Chapter 18

42.1K 833 7
                                    

AILWTBB 18: Weird








Kakatapos lang namin mag grocery ni Kuya at ngayon andito na kami sa resto. Eh dito na raw kami mag di-dinner 7:40 narin kasi ng gabi at wala na syang ganang mag-luto.

Walang masyadong nangyari kaninang umaga dahil walang nang aasar sakin, kasi wala pa yung lider ng mga bibeng iyun.. di pa pumapasok.

May lagnat pa ata. Tss' sayang naman. May naisip na sana akong ideya para pangba-bawi sa mga pinagsasabi nya kay Kuya, pero okay na rin yun dahil walang nang aasar sakin. Mas ginanahan pa nga akong pumasok sa section nila. Narealize kong hindi naman pala barombado yung section 11, kung tutuusin nga maganda sila kasama, parang protektado ako kahit lahat sila lalake. Palagi akong excited sumapit yung subject na yun.Kahit papano naging medyo close kami ni Jio. Palagi nya nga akong inaasar tungkol dun kay Kyle.. Pero alam ko namang nag j-joke lang yun, kasi alam nya ng crush ko si Nikko. Oo alam nya na.. nadulas lang yung bibig ko nung kausap ko sya kanina. Tinanggi ko pa nga eh pero nabuking din. Pero dahil takot sya sakin dahil sa pang bblackmail ko sa kanya, kaya pag sinabi nya yun isasabi ko din kay Kyle yung mga pinagsasabi sakin ni Jio. Kaya tikom lang ang bibig nya sa sekreto namin.

.


Nakita ko na si kuya na papunta sa table, may kasamang babae. Yung babaeng tumulong samin nung na-flat yung gulong ng kotse nya.

"Hi." Bati sakin nung babae habang kumakaway pero ngumiti lang ako tsaka nag-wave back. Messenger ganun

"Dito na raw sya maki-ki-table sa atin." Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay bakas ang napaka lapad ng ngiti. Tinaasan ko lang sya ng kilay bago sila tuluyang umupo.

Habang hinihintay namin yung inorder namin, nagkwentuhan muna kami.

"So.. pangalawang beses na tayong nagkikita pero di pa tayo magkakilala." Ani ate girl kaya.

"I'm Lia.." Pagpapakilala nya sa amin sabay abot nung kamay na parang makikipag shake hands.

"Chris.." Pagpapakilala naman ni Kuya sunod ay tumingin sya sakin.

"Zein.." Tanging pagpapakilala.

"So gaano na kayo katagal?" Tanong nya samin dahilan para magkatinginan kami ni kuya.

"Anong ibig mong sabihin?." Nagtatakang tanong ni kuya.

"Ilang months?. Years?. na kayong mag on?." Sandali kaming nagkatinginan ni Kuya bago nagpakawala ng malakas na pagtawa.

"Hahaha... h-hindi kami mag boyfriend girlfriend." Natatawang sabi ni Kuya habang napapa palakpak pa.

"Ha kung ganon edi magka-ano-ano kayo?"

"She's my lil' sis." Sabi ni Kuya sabay akbay sakin. Halatang nagulat din etong si ate Lia.

"Oh I'm sorry... I thought you-.."

"No its okay." Ani Kuya. "Kahit na panget to mahal ko tong." Patuloy nya paring sabi habang ginugulo ang buhok ko.

"Salamat sa pang la-lait ha!." Sarcastic kong sabi pero inirapan ny lang ako.

Natigilan nalang kami pareho ni Kuya ng bigla syang natahimik.

"May problema ba?." Tanong ni kuya.

"Ah w-wala.. may naalala lang ako. Naalala ko lang yung kapatid ko. Ganyan na ganyan din kami mag asaran eh."

"Talaga asan sya ngayon?." tanong ulit ni Kuya.

"Hmm.. wala na sya. He died year ago." Bakas sa mukha nya ang lungkot.

"Were sorry to hear that." Pagpapa umanhin ni Kuya.

"Its okay... Nakarecover na ako. Sadyang na-miss ko lang sya." Nagpilit kaming dalawa ni Kuya ng ngiti."Oh! andito na pala yung inorder natin." Sabay tingin dun sa waiter na dala-dala yung mga inorder namin.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain. Nagkwentuhan ulit kami. Sa sobrang dami ng topic, halos di maubusan.

Ngayon palang kami nag kakila-kilala pero ang gaan na ng loob namin sakanya. Napag alaman namin na, anak pala sya nung may ari ng sikat na boutique sa Japan. First year College narin sya gaya ni Kuya, and shes taking business adds. Nag aral rin sya ng Hotel and Restaurant Management, pero nag shift sya, nag kasundo nga sila ni kuya dun kaya ako eto.. OP na OP na sakanila.

Halos inabot kami ng dalawang oras sa pagkwentuhan pero mukhang wala pang balak umuwi netong si kuya.

Hmm. I smell something..

At dahil sa mukhang pangmatagalan pa ang paguusap nila. Nag paalam muna ako kay Kuya na mag C-CR lang ako, pero ang totoo nyan bibili ako ng libro sa bookstore.

Habang nasa bookstore ako at kasalukuyang namimili ng kung anong pwedeng bilhin. Natigil ako ng makaramdam ng kakaiba sa paligid. Na para bang may naka tingin sa bawat galaw ko. Sinubukan kong iikot ang paningin ko sa paligid pero wala naman akong ibang nakikitang nakatingin sakin.

Psh! Antok lang siguro to.

Pagkatapos kung makabili, naglakad na ulit ako papuntang parking lot. Eh nag text na si Kuya na dun nalang daw kami magkita.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon