Chapter 23: Kyle

41.3K 774 21
                                    

AILWTBB 23:



Ang ganda ng gising ko ngayong umaga. Matapos tumawag si mama kanina at sinabing uuwi na sya ng Pilipinas, halos di maalis-alis ang ngiti sa labi ko. Iniisip ko palang na uuwi sya, halos magtatalon na ako sa tuwa, iyun pa kayang makasama ko na sya.

Excited na ako!

Pagkatapos kong makapag almusal, at mag-ayos ng sarili. Umalis na rin ako ng bahay ng di ginigising si Kuya. Eh mukhang napagod dahil sa projects ek-ek nya. Eh ni hindi nya nga alam yung nangyari kahapon sa akin.

And speaking of kahapon, hindi pa ako nakapag papasalamat sa pagmamalasakit ng mga yun sa akin. Di bale, magkikita naman kami mamaya.

Habang nasa kalagitnaan ng pag lalakad papunta sa may waiting shed. Natigil ako ng makaramdam ng kakaiba nanaman. Sandali akong lumingon at pilit hinanap kong may tao man ngang sumusunod sa akin pero wala naman. 7:30 naman na kaya di na ako mapahamak dito.

Kaya dire-diretso lang ako sa pag lalakad ng bigla akong napatingin sa may puno. At tanaw ko kaagad ang lalakeng nakatayo doon. Pero imbis na balewalain ay lumapit pa ako hanggang sa makarating na nga ako sa may puno. At laking gulat ko ng makita ang taong andoon.

Di ko ma-aninag ang mukha nya dahil sa hood nya. Pero di ko alam kung ako lang ba o nagkita na kami noon. Ang kaso nga lang hi di ko alam kung kelan at saan.

Akmang papalapit na sana ako ng bigla namang naglakad palayo ang lalakeng andun kaya sinubukan kong tawagin at sundan.

"Teka lang po!" Pagtawag ko sa lalake na hindi man lang lumi-lingon at patuloy sa paglalakad. At di ko rin alam kong bakit patuloy parin ako sa paghabol at pagsunod sa kanya. Hanggang yung lakad ko ay naging takbo na lalong bumibilis.

Patuloy parin ako sa pagtawag sakanya pero di parin talaga sya tumitigil hanggang sa bigla nalang akong natapilok. Kaya naman diretso akonv bumagsak sa sahig.

"Aray." Sabi ko habang napapahawak sa tuhod kong tumama.

Napatingin ako sa lalake, tatayo na sana ko pero di ko magawa, hindi maganda yung pag kakabagsak ko..

Ano ba kasing pumasok sa utak ko at sinusundan ko yung lalakeng yun??

"Hoy panget! anong ginagawa mo dyan?." Nabaling ang tingin ko sa kung sinong nagsalita. Si Kurt.

"Wala kang pake."sabay Irap ko sa kanya..

Tumingin ulit ako sa direksyon nung lalake pero wala na sya.

"Ang aga-aga, wala kang makukuhang isda dyan.. sabay tawa nya malakas..

Kainis..Napatingin  naman ulit ako sa kanya nung bumaba sya sa kotse nya..

"Tulungan na kita.." sabi nya sakin habang tinutulungan akong makatayo..

Di narin ako umangal.. male-late na ko..

Pinasok nya na ko sa kotse nya at nag drive na sya..

Habang nag drive sya bigla naman syang nagsalita.

"Ahh.. Nerdy sa susunod na Linggo birthday ko na.." napatingin naman ako sa kanya na nakataas ang kilay..

"Pake ko.. eh bakit?? Ikaw lang ba nag bbirthday?!. May birthday din ako ah.." tapos ginulo gulo nya yung buhok ko..

"Ang ibig kong sabihin.. invited ka.." tinaasan ko ulit siya ng kilay..

"Alam mo happy birthday nalang pero di ako a-attend"

"Sus!. Eto naman.. ang Kj mo naman kahit kelan.. Palagi ka kasing libro pwede namang mag pakatao minsan.."

"Thank you ha!." Sarcastic kong sabi sabay Irap.

Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon