Chapter 48: Decision

33.8K 706 6
                                    


Ang bilis ng mga pangyayari, ilang Linggo na ang nakalipas matapos nung nangyari samin ni Nikko. At hanggang ngayon andito parin yung sakit. At hanggang ngayon, inis na inis parin ako sa sarili ko. Halos May mga gabing hindi ako makatulog kakaisip dahil dun. Pero dahil kanila mama, papa, at kuya natutulungan nila ko.

Agad akong bumaba ng kusina ng maayos ko na ang sarili ko. Gutom narin ako. Nang makarating na ako sa kusina, naabutan ko sila mama at kuya.

"Good morning nak!." Masiglang bati sakin ni mama

"Good morning din." Bati ko pabalik

Habang kumakain kami napatingin kami sa pinto ng biglang bumukas.

"Pa!." Gulat kong sabi.

"Oh Zein, Chris?!."

Ahh.. oo nga pala, dito narin tumira samin si papa, eh mas nagiging close nga kami kagad kahit ilang linggo palang kaming magkasama, pag kasama ko nga sila parang nalilimutan ko problema ko.

Mas nagiging open narin ako sakanila. Natutulungan nila ko sa problema ko at lalo na kay Nikko. Oo, masakit parin para sakin. Yung long time crush ko, na naging boyfriend ko na ngayun, ay nasaktan ko na.

Gosh.

"Hmm.. san kayo galing?!" Tanong ko kay papa.

"Ahh.. May inasikaso lang ako. Ahmm.. Zein?. Chris?. pansamantala muna kaming babalik ng mama nyo sa America para isakasuhun yung problema sa kompanya."

"teka, aalis kayo.."

"hmm.. Wag ka mag alala, babalik din kami ayusin lang namin yung naiwang responsibilidad namin dun tas balik din kami ng mama nyo.."

"hmm.. Ganon ba??!."

"pero alam nyo, naisip ko, tutal uuwi lang naman kami agad ng mama nyo, eh naisip ko na baka gusto nyong sumama samin. Tutal Christmas vacation narin.." napaisip naman ako.

Magandang ideya yun, makakasama ko na sila papa,makakalimutan ko pa problema ko, pero alam kung hindi madali yun.

"Ahmm.. Pag isipan ko po"

"Sige nak.. eh ikaw Chris?!." Tanong naman ni papa kay Kuya.

Napatingin naman ako kay Kuya.
"Ah... Next time nalang po.. marami pa kong inaasikaso sa school.."

"Maraming inaasikaso?!. Oh ayaw mo lang iwan si ate Lia?!." Bigla namang namilog mata nya.

"Tse!. Tumigil ka ngang nerd ka!."

Napangiti nalang ako, na-miss ko yung ganito, sana palagi nalang ganito.

Pag katapos nun, inutusan ako ni mama na mamili ng mga stocks.

Pagkatapos kong mamili andito ako ngayon sa cafe kung saan ako madalas pumunta, naalala ko naman tuloy si Lissa. Sya yung unang nag pakilala sakin netong cafe na to.

Hayysss..

Habang umiinom ako nung in-order ko napatingin ako bigla sa labas ng cafe. At biglang bumilis tibok ng dib-dib ko ng makita ko si Kyle. At mas nabigla ako ng makita si Lissa na lumabas dun sa restaurant at lumapit kay Kyle.

Parang may tumusok sakin na kung ano. Pero kahit parang masakit nakatitig lang ako sa kanila.

Pero parang tumigil pag pintig ng puso ko ng makita ko si Kyle.. na nakatingin sa direksyon ko.

Halos ilang segundo ko rin ata syang pinagmasdan nung nakatingin sya sakin. Pero napansin kung parang pupunta sya dito sa café kaya agad akong tumayo at lumabas sa kabilang pinto ng cafe.

Parang hingal na hingal ako, hindi naman ako tumakbo. Pero parang hinahabol ko hininga ko.

Hanggang sa makarating ako sa bahay. Ganun parin yung nararamdaman ko.

Hayyystt..

"Oh!. Nak. Ok ka lang ba?!. Parang ang lalim ng iniisip natin ngayon!." Napatingin naman ako kay papa ng tumabi sya sakin.

"Hmm.. wala po.." pagsisinungaling ko.

"Ahh.. Ganong ba?.." tumango nalang ako.

"Ahh.. pa!. Tungkol dun sa pag alis nyo"

"Anong meron?!."

"Hmm.. naisip ko kasi, parang sayang yung chance, unang beses na makakasama ko kayo ngayong pasko pero, aalis naman kayo..

Kaya, naisipan ko na, pwede ba kong sumama sinyo ni mama?." Nag iba naman awra ng muka ni papa.

"Talaga nak??!." Tumango nalang ulit ako.

"Sige, tawagan ko lang yung kaibigan kong makatutulong satin para mapadali yung pag asikaso ng papel mo.." masiglang sabi ni papa. At ayun lumabs na sya ng kwarto.

Napa buntong hininga naman ako dun. Eto lang yung naiisip kung paraan para makaiwas sa mga problema ko. Mas makabubuti to para sa lahat. Ayoko ng may madamay at masaktan pa.. hindi ko na makakaya pa.






Vote/Comment/Share

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon