Chapter 15

44.1K 857 29
                                    

AILWTBB 15: Stuck 5.0







"Tang'na mo alam mo yun!" Singhal ko habang pinag tutulak ang isang to.

Kainis kasi! Nasisiraan na ata ng ulo to at kung ano-ano nalang pumapasok sa utak.

"Shut up! Sa tingin mo may mangyayari kong magsisisigaw ka dyan? Antayin nalang nating umaraw, para buksan ulit etong stock room." Sabi nya kaya mas lalong uminit ang dugo ko. Mas mainit pa sa kumukulong takore.

"Bwiset!" Tanging nasabi ko habang napapa-irap sa kanya.

Kinuha ko ang bag ko at agad yung binuksan para hanapin ang tangi at huling pag asa ko.

At kung minamalas ka nga naman talaga. Kung kelan mangyayari ang emergency tsaka pa na bat empty etong pesteng cellphone na'to.

Sana pala di ko na sinayang yung natitirang bat kaka-titig sa pesteng mukha ng isang dito.

"Akin na cellphone mo bilis!" Utos ko sakanya.

Naguguluhan man pero ginawa nya rin kaagad pero sandali syang napangiwi tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi ko dala." Aniya sabay ngiti.

"Argh! Bwiset ka talaga eh noh! Ano ba kasing pumasok dyan sa kokote mo't sinara mo yang pinto?!" Halos pumutok na ako dito sa sobrang inis. Konting-konti nalang talaga.

"It's your fault. Kung di mo nilagyan ng kung ano-ano yung ice-cream di sana di tayo aabot sa ganito." Pag da-dahilan nya.

"Ah talaga ba?! Eh kung di mo ko pinagtripan at ng buong section nyo di sana di ko yun gagawin." Singhal ko pero inirapan nya lang ako at mukhang wala na syang balak sundan ang sasabihin nya.

Na-guilty kasi eh

Ilang minutong katahimikan.

Napaupo nalang ako sa sahig tsaka nagpakawala ng malalim na paghinga.

"Pwede.. I dont want to mind that stuff.. I't doesnt matter who is the first one . Parehas naman tayong may kasalanan dito." Tiningnan ko sya ng nakataas ang isang kilay, matapos nyang sabihin ang mga salitang yun.

"Wala ako-..." Di ko na natapos ang dapat na pag depensa ko dahil sa tinakpan nya na ang bibig ko gamit ang daliri nya.

"Please.." Malumanay nyang sabi pero napairap lang ako tsaka inalis ang kamay nya sa bibig ko.

Actually, tama rin sya. Nakakapagod din makipag talo lalo na't dahil sa walang kwentang dahilan.

Napa-sulyap ako sa relo ko ng mapansing dumidilim na rin. 6:30 na ng hapon. Perp nabaling ang tingin ko kay Kyle na ngayon ay pa-upo narin sa sahig.

"Di ka ba hahanapin ni Chris?." Tanong nya pero napailing ako.

"Wala si kuya sa bahay. Mag s-sleep over sya sa classmate nya kaya di nya ko hahanapin." Bored kong sabi.

Isang katahimikan na naman ang naganap matapos ang paguusap naming iyun.

Madilim na kaya tanging ilaw na lang sa kwartong eto ang maaaninag. Akmang papikit na ang mata ko ng biglang pumapatay sindi ang ilaw kaya automatic akong napatayo. Hinanap ko si Kyle, at ayon nakaupo lang ang gago.

"Wag ka ngang OA ilaw lang yan." Aniya tsaka pumikit dahil mukhang walang gana makipagtalo sakin.

"Anong ilaw lang!" Sabi ko tsaka in-off ang switch tapos in-on ulit pero di na umiilaw yung bulb.

At dahil dun, nagsimula ng manginig ang tuhod ko. Di ako sanay sa madilim lalo na kong mag isa lang ako. Oo, dalawa kami dito, pero wala akong tiwala sa pagmumukha neto.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon