Chapter 3

65.8K 1.2K 38
                                    



AILWTBB 3:













Matapos ang araw nayun parang nagkaroon ako ng kung ano dito sa puso ko. Yung feeling na di ko ma point out kung anong nararamdam ko sa tuwing iisipin ko'ng may kaibigan ako— at sana kaibigan nga talaga turing nya sakin.



Huhuhu.....




Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga ng matapos kong sagutan ang lahat ng assignments ko para bukas.





Time check, 2:30 P.M





Hayss, mag iisang oras na pala akong tutok sa pag sagot ng assignments di ko man lang namalayan yung oras. Nabaling ang tingin ko sa mga classmates ko'ng abalang-abala sa mga negosyo nila. May mga nag babasa, may mga nag kakantahan, at meron namang abala sa pag lalalagay ng kolorete sa mukha nila.




Psh! Bat di kaya nila unahin pag aaral nila bago kalandian. Tsk! Bat ba kasi nagkaroon pa ng emergency meeting yung mg teachers, ang boring tuloy wala na ko'ng maisip na ibang pagkaka-abalahan ko ng oras. Natapos ko na assignment ko para bukas, at tapos narin ako mag advance reading para sa lesson namin bukas— E kung ako narin kay gumawa ng lesson plan ng advicer namin?! Tsk.



Psh! kahit naman nerd ako nakaka ramdam din ako ng boredom—tao parin kaya ako noh!, Tao na mukhang hayop.




Hmm, Alam ko na! Dun nalang kaya ako sa library, at least hindi ako masyadong maboboring kasama ng mga libro.





Hahahaha tama!.



At ayun, agad ko ng inayos ang gamit ko, sunod naman ang sarili ko bago magsimula maglakad. Aish! Matatapos ang buong araw na libro lang ang kaharap ko. Pero kung tutuusin, mas gugustuhin ko pa nga yun kesa pagmasdan ang mga classmates ko'ng abala sa mga negosyo nila. Psh! Edi kayo na maraming kaibigan.



Pero natigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang nakakabinging tawanan mula sa labas ng room namin. Ampf!. Sino naman kayo yun? E hindi naman ganyan ka OA tumawa mga estudyante sa building nato. Hayss... di bale na, aalis din naman ako sa lugar nato.


Ng makalabas na ako ng pinto, natigil na naman ako sa kinatatayuan ko ng makita na naman ng mata ko ang tatlong bibe kasama ang mga alagad nila.

"Hi panget!" Tiningnan ko nga ng masama si Jio. Pero sya— todo pa-pogi effect pa.


"Anong ginagawa nyo dito?" Inis na tanong ko kahit alam ko naman kung bakit sila andito.



Tsk! Ano pa ba? Edi mag pa-pacute sa mga classmates ko'ng babae. Kaya pala todo lagay ng kung ano-anong produkto yung mga haliparot na yun kasi andito tong mga unggoy na'to.


"Grabe ka naman, highblood kana kagad E!" sabi ulit ni Jio sabay tapik sa likod ko.


"Panong di ako ma h-high blood E nakita ko na naman pagmumukha nyo!" Inis ko ulit na sabi habang naghahanap ng tsempo kung san ako dadaan dahil sa nakaharang sila sa dadaanan ko.


"Nasobrahan na ata talaga pagkagwapo ko, nakaka high blood na!" Bigla namang namilog ang mata ko sabay tingnan sa lider ng tatlong bibe bago ako tumawa ng napakalakas.


"Hahahahahahahahaa" pang asar na tawa ko. Kita din sa mga itsura nila ang pagtaas ng kilay dahil sa pagtawa ko. "Grabe, ang presko...hoooo" saad ko sabay maypa pay-pay effects pa.


"Halata naman, eh buhag-hag na buhag-hag yang buhok mo!"
sabat naman ng Kurt nato. At ayun sila naman ang nagtawanan. Psh! Muntanga lang E noh!.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon