Chapter 31: Miss ko si Kyle?

39.9K 840 67
                                    

AILWTBB 31:







Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang room. 6:30 palang ng umaga kaya wala pang masyadong tao. O diba, daig ko pa mg teachers sa pagpasok ng ganito ka-aga.


Pero sandali akong natigilan ng maramdaman kong bigla nalang may umakbay sakin. Kaya agad na tiningnan ko ang taong nasa tabi ko ngayon.


"Aray! Ano ba ha! Ang sakit!" Inis kong sabi kay Kyle habang nakaakbay parin sakin. Pilit kong inaalis ang braso nya pero sobrang bigat nun kaya di ko magawa kaya mas lalo nya iyung hinigpitan. Ano ba to? Balak nya ba akong patayin.


"High blood naman neto masyado."
Aniya pero inirapan ko lang sya. Highblood mo mukha mo!


"Hmm. By the way, malapit na birthday ko." Ngiting-ngiti nyang sabi perp inirapan ko lang ulit.

"Pake ko. Bakit? Sa tingin mo ba ikaw lang ba may birthday?" Pagtataray kong sabi, habang pilit paring inaalis yung kamay nya sa balikat ko.


"Eto naman. Ganyan ka ba talaga ka-slow ha! Kapatid ni Chris? What I mean is, your invited." Bigla ko ngang tinaasan ng kilay. Tsk! Hidi ko rin maintindihan tong lalaking to. May oras na sobrang saya, minsan naman sobrang lungkot oh kaya naman bigla nalang magagalit, tapos ngayon ini-invite nya ako? Muntanga lang eh noh.



"Tsk! birthday nga ni Kurt di ako pumunta, sa birthday mo pa kaya." Sabi ko pero tinaasan nya ako ng kilay tsaka nya nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Kaya naman ramdam ko na naman ulit ang pagkabog ng dibdib ko.


"Syempre. Mag kaiba naman kami ni Kurt." Aniya tsaka kinurot ang ilong ko. Tangeners!

Pilit ko parin tinatanggal yung kamay nya sa balikat ko dahil kulang nalang maha-halikan ko na sya, pero mas nilalapit pa nya lalo palapit sakanya.


"Ano ba? Pwede bitawan mo ko.. May pasok pa ko.. eh.." at ayun binitawan nya na ko.



Pahakbang na sana ako paalis nang bigla nya akong tawagin. Pero hindi ko sya pinansin at dire-diretsong nag lakad.



"Mahal mo ba talaga si Nikko?" Automatic akong natigil dahil sa tanong nyang iyun bago humarap sakanya ng may pagtataka sa mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang napapa isip. Diba tinanong nya narin sa akin to noon.



"Tss. Nevermind." Aad na pagbawi nya tsaka bahagyang lumapit sa akin. Pero ikinabigla ko ng bigla nyang inilagay sa magkabilang balikat ko ang kamay nya. Teka, anong gagawin nya?


Halos nakatingin lang ako sa mata nya sa mga oras na eto. At halos ramdam ko din maging ang mabilis na pag-pintig ng dibdib ko.


Pero hindi ko maintindahan kung bakit wala akong ibang nagawa kundi manatili sa pakikipag-titigan sakanya. Diba dapat kanina ko pa sya tinulak? Pero bakit mas ginusto ko pang manatili sa posisyong eto habang nakikipag titigan sa mata nya.



"Zein?" Natauhan kami pareho ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng kung sino. "What are you doing?" Tanong ni Nikko habang nakatingin samin ni Kyle na may pagtataka sa mukha.


"Ah! Naku wala." Sabi ko sabay alis nung kamay ni Kyle sa balikat ko tsaka dumistansya ng ilang layo. "Ah sige bye!" Tanging nasabi ko sabay takbo paalis sa lugar na yun.


'Di ko alam kung ano gagawin ko dun. Dahil unang-una, hindi ko parin nakakalimutan iyung awkward moment namin nung nasa bahay kami nila Nikko. At pati narin sa ginawa ni Kyle kani-kanina lang. Tsk.



Accidentally In Love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon