Chapter 24

38.6K 856 9
                                    



AILWTBB 24: Stress Overload











Mabilis na lumipas ang mga araw netong nakaraan. At ilang araw narin akong di mapakali dahil sa wala akong tiwala dun sa lalaking bibe na yun kaya baka sinabi nya na kay Nikko. Pero, kung sinabi man nga ng isang yun malamang kinompronta na ako ni Nikko. Sa tuwing nagkikita kami ni Nikko wala namang kakaiba. Normal lang lahat.

Pero isa pa sa nakakapag-panibago sakin eh netong mga nakaraang araw. Parang normal ang pamumuhay ko. I mean, walang masyadong nang aasar sakin. Hindi narin ako gaano kinakausap nung apat ni hindi narin ako pinag t-tripan ni Kyle.

Tss. Mga sira ulo talaga yung mga yun kahit kelan.

Andito ako ngayon sa mall dahil naisipan kong tumambay muna dito sa ice-cream house. Mag aalas-syete na ng gabi pero wala parin akong balak umuwi dahil sa wala naman akong kasama sa bahay. Si kuya ayun umatend ng birthday ni Kurt, pinasasama nga ako ni Kurt pero ayoko talaga. Wala sa vocabulary ko ang salitang party.

.


Alas-onse na ng gabi pero di parin ako dinadalaw ng antok. Sa sobrang pagod ko ngayong araw, himalang hongi pa ako inaantok. Sandali akong natigil ng marinig ang pag-ring ng cellphone ko. At kaagad ko iyung sinagot matapos makita kung sino ang tumatawag.

"Bakit?" Diretsong tanong ko kay Kuya mula sa kabilang linya.

"Bakit gising ka pa?"

"Eh bakit ka ba kasi tumawag?"

"Wala, just making sure na buhay ka pa dyan." Napa-nguso ako dahil sa rason nya.

"Ewan ko nga sayo." Tanging nasabi ko bago pinutol ang pag uusap namin. Kahit kelan talaga walang kwentang kausap ang isang yun. Parang si Kyle. Tss. Bat ba nasali yun? Kainis!

Ilang sandali pa nag beep ang cellphone at message ulit mula kay Kuya. Picture nila habang nagkakasiyahan sa birthday ni Kurt. Halatang napaka-loud ng party ni Kurt. May mga babae sa likod habang may akbay si Jio isa sa mga babaeng andun, nakita ko din si Nikko na nakupo lang sa sulok at may hawak na baso, at si Kyle na... may kahalikan?

Holy Cow!

Kaagad kong in-off ang cellphone tsaka idinukdok ang mukha sa kama. Argh! Kala naman nila maiinggit ako! Never!

Handa ko na sanang ipikit ang aking beautiful eyes ng bigla na namang nag-ring ang cellphone ko, pero hindi ko iyun pinansin dahil alam kong si Kuya iyun, pero hindi matigil kaya sa huli ay kinuha ko rin. Pero sandali akong natigilan ng makitang unregistered number nanaman ulit.

Isa pato eh! Dagdag pa sa sakit ng ulo.

Nilagay ko nalang ulit iyung cellphone sa study table, mas lalo lang madadagdagan problema ko dahil sa pesteng to. Ilang saglit pa, bigla ulit nag-beep ang cellphone.

1 new message from unregistered number.

"Gising ka pa??" Sandali akong umayos ng upo bago binanat ang kamay.

"Sino ka ba kasi talaga??" Reply ko. Pero ilang minuto na akong naghihintay, wala paring reply kaya napilitan akong i-dial. Buti nalang at sinagot din kaagad.

"Hello??" Bati ko habang hinihintay magsalita ang nasa kabilang linya. "Alam mo? Kung sino ka man? Sana mag pakilala ka.." Malumanay kong pakiusap pero wala parin akong nakuhang sagot.

"Pero kung wala kang balak mag pakilala.. mas mabuting tigil-tigilan mo na ako." Sabi ko parin, pero mukhang wala syang balak magsalita.

Handa ko na sanang i-end ang tawag ng marinig o ang boses ng nasa kabilang linya.


"Pag nag pakilala ba ako... may mag babago?" Kasabay nun ay ang biglang pagkabog ng dibdib ko una, dahil sa sinabi nya, pangalawa ay dahil sa boses nya.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" Taka kung tanong.


"Pag nag pakilala ba ako, mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sayo?" Bigla na namang tumibok ng napakalakas ang dibdib ko doble-doble. Sobrang lakas ng impact ng boses nya, lalo ng mga pinagsasabi nya.


"T-teka, ayos ka lang? gabing-gabi nagpapatawa ka."

"Hindi ako nagpapatawa." Seryosong sabi ng nasa kabilang linya.

"Alam mo? Hangga't di kita nakikilala mananatili sa isip ko na pinag t-tripan mo lang ako." Narinig ko ang pag ngisi nya.

"Gusto mo talaga ko makilala?." Napalunok muna ako bago nag salita.


"Oo." Nanginig na sabi ko. Hindi ko alam pero gusto ko na nga syang makilala. Hindi ako matatahimik .

"Sa Lunes." Biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Ha?." Taka kong tanong pero inend nya na ang tawag. Sinubukan kong i-dial, pero di na nya sinasagot.

Ano ba namang araw to? Nakaka-stress!








Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon