Chapter 8

42.6K 791 14
                                    

"Anong ginagawa nyo dito?" Biglang tanong nya habang di maalis-alis ang tingin sa akin.



Napatayo naman agad ako tsaka ilang beses napalunok. Tumingin ako kay Nikko na tumayo din pero nakatingin lang rin sya kay Kyle habang ang lapad ng ngiti.


"Nothing. Were just having a usual convo. Right, Zein?" Sabi nya sabay ngiti sakin kaya agad naman wala sa isip akong tumango.


"Oo, tama sya." Utal ko'ng sabi pero inirapan lang ako ni Kyle. Sarap ibaon ng tuluyan yang mata mo. Sungit.


"Tsk. Kala ko kung san ka na nagpunta. Dito lang din naman pala kita makikita." Pagpapaalala nya sa nagawa ko kani-kanina lang.


La kang pake! Mukha kang basang bibe.


"Ngayong nakita mo na ko. Anong gagawin mo sa akin?" Tanong ko sabay nagpa-mewang effect para lalo syang mainis.


Pero ikinabigla ko ng humakbang sya papalapit sakin at bigla akong hinila palapit sakanya. At sa sobrang lakas no'n halos sumobsob ang mukha ko sa dibdib nya at damang-dama ko utong nya. Lalake ba talaga sya? Eh sa parang mas babae pa ang hinaharap nya kesa sa akin.

Tumingin ulit ako kay Nikko pero nakatingin parin sya kay Kyle habang naka-pamulsa pa. Medyo umasa akong hahawakan nya rin ang kabilang kamay ko at pag aagawan nila ako gaya ng mga napapanood ko, hanggang sa maputol ang braso ko. Pero hindi eh, walang nangyaring ganun. Sayang naman.


Nabigla na lang ako ng iharap ni Kyle ang mukha ko sa mukha nya. At sa medyo malapit-lapit ang pagitan ng mukha namin, nakaramdam din ako ng kaunting kaba pero di ako nagpatinag dahil alam kong andito lang si Nikko.



"Diba may klase ka pa?" Sabi nya habang ramdam ko ang hininga nya at amoy na amoy ko pa ang kinain nya kagabi. JOKE!



Napatingin naman ako bigla sa relo ko at halos nanlaki ang mata ko matapos makita ang oras. Syete! 20 minuets na pala akong late. Naku naku!



Ganon ba talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo? Ni paglipas ng oras eh hindi mo namamalayan?. Bigla ko ng binawi ang braso ko sa pagkakahawak ni Kyle tsaka agad na tumingin kay Nikko.



"Ah s-sige, Nikko. Una na ko ah." Pag papa-alam ko kay Nikko na ngayon ay ngumiti ulit sakin tsaka ngumiti.




"Sige, salamat sa pagsama sakin dito." Sabi nya pero ngumiti lang din ako as a sign of welcome. Gusto ko pa nga sanang sabihin next time ulit pero may natitira pa naman akong hiya kahit papano.



Patapos nun eh naglakad na rin ako palabas, pero bago ko tuluyang makalabas sa kwarto'ng eto, sumilip muna ako sa kanila. At ako lang ba o, ang sama talaga ng tingin ni Kyle kay Nikko. Pero si Nikko naman nakatingin lang sakin kaya bigla tuloy akong napaiwas tsaka nagpatuloy sa paglakad.



Pagkatapos ng aking paglalakbay, sa wakas ay na-tungo ko narin ang room namin habang habol ang pag hinga.



"Oh Ms. Arguelles. Bakit ngayon ka lang?" Halos napa-igtad ako ng marinig ang boses na iyun ni Mr. Pascual na ngayon ay kakalabas lang ng room. Kinginers. Madahpadah!



Si Sir paalis na. Shocks! Zein naman ever in your life ngayon lang nangyari sayo to. Ano nalang sasabihin ni Kuya at Mama pag nalaman nilang nag cutting class ako. Syete.



"Ah. S-sorry po sir. Hindi ko po namalayan yung oras, napasarap po kasi iyung... pagbasa ko sa library." Pagpapalusot ko. Alam ko'ng mali ang gawing palusot ang wala naman talagang kinalaman sa totoong nangyari, pero yun nalang ang unang pumasok sa isip ko. Nice lie Zein.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon