Chapter 2

89K 1.3K 32
                                    



AILWTBB 2:









Hindi parin wala sa isipan ko ang mga nangyari kanina. At sobrang nakaka guilty yung mg pinagsasabi ko dun sa babae. Kaya anytime na nasa labas ako e nasa panganib na ang buhay ko.





Huhuhu..





Haysss, buong buhay ko wala pa akong nakakaaway— may mga nasagot-sagot na, pero hindi yung tipong aabot sa kung anong nasa isip ko ngayon. Psh!



Di bale, mukha namang mabait yung babaeng yun. Hihingi nalang ako ng paumanhin kong sakaling makikita ko sya ulit.


Pero ngayon, Kasalukuyan akong nanginig habang naglalakad papuntang section eleven. Dahil inutusan ako ni Ms. Valencia na papirmahan sa class president ang papers na hawak ko ngayon.


And, guess who kung sino ang tinutukoy ko. Well, ang nag iisang  napaka-guwapong nilalang lang naman at pinakamamahal kong si Nikko Fuentes. Naalala ko naman tuloy yung pag mamalasakit nya sakin kanina. Hahahaha..

Pero kahit na sabihing makikita ko ulit sya, mas nangingibabaw parin ang kaba na nararamdaman ko sa oras na'to. Dahil bukod sa kahihiyang nangyari kanina, E ayaw ko ng makita pa ng pagmumukha nila.



hindi! mali!





except kay Nikko.






Tss! Kainis kasi E Ang daming pwedeng utusan ako pa talaga?!



I mean, Wala namang problema kung uutusan ako, kahit nga pag linisin ako sa buong campus kaya kung gawin pero yung pumunta sa impiyerno? The H! Mas gugustuhin ko pang sumama kay Lord kaysa pumunta sa room na yun! Sa room kung san nagtipon-tipon ang mga barumbado sa batch namin na pinamumunuan ng nag iisang unggoy na kamag anak ni Satanas.





Tsk!. Grrrrrrrr..






At hindi lang yun basta section eleven— dahil sa buong campus, ang section na yun ang pinaka katakutan ng mga teachers, kahit na mga beterana beterano na sa pag tuturo, tatataob at ta-taob sa section nila.





Sa sobrang wild, walang tumatagal na magturo sa kanila. I mean, may mga subject teachers sila na pinipilit pumasok kahit labag sa kalooban, pero wala pang dalawampung minuto, give up na kagad sila.





Oh diba! Ganun sila ka bait.




Siguro nga nakakatawa pakingang ang section nila, pero sa maniwala kayo't sa hindi— sa section nila kadalasan nang-gagaling ang pinanlalaban sa iba't-ibang contest.




Well, wala na ngang magtataka kung ba't andun sila sa section na yun— dahil kung ugali lang naman talaga ang pag uusapan? abay! Nararapat talaga sila dun. Pero sa kabila ng pagiging bad nila, may utak din sila.





Oo, halos karamihan sakanila matataalino. E mga anak ba naman ng iba't-ibang kilalang pangalan pagdating sa iba't-ibang larangan. May anak ng may ari ng isang sikat na cloth brand, may anak ng may ari ng paaralan, may anak ng unggoy, may kapatid na ang pangalan ay satanas.. oh diba!




Pero bakit nga ba sila nasa last section?





Gaya nga ng kanina ko pang sinasabi, anak sila ng may kaya sa buhay. Sila lang naman yung mga taong kayang gawin lahat ng gusto nila. Kahit kaylan pwede silang lumipat ng section nila. At kahit kailan pwede silang gumawa ng gulo ng di na d-drop o kahit magkaroon ng record sa guidance.




Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon