Chapter 8 - Birthday

20K 615 12
                                    

(POV Maia)


Bago mag uwian, nakareceived na ko ng tawag kay Jared na hindi daw siya sasabay sa akin. I must admit, part na siya ng daily routine ko. Sanay na ko na sinusundo ko siya sa umaga at hinahatid ko siya pauwi. Kahit ang mga unbearable na utos niya, parang part na ng buhay ko.

Pagpasok ko ng kotse, biglang lumitaw si Jared sa tabi ko. Kung paano siya nag materialize out of nowhere, di na dapat ako magtaka.


"Jared, gusto mo ba ko mamatay ng maaga? Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh!" sigaw ko sa kanya.

"Ows may puso ka pala?"

"May puso ako, ikaw kaya ang wala! Teka, bakit ba nandito? Akala ko ba di ka sasabay sa akin?"

"It's my birthday today, anong gift mo sa akin?" tanong ni Jared na biglang nilapit ang mukha niya sa mukha mo.

"Birthday mo? Sorry di ko alam, wala ako gift. Happy birthday na lang. Ihahatid na ba kita sa inyo?"

"My sister is celebrating her birthday with her friends. I want to celebrate it with you, my dear slave," sabi niya sabay hawak sa chin ko. 


Yung mukha niya ay sobrang lapit sa akin na parang hahalikan niya ko. Palaging ganito si Jared sa akin. Minsan, di ko maiwasan na pangarapin na sana, halikan niya talaga ako for real.


"Wwhaat? Wwala nga ko gift."

"Your body will do. Ano tawag dun? Birthday Se..."

"Stop! Ayoko marinig yan!"


Birthday sex? Anong kalokohan na naman ang nasa isip nitong demon king na ito?


"Don't worry. You will not be disappointed, Maia. I can make you happy. What do you think?" sabi niya using his sexiest voice.

"Bibili na lang kita ng gift or ililibre na lang kita. Saan mo gusto?" nagpapanic kong tanong kay Jared habang palabas kami ng university.

"Ikaw nga ang gusto ko ngayong birthday ko. Do you remember kung ano ang huli natin pinag usapan? It is about you fulfilling my needs," sabi ni Jared habang hinahawakan ang dulo ng buhok ko.


He is seducing me and I am afraid na wala akong powers para pigilan siya. Yung kamay ko nanginginig sa takot. Takot na mabangga kami at takot na may mangyari sa amin, pero di ko din sure kasi feeling ko may bahagyang excitement akong nararamdaman.

I promised to myself and even to my mother na sa asawa ko lang ibibigay ang sarili ko. If Jared will ask for it, wala akong choice kundi isuko sa kanya ang lahat.


Shit, I can't concentrate and I can't even think straight! Ano ba itong nangyayari sa akin?


"Jared, wala tayong pinag-usapan na ganun. And that is not part of the deal."

"What deal are you talking about? We don't have any deal. Basta alam ko, you will do anything that I ask of you or I can just kill you in a slow and agonizing manner," sabi ni Jared and I can see that a dark aura is coming out of him.


Nawala sa isip ko na demon king nga pala si Jared Mason. Kapag sinabi niya na papatayin niya ko, he can just do it at a snap of his fingertips. Nag-iisip na ako ng mga gory scenarios kung paano ako papatayin ni Jared nang biglang hinawakan niya ang kamay ko sa steering wheel.


"Maia, I am just kidding, namumutla ka na agad."

"Ha?"

"Binibiro lang kita. Masyado ka seryoso," sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko na parang aso.

"Sabi mo kasi gusto mo ng birthday se..."

"Do you think I will force myself to you? No, Maia. I will make you fall in love with me over and over again hanggang ikaw mismo ang mag-aalay ng sarili mo sa akin."

"Wow, saan ka ba kumukuha ng self confidence? Pero, sige dahil birthday mo, pagbibigyan kita sa kayabangan mo."

"Libre mo na lang ako sa Spiral Buffet sa Sofitel saka isang kiss, complete na birthday ko."


This time, his words are gentle. Wala na ang kanyang black aura at nakangiti na siya sa akin. This man can really give me mixed emotions na hindi ko mapaliwanag...

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon