Chapter 36: Problema?

33.6K 647 65
                                    

Halos nanginginig ang tuhod ko matapos marinig ang kantang iyun mula kay Nikko. Sandali netong inalis ang gitara na nakasabit sa balikat nya bago nagsimulang humakbang palapit sa kung nasaan ako ngayon.


At halos lalong dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko habang patuloy sya sa paghakbang papalapit sa akin. Omo. Ano bang meron? Anong ibig sabihin neto?



"Do you like it?" Natuhan ako matapos marinig iyun mula sakanya. Kaya naman sandali akong napalunok tsaka nag-iwas ng tingin.


"Zein, Alam kong naguguluhan ka sa nangyayari ngayon." Panimula nya tsaka ngumiti sa akin. "Pero gusto kitang pasalamatan dahil nakita mo etong pinag handaan ko para sa'yo." Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nya.



"P-para sakin?" Takang tanong ko dahilan para mapangiti eto. "Teka, ano ba'ng meron? Anong ibig sabihin neto?" Naguguluhan kong tano g kaya naman napangiti eto tsaka hinawakan ang kamay ko.


Shoot. Bakit nya ginawa yun? Pasado pa man din ako. Nakakahiya, baka kung anong sabihin nya.




"I just wanted you to feel the gratitude." Napalunok ako bigl dahil sa sinabi nya. "That time when I and Jaime broke up.. andyan ka sa tabi ko. Youve always been there to cheer me up. You enlighten the moment everytime I'm with you. And so there I realized, na kahit na gaano ako kalungkot andyan ka, para pagaanin ng loob ko." Sabi nya tsaka hinawakan ang kamay ko na ngayon ay nangingig na din.



"W-wala yun." Sabi ko tsaka napalunok ulit.



"Hindi yun wala lang. Ipinaramdam mo sakin na hindi ako nag-iisa." Ngumiti ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko inaasahang maa-appreciate nya iyung simpleng bagay na ginagawa ko para sakanya.


"Thank you Zein." Tanging nasabi nya dahilan para mapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa sakin eto. Pero isa lang ang nararamdaman ko. At iyun ay ang saya.

Halos ilang minuto narin kaming nasa ganong posisyon ng bigla nalang akong may narinig na putukan. Kaya napatingin kaming pareho sa langit. At ngayon ay nasa ilalim kami ng napakagandang fireworks display.

"Wow." Mangha kong sabi, kasabay nun ay ang humihigpit na pagkakahawak ni Nikko sa kamay ko kaya napangiti ako.

At halos hindi maalis-alis ang tingin ko sa napaka gandang view kasama si Nikko. Noon pa man, nung una akong nagkagusto sakanya isa na sa pinapangarap ko ang makasama sya, at ngayon nga ay nangyayari na.

"Ang ganda nuh?" Sandalinh nabaling ang tingin ko kay Nikko matapos nyang sabihin ang mga salitang iyun pero tumibok ng napakabilis ang dibdib ko ng makatingin kong nakatingin sa akin.

"Yiee." Bigla akong natigilan ng marinig iyun mula sa likod namin na nanggagaling kina si Lissa, Kurt, Jio, at Kyle na nasa likod ko ngayon.

Napatingin ako kay Lissa na nakangiti lang din sakin. Sunod akong tumingin kina Jio at Kurt na mag kaakbay at binibigyan ako ng nakakalokang ngiti. Malamang alam nila na meron nga akong gusto kay Nikko. Perl bigla akong nahinto ng sunod kong makita si Kyle na nakangiti sakin?

Pero bakit ganun? Bakit parang bigla ata akong nalungkot na hingi ko alam kung anong dahilan.


"Sabihin mo na kasi, may gusto ka rin naman kay Nikko diba?" Natauhan ako ng marimig ang biglang pag sigaw ni Jio kaya naman agad na namilog ang mata ko tsaka sya sinamaan ng tingin.

"You did what?" Napatingin naman ako kay Nikko na ngayon eh nakangiti lang din sakin. Shoot. Wala na, alam nya na.

"Ano kasi---" Hindi ko na nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ko ng bigla nalang nya akong niyakap na hindi ko alam ang dahilan.

"Its okay." Bulong nya sakin kaya lalo akong ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit ginagawa sakin eto ngayon ni Nikko. Peto isa lang ang sa tingin ko eh alam ko at sigurado ako. Iyun ay ang tuwa na nararamdaman ko.

Napatingin naman ulit ako sa direksyon nina Lissa pero bigla akong natigilan ng makita kong, wala na si Kyle. Sinubukan ko pa syang hanapin ng mga mata ko pero wala na ng eto. Tsk. Asan na ba ang isang yun?

.

"Inaantok ka na?" Tanong ni Nikko habang kasalukuyang nag m-maneho. Alas-dyes narin kasi ng gabi at eto kami't pauwi palang ng bahay.

Hindi na nga sana ako magpa-pahatid sakanya pauwi ng bahay ero sya etong makulit at nagpupumilit. Kesyo wala na 'daw akong masasakyan pauwi. Dilekado narin daw kaya wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag. Tutal gusto ko pa syang makasama eh.

"Hindi pa naman." Sabi ko kaya ngiting-ngiti etong tumango sakin.

Makalipas ang ilang minutong byahe, huminto narin sya sa pag m-maneho ng makarating na kami sa tapat ng bahay. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto kaya halos mapunit na ang labi ko dahil sa sobrang lapad na ng ngiti ko.

"Salamat." Sabi ko tsaka nag-iwas ng tingin. Shocks! Hindi ako sanay ng ganito. Feeling ko malulusaw ako anytime.

"Hmm. Goodnight." Aniya kaya tumango ako tsaka kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang kilig.


"Goodnight din." Sabi ko. Pero bigla akong nahinto ng maramdaman ko ang labi nya sa pisngi ko. Sa sobrang bilis eh hindi ko namalayan na hinkikan nya nga ako sa pisngi.

Halos dumoble ang pintig ng dibdib ko sa mga oras na eto. Kung hindi lang dahil kay Nikko iisipin kong meron na nga akong sakit sa puso. Tang'na kilig overload.

"See you." Huling pagpapaalam nya tsaka tuluyang pumasok sa kotse nya. Habang ako eh nanatiling nakatunganga dito hanggang sa makaalis na ang kotse nya eh nakatanga parin ako dito.


Sandali kong hinawakan ang pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Nikko. At halos pa-talon-talon akong pumasok ng gate patungo sa kwarto sa sobrang tuwa. Shit!

Ng makarating ako sa kwarto, nag-bihis din kaagad ako ng damit. Nag-half bath nga lang din ako, pinunasan ko rin iyung mukha ko except dun sa parte na hinalikan ni Nikko. Err. Hanggang ngayon pakiramdam ko nakadikit parin sa pisngi ko iyung lips nya. Heck!

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung meron bang message mula kay Nikko pero wala. Tsk. Abusada ko na ata masyado.


Alas-dose na ng gabi pero hindi parin ako makatulog, at mukhang wala akong balak dalawin ng antok. Kahit na sinasabi ng isip ko na inaantok pa ako eto namang mata ko ang nagsasabing sige pa. Psh.


Patuloy parin kasi akong binubulabog noong mga nangyari kanina. Shit. Parang isang eksena lang sa mga palabas ang nangyaring iyun kanin. Hindi parin ako makapaniwala. 



Matapos kasi iyung nangyari kanin eh, hinatid pa ako ni Nikko dito sa bahay. Grabe, unli kilig ata eto ah.


Sandali kong in-unat ang braso ko tsaka nagsimulang lumakad par magtungo sa kusina. Kailangan ko lang siguro ng gatas bago matulog kaya mag t-timpla ako.

Ng makarating ako sa kusina sakto namang nakita ko si Kuya na kakababa lang din. Hmm. Bakit kaya gising pa sya. Hindi rin ata sya makatulog. Tsk. Pero ano naman kayang dahilan?

"Bakit gising ka pa?" Tanong nya ng hindi ako tinitingnan habang kumuha ng baso.

"Hmm. Hindi pa ako inaantok." Sagot ko tsaka ngumiti ng hindi nya nakikit. Hmm. Pwede ko kayang sabihin sakanya iyung tungkol kanina? Kaibigan naman nya si Nikko kaya baka hindi sya magalit. Tsk. Sa susunod na nga lang, mukhang inaantok narin sya.


"Ah. Kuya, pwede pa-kuha narin nung tubig." Sabi ko ng binuksan nya iyung ref. Pero di ko alam kung hindi nya lang ba ako narinig o sadyang hindi nya lang ako pinansin. "Kuya." Tawag ko ulit dito pero hindi nya talaga ko pinansin. Tsk. Problem neto.


Kaya ako nalang kumuha nung pitsel na meroong tubig tsaka isinalin sa basong hawak ko. Tsaka ako kaagad uminom. Pero sandaling nabaling ang tingin ko kay Kuya na ang sama na ng tingin sakin. Ha?

Akmang tatanungin ko sana sya kung anong meron at parang ang sama ata ng aura nya ngayon, pero bigla naman syang lumakad paalis ng hindi sakin nag paalam.

Tsk. Anong meron dun?

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon