(POV Maia)
Sabi ni Jared, my mother is probably connected sa isang supernatural being. He thinks that my father is the answer dahil walang kahit anong records ng tatay ko. In other words, he is not from this world. Jared has some theories like my father is a time travelling man or probably a demon or an angel, pero wala siyang kahit anong proofs.
Pagbukas ko ng pinto for my morning jogging activity, the demon king himself is standing in front of our porch.
"Jared what are you doing here?"
"I flew a thousand miles just to see you tapos ganyan ang bati mo sa akin? Hindi mo ba ko namissed?" taas kilay na tanong ni Jared sabay pasok sa apartment unit ko.
"Bakit ka nandito?"
"I am here for a vacation and to kill a certain man under the name of Chester. Where's your room?"
"Sa taas. Teka, wait lang. Bakit ka nga andito..."
Pero di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil mabilis na naka akyat si Jared sa second floor gamit ang kanyang lightning speed.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, nagsimula na siyang maghubad ng damit. Kung paano niya nalaman na dito ang kwarto ko, hindi ko alam. But the big panda stuffed toy is probably a big clue.
"I am tired, Maia. Can you let me sleep here? Let us talk later."
"Uhmm dito ka magstay? Sa kwarto ko?"
"Alangan naman dun ako matulog sa kwarto ni Chester? Di ba magjojogging ka? Go! I will wait for you pagdating mo."
Hindi na ko nakasagot pa dahil tinanggal na ni Jared ang boxer shorts niya sabay dapa sa kama ko. Walang saplot nga pala kung matulog ang demon king. Siguro pagod si Jared dahil mukhang tulog na siya within a minute. He really looks exhausted kaya hinayaan ko na lang muna siya magpahinga.
After ko mag jogging, dumaan ako sa grocery store para ipagluto ng breakfast si Jared. Pagdating ko sa bahay, gising na si Jared at nakikipag kwentuhan na kay Harlene sa kitchen. He is sitting on one of the kitchen stool samantalang si Harlene ay nagpreprepare ng breakfast.
Akala ko ba tired siya? Bakit mukhang nasa playboy mode siya ngayon?
"May bisita ka pala, di mo man lang nabanggit," namumulang sabi ni Harlene na obvious ang attraction kay Jared.
"Surprise visit, di ko din inaasahan. Hoy Jared, akala ko ba matutulog ka?"
"Jared? I thought your name is Mason?" tanong ni Harlene in a flirtatious tone. Sabagay magandang lalaki si Jared and he has a stunning body. Tanga lang ang di maattract sa kanya.
"My name is Jared Mason, but you can call Mason," sabay hawak ni Jared sa mukha ni Harlene. He is caressing her cheeks as if he is seducing her.
Ang aga aga, bakit lumalandi na itong lalakeng to?
"You're so sweet, Harlene. Pinagluto mo pa ko ng breakfast. And you have a superb talent in the kitchen. Ang swerte ng boyfriend mo."
"Naku Mason, I'm single. Walang nagkakamali manligaw sa akin."
"You're kidding right? You're gorgeous. I'm sure maraming lalaki humahabol sayo, plus you're a good cook. My ideal girlfriend is just like you."
Is he flirting with Harlene in front of me? Gusto ko balatan ng buhay si Jared sa mga oras na ito.
"Ahhh wait lang. Bago kayo magkadevelopan, asan nga pala si Chester? Di ba siya umuwi kagabi?"
I intentionally interrupted them dahil matagal na sila sa kanilang eye contact as if they are mentally having sex in front of me.
"Andyan sa taas, tulog pa ata," sagot ni Harlene, pero nagulat na lang ako nang biglang hinila ni Jared si Harlene palapit sa kanya. He imprisoned her in his arms and without warning, Jared kissed her.
What the fuck Jared! Bakit kailangan mo halikan ang housemate ko sa harapan ko?
Jared continuously kissed Harlene, but his eyes are open and he is staring back at me. In a split second, his eyes turned black. Kung dati, napuno ako nang takot nang una ko makita ang mga mata ni Jared. Ngayon, I think nilalamon na ako ng takot.
"Uhmmm. Excuse me. I'm just going to take a shower. Harlene, ikaw muna bahala sa friend ko."
Di ko na hinintay na sumagot si Harlene at umaakyat na ko sa kwarto para maligo. Pero habang umaakyat ako sa hagdanan, Jared is still staring at me with his all black eyes.
Kumukulo ang dugo sa demon king sa mga oras na ito. But at the same time, natatakot ako sa kanya.
Bakit ba ko affected? Eh ano kung maging si Harlene at Jared?
Pagpasok ko sa loob ng kwarto, bigla akong napasandal sa likod ng pinto dahil sa nasaksihan ko. Maganda si Harlene, matalino. Type ni Jared ang babaeng may beauty and brains. Sigurado ako na magiging girlfriend niya si Harlene in no time.
Pag tingin ko sa kama ko, hindi ko inaasahan na may lalaking hubad na nakadapa sa kama ko. Jared is still sleeping soundly on my bed.
Who the fuck is kissing Harlene a few minutes ago? Bakit dalawa ang Jared?
"Jared, wake up please. We have a problem," bulong ko sa kanya as I shake his shoulders, pero wala siyang malay as if mahimbing na natutulog.
"Hmmmm?"
"Jared! Jared! Gumising ka please!"
"Maia, what's wrong?" inaantok niyang tanong sa akin, but when he saw me panicking, mabilis siyang bumangon kahit antok na antok siya. He sat beside me and cupped my face to calm me.
Sinubukan kong ipaliwanag kay Jared kung anong nasaksihan ko kanina sa kitchen. Ayokong bumaba sa ground floor dahil natatakot ako sa copy cat Jared na kahalikan ni Harlene. Nararamdaman ko na ang kaharap ko na Jared ngayon ang totoo dahil hindi ako natatakot sa kanya.
"Parang doppelganger?" tanong ni Jared habang minamassage ang kanyang temples na parang masakit ang kanyang ulo. Kahit siya ay naguluhan sa kwento ko.
"Yeah, something like that. He looks exactly like you. Malandi din siya sa mga babae tulad mo. Teka, paano ko malalaman na ikaw nga si Jared? What if ikaw yung copy cat?"
Without warning, Jared cupped my face and kissed my lips. Akala ko tapos na ang pagkagulat ko dahil nakakita ako ng dalawang Jared, pero di ko inaasahan na mas magugulat ako dahil first time ako hahalikan ng isang lalaki.
My mind suddenly went blank and filled with images. Nakaupo ako sa ibabaw ng isang high vertical cliff at katabi ko si Jared. Magkahawak ang aming mga kamay habang pinapanuod ang palubog na araw sa kanluran. Jared cupped my face. Akala ko hahalikan niya ko at background namin ang sunset, but he just kissed my forehead.
I remember this exact scene. This was last year when we were both in Meteora cliffs in Greece. Ang tunay na Jared lang ang makakaalam ng ganitong event sa buhay namin.
"Siguro naman, kilala mo na kung sino ang totoong Jared?"
"Is it necessary for you to kiss me?" tanong ko kay Jared after niya ipakita sa akin ang vision.
"Not really, but it is more dramatic that way," sagot niya sabay bangon sa kama para magbihis. He looks refresh now unlike kanina na parang isang lifeless zombie.
"Anong plans mo? Nasa baba si Harlene at si copycat Jared Mason."
"We are leaving. Magdala ka ng damit at mga importante mo na gamit. You are no longer safe here."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)
Mystery / ThrillerBook 3 of ABK Trilogy ♥ Jared Mason Elizalde is the reigning the demon king. But even the demon king himself is unable to solve the mystery behind the unusual deaths that is surrounding us... Join us as we solve this mysterious puzzle that will chan...