!"

"Ahhm. Wa- wala.. ahmm. Sige kalimutan mo na yun sorry.. pati ako naguguluhan din.." napakunot nalang nuo ko. Ang tutuo naintindihan ko yung tanong nya, pero hindi ko lang talaga alam isasagot ko.

Pagkatapos nun, pinauna ko na syang pinauwi, ayoko pang umuwi mas gugustuhin ko pang libangin yung sarili ko.

Habang nagbabasa ko, May naka agaw ng atensyon ko, hindi ko alam kung ano nalang pumasok sa utak ko at sinundan ko yun.

Pero hindi ako makapaniwala. Yung kotseng yun.. yun yung kotse nung lalakeng parang sumusunod sakin!. Pero bakit pumasok sya dun?!.
Agad akong pumara ng taxi at pinasundan eto.

Pero nabigla ako ng tumigil din eto sa kung saan ako tumigil nung sinundan ko yung lalake.

Teka naguguluhan ako!.

Bumaba ako ng taxi at lumapit sa harap ng bahay. Ano ba talaga nangyayari. Sya kaya yun?!. Oh baka namamalik mata lang ako??.

Hayysss..

Hindi ko na kaya to kinakain nako ng curiosity ko. Lumapit ako sa gate at dahan dahan pinindut ang door bell. Ilang minutong paghihintay ng maramdaman kong  bumubukas na ang gate. Pero bakit ganon?! Parang bumibilis tibok ng dib dib ko?!.

At mas lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko ng makita ko ngayon ang babaeng nasa harap ko. At hindi ako makapaniwala sa kung sinong nasa harap ko.

"Zein?!" halata sa muka nya ang pagkabigla.

"Ma anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko kay mama na parang di makapaniwala.

"Oh sino yan hon?!." nabaling naman tingin ko kung san nang galing yung boses. At mas sobra akong nabigla sa nakita ko.

"Teka?!. anong ibig sabihin neto ma?!"

"Zein??!." rinig ko nasa boses ni mama yung panginginig.

"Ma?!. ano to?!" Tumataas na boses ko habang tinatanong yun. Ramdam ko narin ang pag init ng mata ko.

"sabihin mo na sakanya" sabi naman ng lalakeng nasa harap ko, na ngayon ay nasa tabi ni mama.

Napatingin naman ako kay mama na ngayon ay hinawakan ako mag kabilang balikat.

"Zein.. Sya.. Sy-sya ang papa mo?!" Teka!. Ano daw?!. Parang tumigil pag tibok ng puso ko.

"nag bibiro ba kayo?!" Natatawa kong sabi.

"kasi yung papa ko wala na. Matagala na kaming iniwan. Tas ngayun mag bibiro nalang kayo ng ganito?!"

"nak I'm so sorry.." sabi naman nung lalake. Aktong hahawakn nya ko kaya napa atras ako.

"Anak?!.. sorry.. pero wala akong tatay.." pag ka sabi ko nun nag lakad nako pabalik ng taxi.

Hindi ko kaya.. Para akong nasa loob ng isang bangungot. Bangungot na ms gugustuhin kong wag ng magising.




Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon