Chapter 32

37.8K 850 53
                                    

Kaagad ko'ng hinabol ang paghinga ko ng matungo ang room. 8:30 na kasi at kararating ko lang. Medyo tinanghali na kasi ako ng gising kaya eto.

Masyado kasing napasarap tulog ko kanina. Ayoko nga sanang pumasok ngayong araw na eto pero hindi ko naman magawa. Baka may ipagawa sa amin o kung ano eh 'di nalintikan na.

Pero mukhang mali din ata na naisipan ko pang pumasok ngayon. Agad din kasi kaming pinapunta sa field para daw ayusin iyung both na naka-assign samin. Ayoko mang gawin pero wala din akong nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan nila.

Bigla kong hinilamos ang palad ko sa mukha ng maramdaman kong maha-hatsing nga ako. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayong araw dahil sa pag pa-paulan namin kahapon ni Nikko.

Bigla ko na naman tuloy na alala iyung pangyayaring iyun. Ewan ko ba bigla nalang akong inaatake ng kilig sa tuwing naalala ang pangyayaring iyun. Kahit napagalitan na ako't lahat tuwang-tuwa arin ako. Grabe, kinikilig parin ako.

"Zein.." Sandali akong natigil ng marinig ang pagtawag sa akin ng kung sino. Kaya agad ko iyung nilingon.

"Lissa, may kailangan ka?" Tanong ko kay Lissa n ngayon eh nasa harap ko na.

"Hmm. Wala naman, gusto lang sana kahibg sabihin sayo na manuod ka sana sa Biyernes, para sa coronation night." Bahagyang kumunot ang noo ko tsaka biglang napangiti ng ma-realize.

"Teka, 'wag mo sabihing.." Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ko ng tumango na nga sya sa akin habang lalong dumoble ang lapad ng kanyang ngiti.

"Sabi na nga ba eh. Panigurado ko, ikaw ang mananalo dun." Sabi ko habang hindi maiwasang hindi ma-excite para sakanya.

"Hintayin nalang natin coronation night." Aniya kaya natawa naman kami pareho dahil dun.

"What sup, madlang people!" Automatic naman akong napairap dahil sa dalawang epal na lalakeng papalapit na sa amin ngayon.

"Sige Zein, una na ako. May practice pa kami " Pagpapaalam nya kaya naman tumango lang ako.

"Here, eat it." Taas kilay kong tiningnan si Kyle dahil sa inilagay nya sa table ko.

"Ano yan?"

"Seriously? Hindi mo alam kung anong tawag dyan?" Epal naman ni Jio.

"What I mean eh, para san." Asar kong sabi pero sandali silang nagtinginan bago ulit tumingin sakin.


"Just eat it. Gawa 'yan ni Ate, at ipinapa-bigay nya sa'yo." Ani Jio kaya agad naman kumunot ang noo ko. "At isabi ko daw sakanya kapag 'di mo kinain yan." Dagdag pa neto tsaka inilapit sa akin ang sandwich.


Ha? Close ba kami ng Ate ni Jio?

"Go on, eat it." Sabi naman ni Kyle kaya naman sandali akong nagtaas ng kilay.


"Eh bakit ba excited ka?" Pagtataray kong tanong pero napailing lang eto tsaka inakbayan si Jio at nagsimulang lumakad paalis.


Napa-ismid nalang ako habang napapailng tsaka napatingin sa sandwich kuno na nasa harap ko. Naka lagay pa eto sa tupperware at nakabalot sa tissue. Mukhang okay din naman at masarap.

Sakto, gutom narin kasi ako gawa ng hindi nga ako nakapag breakfast kanina. Wala naman sigurong masama kung kakainin ko eto. Lalo na't galing daw eto dun sa Ate ni Jio.

Pagkabukas ko nung balot kagad ko iyung sinubo.Pero mukhang mali ata na ginawa ko pa ang bagay na yun.



"Hahahaha..." Napatingin ako kina Jio at Kyle na ngayon eh nasa harap ko na ulit at halos mamatay na sa katatawa. Habang ako, nag aapoy na ang dila sa sobrang anghang ng sandwich na iyun.


Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon