Chapter 9 - Senator

19.8K 599 14
                                    

(POV Jared)


A total of six students passed away due to heart attack ever since we entered the university. Wala naman fishy sa deaths nila, but I felt there's something more, something evil behind those deaths. And my intuition is always right.

Days passed and Maia Saavedra became my constant companion. Siya ang taga hatid sundo ko sa school na parang isang personal driver. Siya ang taga dala ko ng gamit. Siya ang taga lagay ng used clothes ko sa locker. In other words, slave.

The whole school is so surprised to see that someone like Maia following everything that I say. Maia is one of the richest girls in campus, parang isang prinsesa. And yet she will do anything for me...


"Nareceived ko yung text mo, may pag-uutos ka na naman ba?" sarcastic niyang tanong sa akin during our lunch break.


Even though she is following my commands, I forgot to mention that she is not willing to do it. Kailangan pa namin mag-away once or twice a day bago niya ko sundin.


"Nabalitaan mo naman siguro na girlfriend ko na yung senior chick sa HRM department?" sabi ko as I motioned her to sit beside me.

"Eh ano naman ngayon sa akin kung girlfriend mo pa ang Reyna ng Inglatera?"

"I need a favor Maia. May date ako mamaya and I need your car."

"Jared, di ka naman siguro mahirap. Bakit ka sa akin humahanap ng kotse?"

"Maia, two of my uncles are damn billionaires as they have been living in this world for more than five hundred years now, but they are are cold hearted bastards. They will not give me or Maddie any cents kung hindi namin pinagpaguran. I badly need a sports car para sa date ko tonight."

"Wala akong sports car."

"Come on. Alam ko na tatlo ang kotse mo. I have seen your white Porsche. Can I borrow that?" tanong ko sa kanya sabay akbay sa kanya.

"What time mo kailangan?"

"Around 8PM yung dinner date ako. Hintayin mo ko sa bahay namin. Just give me two hours, babalik agad ako. Deal?"

"You are asking me a favor or inuutusan mo ko?" sabay tapik niya sa kamay ko para tanggalin ko ang naka akbay kong braso sa kanya.


Eto lang ata ang babaeng hindi naaakit sa charms ko. It is either hard to get siya or hindi niya talaga ako type. Sabagay, siya lang din ang babaeng may alam na isa akong demon king, aside from my sister.

Sinong babae ang mamahalin ang isang demon king na tulad ko?


"Thanks, Maia. You are the best," sabay halik ko sa pisngi niya which made her blush. I am so fond of annoying her and I am always amused whenever she is furious.


As expected, she arrived in our house an hour before my scheduled date gamit ang kanyang Porsche sports car. Pero hindi ko inaasahan na matutulala siya sa akin nang makita niya ako. Probably because I am wearing a black tuxedo na parang aattend ng isang prom.


"Ngayon ka lang ba nakakita ng prinsipe sa totoong buhay?" natatawa kong tanong sa kanya sabay pitik ng ilong niya.

"Tsk! Ingatan mo yung sasakyan ko. Two hours lang ang paalam ko sa lolo ko," sabay bigay sa akin ng susi.

"Pwede ka naman sumama as my driver?"

"No, thank you. Wala akong balak masaksihan ang mga karumaldumal na gagawin mo sa new girlfriend mo."

"Why do I sense na nagseselos ka?" I said as I approached her. She instinctively stepped away from me pero tumama ang likod niya sa kotse.

"Master and slave lang ang relationship natin. Wala akong pagtingin sayo."

"Ows?"

"Wala nga aba! Lumayo ka nga sa akin!"

"Bakit, Maia? Naiinlove ka na ba saken?" I said like I am seducing her. My face is too close with hers and I know that her face is turning red now.

"Is it true, Jared? Nag-iisa anak ng senator ang ka date mo?" change topic niyang tanong sa akin. She's always changing the topic kapag napag-uusapan ang feelings niya para sa akin.

"Why do you think naka formal wear ako ngayon? I will be attending her father's birthday," sabi ko as I pressed my forehead on hers pero mabilis siyang umiwas.

"Kahit demon king ka, mag-ingat ka. Alam mo naman siguro ang tsismis na may serial killer sa school," sabi niya sabay lakad papasok sa gate namin.

"Maia, those students died because of heart attack. Tsismis lang ang serial killer theory na yan."

"Basta mag-ingat ka. Two hours lang ang binibigay ko sayo, Jared Mason."

"Di ko alam na concern ka talaga sa akin. Sabihin mo lang kung nagfafall ka na ha? Sasaluhin naman kita."

"Whatever, Jared. Nasa loob ba si Maddie?"

"Yes, she's waiting for you. Wala ba akong good bye kiss?"

"Goodbye kiss mo mukha mo! As if naman mauubusan ka ng kiss sa mga girlfriends mo. Sapok gusto mo?"


Kung gugustuhin ko, Maia can be mine. But like what I have said to her, I want her to offer herself to me proactively. Kaso pagdating kay Maia, mukhang malabo mangyari ang gusto ko...

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon