Chapter 28

39.6K 826 16
                                    

Buong gabi wala akong ibang iniisip kundi si Nikko. Parang ako pa mas namro-roblema sakanya. Hindi ako mapakali kung anong gagawin ni Nikko pagkagising nya kung anong iisipin nya, o kung san sya maghahanap ng lakas para ganahang pumasok. Hays.

Hindi ko pa sya nakikita ngayong araw kaya hindi ko maiwasang hindi mapakali. At ngayon ay kasalukuyang akong papunta sa canteen dahil hinahanap ko si Kurt. Nautusan pa kasi ako ni Kuya na hiramin yung gitara nya. Kainis nga eh! Pwede namang sya nalang humiram o di kaya bumili ng sariling gitara. Ang kuripot kasi masyado. Maski piso iniiyakan. Kainis!

Ng makarating na ako sa canteen, kaagad ko syang nakita kasama ang kapwa nya bibe. Eh sa sila lang naman kasi ang may pinakamalaking space dito sa canteen. Eh parang sinakop na buong space, kala mo naman kung ilang tao nakaupo eh samantalang tatlo lang sila. Tatlo.. dahil wala si Nikko. Tsk! Bigla ko na naman tuloy naalala. Hindi kaya sya pumasok ngayon?

Teka. Alam na kaya nila yung tungkol sa paghihiwalay nila ni Jaime?. Siguro naman Oo na.

"Oh! Hi Zein." Bati sa akin ni Kurt ng matubgo ko kung san sila nakapwesto. Pero isang matinding irap ang ginawa ko sakanya.

"Pahiram daw ng gitara mo sabi ni Kuya balik nya din kaagad bukas." Diretsong sabi ko ng hinyi tumitingin sakanila.

"Sure, no problem." pagkasabi nya nun, umalis nako kaagad. Ganun kabilis. Ni hindi ko nga pinansin etong si Jio at.. Kyle dahil ayokong ma-bad trip. Isa pa, ayokong makita si Kyle dahil naaalala ko iyung isang gabi na nagkausap kami. Tsk!

Pagkatapos ng lahat ng subject namin ngayong araw agad akong umalis ng room para makauwi na naman. Pero nabigla ako ng may humawak sa braso ko at tsaka ako hinila.

"Aray ano ba ang sakit!" Inis kong sabi dito kay Jio na syang may hawak ng braso ko. "Hoy Jio san mo ba ko dadalhin?" Inis o paring tanong pero nginitian nya muna ako bago sumagot.

"Sa puso mo. Aray!" Bigla ngang nakatanggap ng batok mula sa akin. Ang saya netong kausap eh nuh. "Basta wag ka nalang madaming tanong. May oupuntahan tayo." Agad na pangbabawi nya habang hinihimas ang batok at patuloy sa paghatak sakin.

"Ha? Eh saan?" Pilit ko paring tanong pero wala na akong nakuhang sagot.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad bigla akong natigil ng tumigil si Jio.

"Aray!" Sabi ko sabay tanggal nung braso ko sa pagkakahawak nya. At halos namumula ang aking pinakamamahal na wrist. "Ang sakit hayup ka!" Reklamo ko parin habang pinaghahampas sya ng bag ko. Sobra talagang sakit. Feeling ko biglang naipon dugo ko sa braso dahil sa OA na pagkakahawak nya.

Pero sandali akong natauhan ng mapansin kong nakatingin lang sa kin sina Kurt at Kyle. At ngayon ko labg din na-realize na andito sila at naandito kami sa parking.

"B-bakit?" Takang tanong ko pero inirapan lng ako ni Kyle.

"Tara na." Sabi ni Kyle tsaka pumasok sa kotse. Akmang tatanungin ko palang sana sila kung san kami pupunta pero hindi ko na nagawa.

"Aray ko! Ano ba?" Inis ko ulit na sabi matapos tumama ang mukha ko sa upuan ng kotse. Bwiset! Itulak ba naman daw ng hind sinasabi. Kainis talagang Jio to.

"Ano ba? San nyo nanaman ba ako dadalhin ha?"

"Can you just please shut your mouth!" Natigilan anko dahil sa biglang sumigaw ang lider ng mga bibe. Hala galit na sya! "Akala ko ba hihiramin mo yung gitara ni Kurt ha?" Aniya habang nakataas ang kilay.

"O-Oo nga. Pero pwede namang ihatid nalang ni Kurt sa bahay. Bakit kasama pa ako?" Tanobg ko ulit pero di na naman po nila ako pinansin at sinimulang magmaneho. Kahit naman gusto kong magpumiglas wala naman na akong magagawa. Kainis!

Makalipas ang ilang minutong byahe, nakarating na kaagad kami dito sa bahy nina Kurt ng walang umiimik. Himala yata iyun ah!

"Samahan mo nako Zein." Sabi ni Kurt na agad ko namang ginawa. Ayokong maiwan kasama tong dalawang asungot na'to

Ng bumukas ang gate ng bahay nina Kurt unang umagaw sa atensyon ko ang tahol ng Aso. May aso pala tong si Kurt.

Agad akong sumunod ng pumasok na sya. Takot ko lang na maligaw dito sa mala-mansyon nilang bahay. Hanep! Parang gusto ko tuloy mag picture sa kada nadadaanan ko dahil sa sobrang ganda.

Sandali akong natigil sa paghakbang at napatingin sa asong ngayon ay nasa harap ko at hindi parin matapos-tapos sa kaka-tahol. Unlimited tahol ka din ghorl.

"Hello Cholo. Kanina mo pa ba hinihintay si Daddy?" Sabi nya habang kinuha ang aso at hinihimas eto tsaka hinalikan. Hanep! Di naman nya nasabing may anak na pala sya, at matindi pa dahil aso ang anak nya. Nagkakaubusan na ba ng babae sa paligid nya at pati aso pinatulan. Err.. Kadiri.

Pero teka. Hindi ko alam pero etong asong eto. Parang nakita ko na to dati, yun nga lang hindi ko lang maalala kung kelan at saan.

"Mas mabuti kong dito mo nalang ako hintayin, ako nalang kukuha sa kwarto para mas mabilis." Sabi nya kaya tumango nalang ako. Oo nga naman baka abutin kami ng siyam-siyam dahil sa napakalaki ng bahay nila.

Habang hinihintay ko si Kurt di ko parin maiwasang di isipin etong aso ni Kurt. Nakita ko na to dati eh, at hindi ako pwedeng magkamali dun. Pero ang tanong.. kelan at saan kp eto nakita. Hmm.

"Mukhang alam ko na ireregalo ko!." Biglang sumagi sa isipan ko iyung sinabi sa akin ni Lissa nung araw na nagpasama sya sa akin na mamili ng pangregalo.

Oo tama! Iyung binili ni Lissa na panregalo sa kaibigan nya ay etong aso na nasa harap ko. Pero teka. Kung ito nga iyung asong iyun. Ibig sabihin ba nun si Kurt yung kaibigang tinutukoy ni Lissa? Pero bakit parang hindi nya man lang sa akin naikwe-kwento? Tsk!

"Here you go." Naiangat ko ang ulo ko ng marinig ko si Kurt na ngayon ay inaabot na sa akin ang gitara na ipapahram nya.

"Salamat."

"Pano ba yan Cholo, aalis muna ulit si Daddy ha." Sabi nya habang hinahalikan ang asong Cholo ang pangalan. "Let's go!" Sabi nya ng mailapag ang aso tsaka nagsimulang lumakad pabalik sa kotse.

"Kurt! Sandali lang." Sabi ko dahilan para matigil sya sa paglakad at tumingin sa akin.

"Oh bakit?" Tanong nya sa akin habang ako naman ay nag iisip kong pano sasabihin ang nabubuong tanong na nasa utak ko.

"Ahm.. san mo nabili yung aso mo?" Tanong ko sakanya dahilan para mg taas ang kilay nya.

"B-bakit? na c-cute-an ka kay Cholo noh?" Aniya kaya tumango nalang ako. "Ahm. Ano kasi ano, ahm.. regalo sakin nung kaibigan ko. Oo yun yun!" Ako lang ba o sadyang utal lang talaga sya? "T-tara na." Sabi nya ulit tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Regalo ng kaibigan? Ibig sabihin ba nun, yung kaibigan na tinutukoy nya ay si Lissa? Hmm.

Andito na ulit ako sa kotse ni Kurt habang iniisip parin iyung tungkol sa aso. Ewan ko ba pero parang may something na hindi maintindihan.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon