Chapter 11

46.5K 900 13
                                    

AILWTBB 11: Gift



"Mahal na mahal kita Zein."

"Mahal na mahal din kita."

Akmang yayakapin ko na sana sya ng bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan dahilan ng pagtingin ko sa langit bago ngumiti. Ng  ibaling ko ulit ang tingin ko sakanya. Bigla nalang akong nataranta ng wala na sya sa harap ko ngayon.

Linibot ko ang paningin ko sa buong paligid pero di ko na sya nakita dahilan ng biglang panghihina ng katawan ko. Nagsimula naring pumatak ang mga luha ko kasabay ng pagbuhos ng napakalakas na ulan.

"Wag kang mag alala, andito lang ako di kita iiwan." Unti-unti akong napalingon sa kung saan nanggaling yung boses na yun.

At para bang nabuhayan ako matapos makita ang lalakeng may malapad na ngiti sa mukha. Humakbang ako palapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit na para bang wala ng bukas.
"Wag mo kong iwan." Mangiyak-ngiyak ko paring sabi.

"Hinding-hindi." Iniangat nya ang mukha ko para maiharap sakanya at nagsimulang punasan ang luha ko kahit nababasa rin lang dahil sa ulan.

Hanggang sa mapansin kong palapit ng palapit ang mukha namin sa isa't isa ng  biglang. . .

"Zeinrieeeeee!." Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga.

Napatingin ako kay Kuya na ngayon ay ang talas ng tingin sakin habang may hawak pa na tabo.

"Ang hirap mo gisingin alam mo ba yun? Kanina pa kita ginigising, nagtatalon na ko dyan sa kama mo, ginamit ko na yung speaker, nasigawan na ng ako ng kapitbahay natin sa sobrang lakas ng sigaw ko. Tapos tubig lang naman pala katapat mo. Eh akala ko nga di ka na gigising at tuluyan ng matulog." Nakatingin lang ako sakbya buong oras na sinasabi nya lahat ng yun.

"Asan na sya?." Kita ko sa mukha ni Kuya ang pinaghalong pagtataka at pagkagulat sa tinanong ko.

"Sinong sya? Ano bang pinagsasabi mo ha?." Galit na tanong nya pero napakamot nalag ako sa sarili kong batok.

"Wala. Nanaginip lang pala ko." Sabi ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Tss. Bumangon ka na nga lang dyan. Tanghali na." Sabi nya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kainis. Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa panaginip na yun, or should I say bangungot. Pero kung alin man sa dalawang yun isa lang ang tanong sa utak ko.

Sino kaya yung lalakeng yun? Si Nikko kaya yun?

Bahala na nga.

Alas-dyes na pala ng umaga at kakagising ko lang. Napuyat ako masyado kagabi eh. Akmang tatayo na sana ako ng bigla kong marmdamng basa ako.

Kainis! Lakas ng trip mo Christian!

Bago ko pumasok ng CR. Naisipan ko munang i-check yung phone ko. Baka kasi may pa-good morning si Nikko eh. Pero pangalan ni Lissa ang bumungad sakin.

"Good morning Zein.
Sorry kung ang aga. Pero pwede ba akong humingi sayo ng favor."

Nagsalubong ang kilay ko sa kung anong nabasa ko. Kanina pang 6 a.m  si-nend to at ngayon ko palang nabasa.

Imbis na magreply, di-nial ko nalang ang number nya. Wala kasi akong gana mag type.

Sa ikatlong ring nya sinagot yung tawag.
"Good morning. Ah sorry kakagising lang." Bati ko sa kabilang linya.

"Ah ganon ba. Okay lang."

"Ah ano nga pala yung favor na hinihingi mo?"

"Ah. Kung pwede sana akonv magpasama sayo mamili ng panregalo?"

"Para kanino?"

"Ah. Mamaya ko nalang ikwento. Yun ay kung papayag ka?" Wala naman akong gagawin ngayon kaya okay lang.

"Ah. Sige text mo nalang ako kung saan."

"Yehey.. thank you."

"Oh sige bye.." tapos in-end ko na yung tawag.

.

Ang usapan 2:00 PM. Eh mag t-three na wala pa si Lissa. Kanina pa ko andito. Naka apat na akong ice cream pero hanggang ngayon wala pa sya.

Kasama pa ata nya si Jennie, Rosé tsaka Jisoo.

Natigilan ako ng biglang tumunog yung chimes nung pinto kaya napatingin ako bigla.

"Sorry Zein, traffic masyado. " Bungad nya pero ngumiti lang ako.

"Okay lang. Di naman ako na-boring dito." Sabi ko habang di maiwasang di sya tingnan dahil sa halatang-halata ang pag mamadali nya. Pawis na pawis na sya at parang sumabak sa triathlon.

"Sya nga pala. Kamusta ka na? okay na ba yang ulo mo?" Tanong nya habang sinisilip yung kuto sa buhok ko. JOKE

"Opo okay na." Sabi ko habang natawa. "So sino ba yung re-regaluhan mo at kailangan ko pang sumama?" Tanong ko.

"Ah yung kaibigan kung lalake. Malapit na kasi birthday nun. Eh wala akong maisip na panregalo kasi nasakanya na lahat kaya ang hirap mag bigay ng materyal na bagay kung kaya nya namang bilhin diba? Kaya nagpatulong ako sayo." Pagpapaliwanag nya.

"Ah. Okay." Tanging nasabi ko bago nagsimulang maghanap ng kung anong pwede.

Una kaming nag hanap sa may mens ware pero wala syang napili. Pumunta na kami sa kung saan saang may mga gamit panlalaki pero wala parin syang mapili.

"Ano ba hilig ng kaibigan mo?"

"Marami."

Hanep! Kung ganyan talaga sagit nya mahihirapan syang maka hanap ng ireregalo.

Ang hirap nga naman talaga kasi mag hanap ng panregalo lalo na kong kaya nyang mabili ang kung ano-ano.

"Hayss.. Ano ng ire-regalo ko?" Walang gana nyang tanong.

"Eh baka hindi naman kasi materyal na bagay kailangan mong iregalo?" Sabi ko.

"Siguro nga.. Sige sa susunod nalang, tutal next week pa naman yun, nag bakasakli lang.." bored nyang sabi.

Habang naglalakad kami bigla syang tumigil.

"Oh bakit?" pero di nya ko sinagot. Tiningnan ko yung direksyon kung Saan sya nakatingin.

Tapos tumingin sya sakin ng may napakalaking ngiti sa mukha..

Mukhang alam ko na kung anong nasaisip nya.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon