Chapter 37: Kuya

33.7K 634 3
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong tumama sa mata ko ang sikat ng araw kaya naman agad akong napakamot sa ulo ko dahil dun.

"Kainis naman oh." Napatingin ako sa orasan. 12:30 na pero  kulang parin ang tulog ko. Inaantok pa ako ng sobra. Sino ba naman kasing tanga'ng matutulog ng ala-singko ng madaling araw? Edi ako. Tsk.

Ipi-pikit ko na sana ulit ang mata ko ng bigla kong marinig ang pag-ring sa cellphone ko. Pero dahil inaantok ako eh hinayaan ko muna iyun. Mayamaya pa eh nag-ring ulit eto, kaya napilitan na akong kunin iyun.

Pero agad namang kumunot ang noo ko matapos makita ang nasa screen. Unregestered number, pero ibang number eto dun sa isang unregistered number na nangungulit sakin.

Eh kung ganun, sino naman kaya to?

At dahil sa bigla akong na-curios eh sinagot ko nalang din ang tawag.
["Hello.."] Walang gana kong bati habang nakapikit parin hanggang ngayon ang mata ko.

["Good morning, Zein."] Bigla ko namang namulat mata ko matapos marimig ang boses na iyun. Alam ko, kahit na hindi pa nagpapakilala ang nasa kabilang linya, sigurado ako kung sino eto.

["N-Nikko?"] Takang tanong ko tsaka umayos ng upo.

["Galing ah. Nahulaan mo kagad."] Sabi nya na halatang natatawa kaya naman bigla akong kinilig dun. Nai-imagine ko kasi iyung itsura nya ngayon.

["Ahm. T-teka, pano mo nakuha number----"]

["I forced Lissa. Sorry."] Biglang pagputol nya sa dapat na tanong ko.


["Ganun ba? okay lang. Hmm. Bakit ka nga pala napatawag?"] Dunod na tanong ko habang napa-pakagat sa pang-ibabang labi.


["Ahm. Gusto lang kitang batiin ng good morning. And also, invite sana kita.. lumabas."] Bigla akong napakunok sa kung anong narinig ko mula sakanya.

Ano daw?

["Ah-ano. Hmm."] Hind ko na nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ko dahil bigla nya iyung pinutol.

["Sige, sunduin nalang kita dyan sa inyo."]


["Nikko kas---"]

["Bye."] At tuluyan nya na ngang in-end ang tawag.


Seryoso? Tama ba talaga iyung mga narinig ko? Talaga bang si Nikko yun? Psh. Baka naman nanaginip lang ako. Sinampal ko ang sarili ko pero nasaktan lang ako. Tsk.



Agad akong magtungo sa CR tsaka naligo tsaka nag-bihis ng usual na outfit ko. Baka mag m-mall lang naman kami kaya okay na eto. Pero iyun nga lang dahil medyo naging iba ako ngayon. Naglagay ako ng pulbos at lip gloss na hindi ko naman madalas na ginagawa. Ayoko lang magmukhang patapon sa harap ni Nikko kahit iyun naman talaga ang totoo.


Ilang sandali pa eh bigla akong matigilan ng marinig ko ang sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay kaya agad akong nagtungo sa bintana, at nakita ko na nga iyung sasakyan ni Nikko.


Ng maayos ko na ang sarili ko eh bumaba na ako patungo sa salas. Akmang bubuksan ko na sana iyung pinto ng bigla akong may narinig na pag-tikhim. Bigla ko namang naalala, hindi pa nga pala ako nagpapaalam kay Kuya.


"San ka pupunta?" Sandali akong umikot para tingnan sya na ngayon eh naka-upo sa sofa.


"Hmm. L-lalabas." Sagot ko tsaka nakagat ang pang-ibabang labi, pero bigla naman syang napangisi.


"Lalabas, ng ganyan ang ayos?" Taas kilay netong sabi kaya napatingin ako sa suot ko ngayon.

"Eh okay naman 'to eh, mag m-mall lang nama---"

"Nag paalam ka?" Seryoso netong sabi tsaka umayos ng upo.


"Eh kaya nga sana ako mag papa-alam sayo."


"At sa tingin mo papayagan kita?" Agad na pag-agap nya dahilan para mapa-kunot ang nuo ko. Hindi ko maintindihan pero para atang kakaiba ang aura nya.


"Oh, san lakad mo?" Napatingin ako kay Mama na ngayon eh nasa harap ko na. Akmang magsasalita palang sana ako pero napatingin na ako sa pinto ng biglang may kumatok kaya agad ko naman iyung binuksan.


Pero bigla akong natigil ng makita ko ang napaka gwapong linalang na nasa harap ko na. Bigla naman akong napalunok matapos makita syang ngumiti sakin.

"Hello po Tita, Chris, at Zein." Bati nya tsaka ulit ngumiti.


"Teka may lakad ba kayo netong si Nikko?" Sunod na tanong sakin ni mama kaya tumingin ako kay Nikko.


"Hmm. Tita, ipagpapaalam ko lang po sana si Zein, kain lang po kami sa labas." Pagpapaalam ni Nikko dahilan para maramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Shocks! Feeling ko tuloy nagpapa-alam na syang magpakasal kami. Haha.


"Hindi pwede." Napatingin kami kay Kuya Chris na ngayon eh seryosong nakatingin samin matapos nyang sabihin iyun. Halata ding gulat sila sa kung anong sinabi neto.

"Chris." Sabi ni Mama. "Zein, sige na. Basta mag-iingat kayo ah." Aniyq kaya tumango nalang si Nikko bago ulit tumingin sakin.


Titingnan ko sana ulit si Kuya pero pinagbuksan na ako ng pinto ni Nikko kaya nagsimula nalang akong lumakad. Ano bang meron sa lalakeng yun? Tsk.


Tahimik lang kami buong byahe, meron syang mga itinatanong sakin pero tamang tango at iling lang ang nagagawa ko. Eh sa hindi ako masyadong sanay sa ganito. Na kami lang ang magkasama.


Ilang sandali pa eh nakarating narin kagad kami sa mall. Kung saan-saan lang kami nagpunta, at kumain. May mga binibili narin kami na kung ano-ano. Nung una, syempre kabado ako, kulang nalang pati pag-hinga eh makalimutan ko na.


"Zein.." Sandali akong nag-angat ng tingin ng marinig ko ang patawag sakin ni Nikko. "Gutom ka na?" Tumango lang ako.


Hindi narin sya masyadong nag-salita at marahan nya nalang akong hinila papunta sa isang restaurant.


Tahimik lang kaming kumakain. Marami akong gustong sabihin pero mas inuna ko etong pag-kain dahil gutom na gutom na talaga ako.


"About last night." Nahinto akong sa pagkain ng marinig ko iyun mula sakanya. "Alam kong hanggang ngayon... nagtataka ka parin---"



"Naiintindihan kita." Pagputol kosa dapat na sasabihin nya tsaka suminghap. "Alam mo Nikko, gusto kong magpakatotoo sayo. Oo, noon plang may gusto na ako sayo. Pero, hindi ko naman iyun masyadong sineryoso."


"Ha? B-bakit?


"Kasi alam kong imposibleng magustuhan mo rin ako." Bigla naman akng natigilan ng hawakan nya ang kamay ko.


"Hindi... imposible." Bumilis ang pag-pintig ng dibdib ko matapos iyung marinig mula sakanya.


Napangiti naman ako sa sinabi nya. Di ko magawang magsalita dahil di ko alam ano sasabihin ko.

Hehe..

Pagkatapos naming makakain.. Hinatid nya na rin ako sa bahay.. eh napansin nya daw kasi na parang ina-antok pa ko..

.


At nakita namin si kuya na nakatingin sakin..Pero bakit.. parang ang sama ng tingin nya sakin...

Mga ilang minuto pang pag tinginan  umakyat na sya..

"Ma.. ano nangyari dun?!. Bat parang ang sama ata ng araw nya ngayon??."

"Hu!. Eh ok naman yun nung bago ako umalis.."

Huh?!. Ehh.. ano naman kaya nangyari dun.. baka nakita nya si ate Lia kasama yung boyfriend...

Hmmm...



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon