Chapter 22

41.2K 787 22
                                    


AILWTBB 22: With Them








Nagising ako matapos umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko. At kahit na inaantok pa pilit kong inabot iyun.

5 missed calls from Lissa ang bumungad sa akin kaya kaagad akong napatingin ako sa wall clock ng makabangon sa pagkakahiga. Alas-onse na ng tanghali at kagigising ko lang. Pero imbis na ma-bigla, ay naging kalmado lang ang awra ko.

Eh sa wala rin akong ganang gumalaw dahil sa masakit parin ang ulo ko dahil sa kulang na tulog at pag iyak kagabi.

Pagbangon ko dumeretso ako sa CR at sandaling tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. At ikinabigla ko ng makita ang mugtong-mugto kong mata.

Ganun ba ka-grabe pag d-drama ko kagabi at halos ilang patong etong eyebags ko. Parang gusto ko naring magpa-franchise ng isa pa. Tss'

Pagkatapos kong maka-ligo at makapagbihis. Inayos ko na ang sarili ko. Naisipan ko kasing ngayong hapon nalang ako papasok tutal lunch narin naman.

Ng makarating nako sa room ng Section D. Dumiretso kaagad ako sa pwesto ko tsaka inilabas ang notebook at sinimulang magsulat ng kung ano-ano.

"Hi panget." Rinig kong bati ni Kyle pero di ko sya nagawang tapunan ng tingin at nagpatuloy sa pagsusulat.

Mukhang bumalik na ulit sya sa pagiging ugok na bibe.

"Oy nerdy?" Rinig ko ulit na pagtawag sa akin ni Jio pero di ko rin sya nagawang tingnan.

Natigil nalang ako ng kunin ni Kyle ang notebook ko kaya tiningnan ko sila ng seryoso tsaka kumuha ng panibagong notebook sa bag.

Wala ako sa mood makipag biruan sa kanila kaya hinayaan ko nalang. Tutal wala rin naman ng mangyayari kong makikipag asaran ako sakanila.

Mayamaya dumating na si Sir at agad na nag simula ang klase. Pero halos lutang lang ako buong oras. Buti nalang at nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers nanaman kaya naging maaga ang dissmisal. Kaya nagsiuwian na yung iba kong mga classmates.

Sana pala di nalang ako pumasok ngayong hapon. Wala rin naman akong mapapala.

Ng maayos ko na ang gamit ko, lumabas na rin ako ng room dahil naisipan ko ng umuwi. Pero ikinagulat ko ng makita ko sina Kyle, Jio, Kurt at Nikko na ngayon ay nakasandal sa pader.

"K-kanina pa kayo dyan?" Tanong ko pero singhap lang ang natanggap ko mula kay Kyle.

"What took you so long?" Taas kilay na tanong sakin ni Kyle kaya inirapan ko ko nalang at sinimulan ang paghakbang.

"Wait..." Natigil ako sa paglakad nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko kaya napatingin naman ako kaagad.

"Sama ka samin." Sunod akong tumingin kay Kurt na syang nagalita.

"Huh?!" Taka kong tanong pero wala na akong natanggap na sagot mula sakanila at ang paghila nalang sa braso ko ang nagawa ni Jio.

"Oy teka nga." Pag-pu-pumiglas ko pero di nila ako pinansin. At kahit na anong pilit kong pagbawi ng kamay ko di ko na nakayanan, hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Pasok nyo nayan." Utos ni Kyle na ngayon ay papasok na sa rin sa kotse.

Sinubukan kong tumakas pero kulang nalang dumugo kamay ko sa sobrang higpit ng hawak ni Jio at Kurt sa braso ko.

"San nyo ba kasi ako dadalhin ha?!" Inis na tanong ko.

"Hay nako! pwede wag ka nalang maingay. Wag kang mag alala wala kaming gagawing masama sayo." Ani Kurt habang hawak parin ang braso ko.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon