Chapter 24 - Tube

17.6K 485 5
                                    

(POV Maia)


Pagbaba namin ni Jared, wala na si Harlene. Wala na din ang doppelganger ni Jared. It seems that they are both in a hurry na umalis dahil naka bukas pa din ang stove.

Naramdaman kaya ng copy cat ni Jared na gising na siya kaya umalis ito?

"Saan ba tayo pupunta? At bakit may doppelganger ka?" tanong ko kay Jared pagsakay namin ng train. I already noticed na papunta kami sa London.

"Maia, we believed that the black smoke that you have seen before is our serial killer. Ang masaklap, this supernatural smoke is connected to me. Yung doppelganger na nakita mo, I guess may kinalaman yung black smoke doon. And now, it seems like interesado siya sayo."

"Sa akin? Bakit naman?"

"My initial purpose kaya ako pumunta dito ay para harapin si Chester, yung sinasabi mong yummy mo na housemate."

"Si Chester?"

"Yes! Hindi ko gusto na naglalakad siya ng hubad sa apartment niyo!"

"Jared, ikaw nga natutulog ng hubad sa kwarto ko."

"That's different. I am your boyfriend, housemate mo lang siya."

"Excuse me? Kailan kita naging boyfriend? Sabi ni Maddie napaka dami mong babae simula nang magtransfer ako ng school!" sabay hampas ko sa braso niya.

Di ko alam kung bakit ako gigil na gigil kay Jared sa mga oras na ito. Siguro dahil ilang babae na ang naging girlfriend niya sa loob lang ng isang semester. Siguro kasi akala ko special ako sa kanya, hindi pala. Siguro kasi nag assume ako ng bahagya na may feelings siya sa akin, pero wala.

"Nagseselos ka ba? Sabihin mo lang, titigil ako sa pambabae ko," sabi niya sabay akbay sa akin.

"Bakit ako magseselos? Kung may babae ka, ano akala mo sa akin hindi nagkaroon ng boyfriends dito?"

"What? Nag boyfriend ka ng di ko nalalaman?" inis na tanong niya at kulang na lang sapukin niya ko sa sinabi ko.

"Oo, mga seven. Masaya ka na?"

"Pssshh! Palagi mo ko kausap sa video call, I doubt na may nagkaboyfriend ka. Sigurado ako, ako lang laman ng isip mo."

The demon king is right. Simula nang dito ko mag-aral sa Cambridge, walang araw na hindi ko siya naiisip.

"Jared, di ba may sonic hearing ka? Bakit di mo narinig at naramdaman yung presence ng doppelganger mo?"

"That is also bothering me. Bago ko makarating sa apartment niyo, I felt totally exhausted to the point na hindi ko mapigilan ang antok ko. I think someone is absorbing my life energy. If you saw a doppelganger of mine, it makes sense. It absorbed my energy para magkaroon siya ng form."

"I hope Harlene is okay. Saan tayo exactly sa London pupunta?"

"Knightsbridge district. May bahay dun ang lolo ko. Let us stay there tonight and sasamahan kita sa mommy mo pagpunta mo sa Greece."

Kahit walang traffic sa train, it took us more than a hour para marating ang King's Cross Railway station.

"Jared, kanina pa tayo ikot ng ikot. Saan ba talaga tayo pupunta?" nag-aalala kong tanong kay Jared dahil after namin mag lunch, kanina pa kami naglalakad.

Pumasok kami sa isang museum at isang shopping mall, pero I noticed na lakad lang ng lakad si Jared as if may humahabol sa amin. Sumakay na din kami ng taxi at several buses, pero mukhang wala pang balak umuwi ni Jared kahit medyo madilim na.

"Masakit na ba ang paa mo?" tanong niya sa akin.

"Di naman, pero hassle lang na hila hila natin pareho yung trolley bag natin. May humahabol ba sa atin?"

"I think so," sagot ni Jared sabay pasok namin sa isang underground train station.

"Sino humahabol sa atin? And why the hell are they following us?"

"Maia, I felt the presence of some demons tailing us. Sinusubukan ko silang iligaw but they can keep up with me."

"Demons? You are the demon king di ba?"

"Not anymore. Apparently, there are severals group of demons who are now serving a different king. A year ago, konti lang sila. But now, their number increases gradually."

Jared still looks calm kahit alam niya na may humahabol sa amin na demons. Ako ang kinakabahan dahil alam ko na tao si Jared at mahihirapan siya sa mga tunay na demons. Tahimik kaming nakasakay sa underground train.

"Jared, ano nang mangyayari kapag iba na ang demon king?" tanong ko para hindi tahimik ang byahe namin.

"Maia, my father and I compelled all of the demons not to hurt a single human being. Now that they are no longer under our compulsion, malaya na silang makakapanakit ng tao. They are back to their evil and demonic self."

"Why are they after you?"

"I don't know, but I think that they are after you too."

"Killer black smoke and ngayon naman demons. Bakit ba naging haunted ang buhay ko? Sana man lang maka meet ako ng prince charming parang sa fairy tail."

"My father was a real prince, a true Filipino royalty. So technically, I am also prince as I am his only heir. Would you like to marry a prince someday?" tanong niya sa akin sabay lapit ng mukha sa mukha ko. Yung nose niya naka dikit na nose ko, his signature move kapag nilalandi niya ko.

"Ang dami mo alam. Hinahabol na nga tayo ng mga demons di ba? At saka hindi ka prince, demon king ka nga di ba?"

Di na sumagot si Jared dahil hinila na niya ko pababa ng train. 

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon