Chapter 7

49.4K 751 45
                                    

Halos mapanganga ako sa kung anong nakikita ko sa mga oras ne eto. Inubos nya ba lahat ng sandwich na binebenta sa cafeteria? Kulang na nga lang pati yung cafeteria eh bilhin narin nya.


"Alam mo, naka-ka-ngalay rin." Natauhan ako ng bigla kong marinig iyun mula sakanya.

"Ano yan?" Takang tanong ko pero napairap eto.


"Ah baka kanin?" Pami-milosopo nya kaya ako naman ang um-irap.


"Ang ibig kong sabihin, para saan?" Saad ko.


"Edi para sa'yo, pinalitan ko lang yung kinain ko kanina." Nagtaas bigla ang kilay ko dahil sa pinagsasabi nya.


"Ano tingin mo sakin? Patay gutom?" Asar kong sabi pero iniraoan nya lang ulit ako.


"Alam mo? Pwede mo namang sabihin ng diretso kong ayaw mo at itatapon ko nalang 'to. Hindi yung marami ka pang sat-sat dyan." Namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya.


"Akin na nga!" Tanging nasabi ko sabay kuha nung tray tsaka kumuha ng isang sandwich at agad iyung kinain.


Grabe rin talaga etong lalaking to. Ubusin ba naman daw bilhin yung isang tray ng sandwich. Tsk! Pa bida masyado. Sama ko kaya to sa Bida Man sa Showtime pag nagkaroon ng season 2.

Habang todo ako sa pag-lamon, natigil ako ng maramdaman kong nakatitig lang sya sakin. Unti-unti naman napaangat ng ulo ko, at Oo nga. nakatitig sya sakin.

"May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko pero napailing sya habang nakangiti na nakakainsulto. "Eh bakit ganyan ka makatingin?"

"Nothing. Iniisip ko lang kasi kong kanino ka nagmana." Napataas na naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya."Maganda naman si Tita Agnes, gwapo naman si Tito Mike, pati Kuya mo." Pagpuputol nya. " Napulot ka lang ata eh."


"Ha? Hakdog." Sabi ko tsaka sya inirapan. Dami din talagang alam neto. "Alam mo kung wala kang sasabihing matino mabuti pang umalis ka nalang nakakasira ka sa pag unlad ng Pilipinas." Inis kong sabi sabay subo nung sandwich. Pero nanatili lang etong nakatingin sakin.


"Ano pa bang ginagawa mo? Pwede ka ng umalis" Sabi ko ulit pero tumawa lang siya kaya hinayaan ko nalang eto dahil sa gutom narin ako.


Habang nasa kalagitnaan ng pag-lamon bigla kong na-alala iyung mga pinag usapan nung mga babae kanina. Ano kay kung itanong ko sakanya kung tutuo iyun. Pero baka kapag ginawa ko, asarin nya na naman ako. Hayss ini-inis nya na nga ako eh.

"Ahm. K-Kyle." May panginginig kong banggit sa pangalan nya.

"Yes?"


"Ah w-wala." Pag babawi ko.


"Psh. C'mon, sing it. Hindi naman ako magagalit eh, tatanggapin ko kung ano man ang nararamdaman mo para sakin." Kumunot ang noo ko sa kung anong mga pinagsasabi nya.


"Anong ibig mong sabihin?" Pero bigla nya akong hinawakan sa may magkabilang balikat at tiningnan ng diretso sa mata.


"Sorry." Napataas na naman ang kilay ko. "Pero hindi ko masu-suklian ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa isang napaka-guwapong nilalang na tulad ko." Bigla ko ngang syang tinulak.


"Aray! Ano ba." Reklamo nya habang hinihimas ang likod nyang tumama sa damo.

"Ano ba? Anong pinagsasabi mo? FYI wala akong gusto sa'yo okay? Assumero ka masyado eh noh."


"Then what is it? I kmow you wanted to say something." Inirapan ko muna sya bago nag simulang magsalita.


"Hindi ano kasi. Ahm, diba nasa bahay kayo kagabi?" Panimula ko kaya tumango naman eto. "Nung umalis na ba kayo, may iba pa ba kayong pinuntahan?" Tanong ko pero bigla naman syang tumingin sakin na parang nakakita ng multo.


Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon