Chapter 30: Ate Lia

38.2K 757 9
                                    


AILWTBB: Ate Lia






Mabilis na lumipas ang araw dahil sa wala namang naganap netong dumating na araw. At ngayon ay Lunes na at kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria dahil nagugutom na ako. Ewan ko, bakit nagugutom ako kahit na naubos ko na iyung pinadala sa akin ni Mama na brownies na bi-nake nya.


Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, bigla akong natigilan ng may marinig akong nag uusap sa loob ng music room. Hindi sa chismosa ako pero mukhang hobby ko na ang pakikinig sa usapan ng iba. Hahaha.

"Eh Babe, kinakabahan ako. Papano kung alam nya na?" Rinig kong tanong ng boses babaeng nasa loob ng music room. At dahil dun ay naisipan ko pang humakbang palapit sa may naka half close na pinto ng music room.

"Ano ka ba? Si Zein naman yun eh. Wala kang dapat ipag-alala." Biglang tumibok ng napakabilis anh puso ko matapos marinig ang mga salitang iyun  galing sa boses ng lalake.


Teka, tama ba yung narinig ko? Zein?? Ako ba iyung tinutukoy ng lalakeng eto? Pero pano?. At dahil dun ay di ko na napigilan pa at sumilip na ako mula sa may pinto.


Pero mukhang mali ata na ginawa ko iyun. Ngayon ay nakita ko nga sila habang magkayakap. Nanaginip ba ako? Ilang beses akong napalunok dahil s kung anobg nakikita ko ngayon. Gusto kong sampalin ang pisngi ko para makasiguro pero natigilan ako ng makita ko si Lissa na ngayon ay gulat na nakatingin sakin.


"Z-Zein?" Utal nyang sabi habang kumalas sa pagkakayakap kay ni Kurt. Maging si Kurt ay gulat din sa pagkakakita sa akin.



Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa buong kwarto sa mga oras na eto.


"Lissa." Pagbabasag ko sa katahimikan. "Pwede bang.. mag usap muna tayong dalawa?" Tanong ko dahilan para napatingin sya kay Kurt na ngiting tumango sakanya. Sa mga oras na'to. Hindi na ako pwedeng magkamali. Lahat ng hinala ko, mabibigyang kasagutan na. Kailangan naming mag usap, marami syang dapat ipaliwanag.



Mayamaya, lumabas na rin si Kurt pero bago sya tuluyang makalabas ngumiti muna sya sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin.


"Zein.." Pagtawag sa akin ni Lissa na ngayon ay unti-unting huma-hakbang palapit sa akin. "I'm sorry." Biglang sabi nya pero pagpapakawala ng malalim na paghinga ang nagawa ko bago nagsimulang magsalita.



"Ano ba talaga meron sainyo ni Kurt?" Tanong ko dahilan para mag-angat sya ng tingin. Pero imbis na sagutin nya ako ay bigla nalang syang napaupo sa sahig sa di ko malaman na dahilan.



Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may mali. Ramdam ko ang lungkot nya sa mga oras na eto. Humakbang ako palapit sa kanya bago sya tinabihan.


"Zein, Sorry... sorry kung nagsinungaling ako sa'yo. Pasensya kung hindi ko nasabi kaagad sayo ang tungkol sa amin ni Kurt." Halos nangingig ang boses nya habang sinasabi ang mga salitang iyun.


"Ano ka ba? Wala kang dapat ipagpaumanhin. Dahil sigurado naman akong meroong dahilan kung bakit di mo sakin sinabi ang tungkol sa inyo." Sabi ko habang pinapa-tahan sya sa pag-iyak.


Sandali syang huminga ng malalim nagsimulang mag salita.


"Mula nung naging magkaibigan tayo, noon pa man gustong-gusto ko talagang sabihin sa'yo ang tungkol sa amin pero di ko alam kung pano." Panimula nya. "Ang totoo nyan, bata pa lamang kami, magkaibigan na talaga kami. Kami nina Kyle, Jio, Nikko. Pero dalawang taon narin ang relasyon namin ni Kurt." Sabi nya.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon