Chapter 12.5

5.9K 122 0
                                    

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang pinto ng impyerno. Ilang minuto narin ata akong nakatayo dito pero parang wala kong balak pumasok. Buti na lang at wala pa si Mr. Pascual. Argh.


Ayoko mang gawin to pero wala akong ibang choice. Kaya naman humakbang na ako para matungo ang pinto. Pero sandali akong natigil ng mapansing tahimik ang buong paligid.




Himalang wala akong naririnig na ni-anong ingay mula sa room na eto. Halos lahat sila eh nakatingin sakin na para bang kanina pa hinihintay ang pag dating ko, yung iba nakangiti pa sakin. Parang first time kong nakitang ganito to ka-tahimik ang mga eto.


"Dito ka na umupo." Agad na hinanap ng mata ko ang kung sino ang nag alok.



Pero napairap lang ako tsaka inalis sa kanya ang paningin ko bago nagsimulang maghanap ng ibang mau-upuan. Nek-nek mo Kyle.



"Wala ka ng mau-upuan, kaya wag ka nang choosy." Agad naman akong tumingin sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan, pero wala na nga talagang bakante. Maliban sa upuan sa gitna katabi ni Kyle.


Pero biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makita si Nikko na syang nasa kanilang bakanteng upuan. Shocks. So kung uupo ako dun, paniguradong makakatabi ko sya.

Uwah. Bigla tuloy akong gina-nahan. Mukhang hindi rin pala masama na mapunta dito. Hindi ko naisip na makakasama ko si Nikko ah.



Sandali akong humugot ng lakas tsaka nagsimulang lumakad para magtungo sa bakanteng upuan. Tumingin ako kay Nikko pero seryoso etong nakatingin sa binabasa nyang libro. Ayt. Hindi nya man lang ba ako babatiin? Or di kaya pansinin.


Akmang uupo na sana ako ng mapansin ko ang kakaibang tinginan nila sakin.

"May problema ba?" Taas kilay kong tnong pero agad silang umiling.


"W-wala. Sige upo kana." Sabi ni Kurt na para bang nagpipigil pa ng tawa. Hmm. Mukhang may kakaibang mangyayari ngayon ah.


Una long inilagay iyung bag ko sunod eh inayos ang palda bago dahan-dahang pa-upo sa silya ng bigla nalang.

"Hahahaha." Biglang bumalot sa buong kwarto ang nakakabinging tawanan.


Eh sino ba naman kasi di matatawa kapag nakakita ka ng parang tangang nakaupo sa isang malapot na kung ano mang peste to. Eh pano ba naman kasi nung pa-upo na ko biglang hinila ni Jio yung upuan kaya eto. Mga pvtangina nyo!


Tiningnan ko ng masama si Kyle na ngayon ay tawang-tawa. Kulang nalang mamatay nato sa sobrang tawa.
Pero di pa sila nakontento, nung patayo na ko biglang may nagbuhos sakin ng harina. At dun, dun sila mas natawa sakin. May naglabas pa ng mga celphone para picturan ako. Mga gago.


"Hahaha."


Kumuha ako ng lakas sa pagpapakawala ng malalim na paghinga bago tumayo at nagpipigil ng inis.



"Oh yan! Masaya na kayo? Napahiya na ko. Okay na kayo dun ha?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pero di parin sila tumitigil sa katatawa. Kaya naman pala iba yung pakiramdam ko sa mga yun.



Kinuha ko nalang iyung gamit ko tsaka lumabas sa room na yun. Pinagtitinginan na ko ng mga taong nakakasalubong ko pero wala akong pakealam.



Pag pasok ko sa CR agad kong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Ng bigla nalang may tumulong luha mula sa mata ko.


Bigla ko tuloy naalala sina Mama at Papa. Naalala ko nung bata pa ako, sa tuwing may nang aaway sakin sila lagi ang nagta-tanggol sakin. Miss na miss ko na sila.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon