Chapter 45: Sino ka ba?

33.5K 739 13
                                    


Nagising ako ng biglang may tumunog. Napatingin naman ako sa wall clock 11:30 na pala.. pero imbis na mabigla, dedma lang ako. Ewan parang nanghihina lang ko ngayon. Madyado akong napuyat kagabi sa kakaisip nung mga yun. Ang huli ko nalang natatandaan eh, nalunod ako sa sarili kong luha.

Hayysss...

Kinuha ko yung cellphone ko ng biglang tumunog ulit.

20 messages and 10 misscalls from Lissa

25 messages and 10 misscalls from Nikko

1 missed call from unregistered number

Karamihan ng text ni Lissa eh nag tatanong kong ok lang ba ako at kung papasok ako ngayon.Yung kay Nikko naman ganon din.

Hayyst...

Napa buntong hininga naman ako dun. Bakit ba ko nag kakaganito?!. Bat ba kasi ako naapektuhan dun sa mga pangyayari kagabi??

Hayyst..

Pagkatapos nun, nag ayos na ako at bumaba ng makaramdam ng gutom.

At naabutan ko si mama na mukang aalis..

Dumiretso ako sa kusina, Pero bigla akong may narmdaman sa likod ko. At ngayon, yakap ako ni mama.

"Kahit hindi mo sabihin.. nararamdaman kita." Napa pikit naman ako ng sabihin yun ni mama.

"Ma.. naguguluhan ako.. naiinis ako sa sarili ko.. bat ako nag kakagnito.." tanong ko ng makakalas sa pagkaayakap.

"Zein.. mahirap sagutin yung mga tanong na dapat alam mo ang sagot.." naguluhan naman ako sa sinabi ni mama.

"Yung mg katanungan mong yan.. ikaw at ikaw lang ang makakasagot nyan, dahil ikaw ang nakakaramdam.." hindi ko alam at parang nag simulang nag proseso utak ko. Pilit kong iniintindi yung mga sinabi ni mama.

Pag katapos nun nag paalam sakin si mama na aalis daw muna sya. Kay ako ngayon mag isa habang iniisip parin yung mga sinabi nya.

Napatingin ako sa labas, ng may kumatok sa gate.

Agad akong lumabas para tingnan kung sino yun at natigilan ako ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayun. At mukang hindi sya pumasok, dahil sa naka uniform pa sya.

Huminga ako ng malalim bago nag salita.

"May kailangan ka?!" diretso kong tanong

"Ahh. Pwede ba tayong mag usap?!"

"usap?!. para san?!. para sa kasal nyo ni lissa?? ano!. mag tatanong ka kung anong magandang motif sa kasal nyo??!"

"Zein hindi yun."

"eh ano yun?!!. Yayayain mo kung maging brides maid ni Lissa??!."

"Zein bakit ba ang sungit mo ngayon?!. ok naman tayo kagabi ah!."

"Oo, ok!. kagibi, pero ngayon may mali, at isa pa..

Walang tayo.." hindi ko alam kung ba't lumabas nalang bigla sa bibig ko yung mga salitang yun.

"teka, ano bang pinag sasabi mo dyan?!"

"Kyle.. diretsuhin mo na kasi!. ano ba talaga kaylangan mo?!. dahil kung wala pwede kanang maka alis..

yung ilang oras na natitira ngayong araw, sana ibigay muna man sakin!!. Patulugin mo naman ako!!..." Pasigaw kung sabi.

"Zein bat kaba kasi nag kakaganyan?!. bat ba parang isag iglap nag iba ka!!"

"ako?!. nag iba?! Tss.." Npangisi nalang ako.

At di ko na nakayanan bigla nalang tumulo sa mata ko yung kanina ko pang pinipigilang luha.

Wala nakong maisagot. Pigang piga na ko.

Pero natigilan ako ng may naramdaman parang may kakaiba. Napatingin ako sa kamay ko na ngayun ay hawak nya. Pero agad ko yung binawi at di ko na kaya pa kaya sinarahan ko na sya.

T-T

Hanggang ngayon.. naguguluhan parin ako.

Kinuha ko yung cellphone ko, ng biglang tumunog.

Incoming call from Lissa. Pero hindi ko yun sinagot. Hindi ko sya kayang makausap.

Pero bigla naman ulit tumunog cellphone ko.

Incoming call from unregistered number.

Naalala ko yung sinabi ni Lissa. Kung si Kyle nga to?!. Kaylangan ko syang tanungin.. gusto ko syang tanungin ng sa problemang hindi ko naman dapat prinoproblema.. pero ang problema.. di ko alam kung ano yung mismong problema.. Gulo!!.

At sa huli, sinagot ko din.

Pinikit ko mata ko. Isipin kong hindi sya to. Pero gusto ko syang patamaan.

"Alam mo?!. Ang tanga tanga ko!. Kahit alam kong hindi kita kilala, sinasagot ko parin mga tawag mo!!. Kung hindi nga lang sana dahil sa problema ko hindi na ko mag aabalang kausapin kong sino ka man!." Sabi ko sa kabilang linya.

"Alam mo yung masakit!!. Yung nasasaktan ka ng walang matinong dahilan. At ang mas malala dun.. Nasasaktan ako sa problema na hindi ko naman dapat pinoproblema!!." At dun, dun naman ulit bumuhos luha ko.

"Sino ka ba kasi?!!. Sino ka ba sa buhay ko?!!." Nanginginig kong tanong..

"Zein... I'm sorry.." tumibok dib dib ko ng marinig ko yung boses na yun sa kabilang linya.

Ahhh!!!. Ano ba namang klaseng buhay to...




Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon