Chapter 27

36.7K 777 14
                                    

Ng matapos ang lahat ng subject namin ngayong araw at ngayon nga ay nag lalakad na naman ako para makauwi kaagad ng bahay. Miss ko na kasi si Mama eh. Dun ko nalang gagawin lahat ng assignment ko sa bahay, panigurado ko nag handa ng miryenda si mama.

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad. Bigla akong natigilan ng may na aninag ang mga mata ko. At alam ko, kahit medyo malayo sya sa kung nasaan ako. Hindi ako pwedeng magkamali, sya yun. Si Nikko yun.

Pero anong ginagawa nya sa harap ng building B? Pero sa pagkakaalam ko, may practice sina Jaime. Bigla ko na naman tuloy naalala yung nakita no kahapon. Kainis, sa tuwing naalala ko yun parang mas lalong ipinagdidiinan sakin na hindi ko kailanman mararanasan ang tulad ng pangyayaring yun Tsk! At dahil na intriga ako masyado, sandali akong naglakad palapit sa kung nasan si Nikko. Kita kong nakatayo lang sya sa harap ng building habang nakatingin sa room ni Jaime, pero bakit nya ginagawa yun? samantalang sarado na ang lahat ng room doon. Pero.. b-bakit sya umiiyak?

Sandali akong napasinghap ng makarating sa kung nasan si Nikko na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa room nina Jaime. Hindi ko alam kong anong gagawin ko sa mga oras na'to pero dapat may gawin ako.

"O-okay ka lang?." Utal kong tanong. Halatang napansin nya rin ako kaya sandaling napadpad ang tingin nya sa akin. At Oo nga, umiiyak nga sya. Pero bakit? Hindi ko alam pero parang hindi isang Nikko Fuentes na kilala ko ang nakikita ko ngayon. Isang malungkot na lalake ang nasa harap ko ngayon. Sobrang lungkot.

"Z-Zein.." Halos nangangatal ang boses nya habang sinasabi ang pangalan ko. At ikinagulat ko ng maramdaman ko ang pagyakap nya sa akin. Hindi ko alam kong ano problema nya, pero mukhang mabigat iyun.

"Zein, I need someone to talk to." Sabi nya habang nanatiling nakayakap parin sa akin. Alam ko kahit hindi nya sabihin sa akin, iyun ang kailangan nya ngayon.

"Huwag kang mag alala. Andito lang ako." Sabi ko habang pilit syang pinapatahan sa pag-iyak.

Bakit ganun? Maraming unang beses ang nangyari sa akin ngayon. Unang beses nya akong niyakap, unang beses kong nakita ang isang Nikko na ganito ang itsura. Ay mukhang hindi biro ang pinagdadaanan nya ngayon.

Andito na kami ngayon sa may park malapit lang din sa campus ilang minuto lang ang lalakarin bago matungo ng lugar na eto. Alas-singko na din ng hapon pero andito parin ako kasama ni Nikko. Tinext ko nalang si mama na medyo male-late ako ng uwi at pumayag din sya.

At ngayon ay kasalukuyan kong pinagmamasdan si Nikko habang iniinom ang pangalawang bote ng alak. Ang totoo nyan gusto ko syang pigilan pero mukhang kailangan nya talaga eto sa ngayon.

"Wala na kami ni Jaime." Aniya kaya biglang napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi nya. Pero teka.. tama ba talaga iyung narinig ko? "Zein sabihin mo nga sa akin. Minahal nga ba talaga ako ni Jaime?" Dagdag nya pang sabi. Anong ibig nyng sabihin dun?


"Bat ganun? Pwede namang sabihin nya nalang sa akin. Kung ayaw nya na sa akin, hindi iyung makikita ko pa harap-harapan ang panloloko nyang ginawa sa akin." Kasabay nung mga salitang yun ang pagbuhos ng luha sa mga mata nya.

Di ko alam kung pano ko sya ic-comfort sa mga oras na'to dahil msyadong nakakabigla ang mga sinasabi nya. Break na sila, pero bakit parang ako pa yung ma nasasaktan. Di ko magawang makapagsalita. Unang una, dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko para mapagaan ang karamdaman nya dahil hindi ko pa naman nai-experience kung pano mag karon ng karelasyon na ganyan.


"Anong ibig mong sabihin?"


Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naupo sa nya. Di ko na talaga alam kong paano sya ic-comfort.


"Huwag kang mag-alala. Alam ko namang may dahilan lahat ng nangyayari. Pero kung ano man ang dahilan na yun. Tandaan mong andito lang ako." Sabi ko tsaka ngumiti dahil para suklian nya rin ako ng ngiti tsaka ako niyakap

Diba dapat nagsasaya na ako sa mga oras na eto dahil sa nangyari sakanila? Pero hindi eh. Ako yung mas nasasaktan dahil sa nakikita ko kay Nikko.

Halos mag d-dalawang oras narin siguro kaming naandito sa park at hindi ko namalayang nakatulog narin sya sa balikat ko mayapos ang pagiyak nya. Halos anim na beer din iyung naubos nya.

Bahagya kong inayos ang pwesto nya bago ko pinagmasdan ang mukha nya tsaka ko pinunasan yung natutuyo ng luha sa mga pisngi nya dahil sa pag-iyak nya kanina.

Buhay nga naman talaga. Kahapon lang ng makita ko silang magkasama at masayang-masayang nagdidiwang ng monthsary nila, pero eto sya ngayon at umiiyak dahil rin sa pag-ibig.

Mahal nya talaga si Jaime eh, pero bakit parang hindi ganun ang nararamdaman ni Jaime para sakanya. Tama naman kasi talag si Nikko, kung talagang mahal sya ni Jaime... hindi na aabot sa ganito. Na lolokohin lang din pala nya si Nikko.

Ilang sandali pa, kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tinext si kuya para mag pasundo, dahil bukod sa alas-syete na nga gabi eh nangangalay narin ako. Kahit naman gusto ko pang makasama si Nikko mahluvs hindi ko na kaya etong pagrereklamo ng balikat ko. Masyado pa ngang madaming tanong etong si Kuya kung ano ba raw ginagawa ko dito. Pero sabi ko sunduin nya nalang ako. Pagkalipas ng ilang minutong pag hihintay dumating narin kaagad si kuya.

"Oh anong nangyari dito? Tsaka bakit kayo magkasama?" Tanong nya habang nakatitig lang sa amin. Ang galing! Nangangalay narin ang balikat ko Kyah!

"Tulungan mo muna kaya ako dito." Pagtataray kong sabi kaya napakamot nalang sya sa batok at tinulungang mai-dala sa kotse. Dami kasing tanong netong Christian na'to pwede namang ipagpabukas. Tsk!

Pagkatapos ng ilang minutong byahe hinatid na nga namin ngayun ni Kuya etong si Nikko mahluvs dito sa condo nya. Buti na lang at andito si Kuya kaya may lakas sya ng loob para halungkatin ang gamit ni Nikko para makuha ang susi. Hanep! May pa-condo-condo pa sya eh samantalang napakalaki ng bahay nila. Wala na sigurong mapag gastuhan ng pera kaya etong nagibg trip nya.

"Ano ba talaga kasi nangyari dyan?" Sandali akong natigil sa pag punas kay Nikko at hinarap si Kuya na ngayon ay todo sa pagkain ng apple. Ang galing! Feel at home. Pano kung bilang ni Nikko mahluvs ang mansanas nya talagang malilintikan ka.

"Hiwalay na sila ni Jaime." Sagot ko sa tanong nya habang patuloy sa pag-punas kay Nikko gamit ang bimpo.

"Huh?!Ano?!T-teka pano nagyari?! Bakit daw? Kelan? Dali sabihin mo." Bigla ko ngang winisikan ng tubig.

"Alam mo yung salitang OA? Ikaw yun." Sabi ko sabay irap. Eh sa napaka OA. Kung maka-tanong parang kaya kong sagutin yun ng isang sentence. Apaka OA talaga! "Tsaka isa pa, mas mabuti kong sya nalang magkwkwento sainyo." Sagot ko ulit. Syempre, talagang dapat si Nikko ang mag kwento sa kanila. Ayoko namang pangunahan si Nikko sa pagdidesisyun kaya mas okay kubg mananahimik ako.

Pagkatapos kung mapunasan si Nikko, si Kuya na ang nagpalit ng damit sakanya. Malamang. Sayang nga lang dahil hindi ko man lang makikita ang abs ni Nikko. Err. Sa susunod talaga hindi ko na tatawagan si Kuya. Chourr.

At ngayon ay naandito na ako ngayon sa kwarto ko habang nakatitig sa kawalan at iniisip parin si Nikko. Alam kong sobra syang nasaktan sa mga nangyayari dahil mukhang masyadong mabilis ng lahat. Pero kahit na gaano pa man yun kahirap at kasakit.. handa akong manatili sa tabi nya. Eh ako ngang tagahanga nya lang eh sobrang affected na sa mga nangyayari, pano pa kaya sa sitwasyon nya? Hayss..

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon