Chapter 4 - Cake

21.7K 640 19
                                    

(POV Maia)


Lunch time ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil kahit sa oras ng pagkain ko, inaabala ko ng demon king...


"Maia, andyan na ang prince charming mo," sabi ng classmate ko habang nasa canteen kami.

"Prince charming? Baka prince of darkness," bulong ko sa sarili ko.


Jared Mason is walking towards us and he wearing his most cunning smile. Malamang nasa mood na naman siya na pahirapan ako.

Useless mag report ng bullying kahit sa presidente ng university dahil may power of compulsion ang demon king na ito. Wala akong choice kundi maging alipin niya kung ayaw ko mamamatay agad.


"Hi, girls," bati ni Jared sa mga classmates.

"Hi, Jared Mason!" kinikilig na sagot ng mga classmates ko. They think that Jared is sweet dahil pinupuntahan niya ko madalas sa classroom, pero di lang nila alam na utusan lang ako ni Jared.

"Hi, love. Did you miss me?" sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Bakit ka andito? May ipag-uutos ka na naman ba?" I asked as I flashed my fakest smile. I can literally hear my teeth gritting sa oras na ito.

"Gusto lang kita makasama, love. Ayaw mo ba ko katabi?" tanong niya sabay akbay sa akin.


Kulang na lang ay umapoy ako sa inis, pero yung mga classmate ko, mukhang kinikilig sa amin.


"Maia, sure ka ba na hindi mo jowa si Jared? Eh mukha kayong lovers eh!" sabi ng classmate number one ko.

"Oo nga, bagay na bagay kayong dalawa. Perfect couple kumbaga parang lovers made in heaven," dagdag pa ni classmate number two.


Kung hindi siguro demon king ang lalaking ito at kung hindi kaliwa at kanan ang kanyang girlfriends, he can be a perfect man for me.

He is smart, sweet, good looking and confident. Almost lahat ng babae sa campus ay nahuhumaling sa kanya. I must admit, I was attracted to him noon that is why I was stalking him. Hindi ko naman akalain na demon king pala siya.


"Girls, calm down. Perfect talaga kami ni Jared Mason. Perfect akong murderer at perfect naman siyang murder victim ko. If I can kill him right now gamit ang tinidor, ginawa ko na," sagot ko sa kanya sabay pitik sa kamay niya na nakapatong sa shoulders ko.

"You are so sweet, love. Are you going to kill me with your lethal hugs and deadly kisses later? Baka naman papagurin mo until I can no longer lift a finger?"

"Psssh! Ang bastos mo! Ano ba kailangan mo Jared?"

"How about admitting your real feelings for me, Maia?"

"Feelings of wrath and hatred, gusto mo Jared?"

"Buti pa yang cake na kinakain mo, may fillings. Ikaw wala. Ano yan, mukhang masarap. Enge ako? Aaaahh?" sabi ni Jared na naka open ang mouth as if nag eexpect na susubuan ko siya.

"Corny mo. Blueberry cheesecake. Bumili ka, wala ka ba pera?"

"Maia, gusto ko subuan mo ko. Aaaah?"

"Baby ka ba? May taga subo ka pa ng cake?"

"Aaaah? Ang tagal naman ng cake ko yaya! Aaaaah?"


Sinubuan ko si Jared ng cake at kulang na lang ay isalaksak ko sa bibig niya yung fork. Yung mga classmates ko naman tuwang tuwa kapag sweet kami sa isa't isa. They don't have the slightest idea that Jared is making my life miserable. 

Sa araw araw na lang, nararamdaman ko ang suffering sa kamay ng demon king...

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon