Chapter 33

36.7K 791 17
                                    


Hindi sya yun!

Hindi parin ako maka get over sa nangyari kanina. Hayyss.. ano ba nangyayari sakin netong mga nakaraang araw?? Bakit puro ka weirduhan yung na naramdaman ko??

"Zein!. Andyan na ata bisita mo.." natauhan naman ako nung tinawag ako ni Mama. Kaya agad akong lumabas ng bahay at binuksan yung gate.

"Lissa Andito ka na pala??.. tara pasok." Tumango lang sya at sumunod na sakin pumasok

Andito ngayon si Lissa sa bahay mag ssleep over. Eh mag papatulong  daw sya sakin. Para sa question and answer portion nila sa pageant.

Eh matalino daw ako kaya sakin sya mag papaturo

Naks naman..^_^V

"Ahh.. ma.. si Lissa nga pala yung kinukwento ko sayong kaibigan ko.."
Pag papakilala ko kay Lissa.

"Ah... Nice to meet you Lissa. Thank you ah.."

"Nice meeting you din po.. ahh?! Para san po yung thank you??"

"Ahh.. eh sa pagiging kaibigan netong anak ko. Eh ikaw lang kasi yung kilala kong naging kaibigan netong si Zein...."

"Eh.. walang ano man po yun.. Tutal nag pasasalamat din ako kay Zein.. eh sya lang din yung isa sa mga kaibigan ko." Sabay tingin nya sakin.

Napangiti naman si mama dun.
"Hindi talaga nagkamali si Kurt sa'yo.." napatingin naman si Lissa kay mama .

"Ahh.. sinabi na po sa inyo ni Zein.." napiling naman si mama.

"Kwinento sakin ni Kurt.." napatingin naman kami ni Lissa kay mama.

"Huh??! Pano??!" Taka kung tanong

"Si Kurt, Parang anak ko narin yan... Silang apat!.. kaya alam ko bawat sikreto nila.."

Oo nga pala.. sobrang close nila kay mama.. pero bakit di sakin pina alam ni mama??

Hayy...

Pag ka tapos nung pag uusap namin. Andito na kami sa kwarto ko.

Isang oras narin siguro kami nag rereview ni Lissa.. pero parang hindi nga lang kami nag rereview. Eh nag bobonding narin kami.

Nag kwekwento din sya tungkol kay Kurt, kung pano sila nag kakilala, pano sya nag kagusto at kung ano ano pa.
Eh.. kanina pa din kami tawanan ng tawanan dito.

Nang bigla kung maisip yung kay Nikko. Siguro, kaylangan ko narin sabihin yung sikreto ko kay Lissa, tutal bestfriend naman kami. At alam kung matutulungan nya ko..

"Ahh... Lissa."

"Hmm??."

"Ahh.. May sasabihin sana ko sayo..." Napatingin nanaman sya sakin na parang nakakita ng multo.

"Huh?!. Teka!. Don't tell me.. May boyfriend ka na?!.. oh kaya!. May sakit ka sa puso!!. Oh kaya sa mata!!. Oh di kaya..... Buntis ka?!!." Bigla ko ngang binatohan ng unan..

"Ano bang pinag sasabi mo dyan.. unang una, wala akong boyfriend oh kaya sakit.. at lalong lalo na hindi ako buntis.."

"Eh, ikaw kasi kinabahan ako sa'yo. Baka kung ano sabihin mo sakin."

"Pwede, pakinggan mo muna kasi ako."  Tas tumango lang sya.

Huminga ako ng malalim bago nag salita..

"Ah.. lissa, anhmmm... mayy gusto ako kay Nikko.." nakapikit ako matapos kung sabihin yun..

dire deretso kung yung sinabi. Ayoko ng mag paligoy-ligoy ligoy pa.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon