(POV Maia)
First time ko nalasing sa buong buhay ko at pag mulat ko ng mata, isang lalakeng nakahubad ang nakayakap sa akin.
Nag club ba kami ni Maddie? Nakipag one night stand ba ko? Bakit wala ako masyado maalala?
Ang hubad na lalaki ay nakasiksik ang mukha sa leeg ko at unti unti kong tinutulak para makawala ako sa yakap niya. Pero isang familiar na mukha ang nakita ko kaya mabilis ko siyang tinulak at napatayo ako sa pagkabigla.
"Ikaw?" tanong sa kanya.
"Good morning," nakangiti niyang sabi habang nakapikit.
"Jared, bakit ka nandito sa guestroom? At bakit ka nakahubad?"
"Inaantok pa ko, halika nga," sabi ni Jared sabay hila sa akin pabalik sa kama and I fell on top of his chest.
"Wait, bakit ka nandito? Saka wag mo nga ko yakapin. Lasing ka ba?" tanong ko sabay tulak sa kanya pero hindi ako pinakawalan ni Jared.
Sinampa pa niya ang binti niya sa akin para di ako makawala.
"This is my room. Ikaw bakit ka nandito?"
"Ha? Sabi ni Maddie guestroom daw to ah?"
Inikot ko ang paningin ko at hindi mukhang guestroom ang kwartong napasukan ko. It looks like a bachelor room filled with rich gray and white colours that makes it more masculine. Walang masyadong details, very minimal ang design.
Shit, sinadya ba ni Maddie na dito ko patulugin sa kwarto ni Jared knowing na nakahubad matulog ang kakambal niya?
Tsk demonyita pala talaga ang aking bagong beshie.
"You are blushing again, Maia. Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na lalaki?"
"Marami na akong nakita at natikman na lalaki, kaya wag mo ko akitin ng maganda mong katawan. Hindi tatalab sa akin yan."
Of course, I am just lying. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakahubad at nakayakap pa sa akin. Jared just stared at me. I saw a hint of anger in his eyes. Hindi niya siguro ineexpect ang sasabihin ko.
"Nawala na antok ko. Gusto mo ba ng breakfast? Ipagluluto kita," sabi ni Jared sabay tayo sa kama.
Wala man lang pakialam kahit nakikita ko ang kahubaran ng katawan niya. Mabilis akong tumalikod baka isipin niya pinagnanasahan ko na naman siya.
"Wag na, uuwi na lang ako, Jared."
"Gusto mo ba heavy breakfast or light lang?"
"Uuwi na nga lang ako. Sa bahay na ko kakain."
"Dito ka magbrebreakfast, hintayin mo ko sa baba. Kailangan ko din umalis agad, sasabay na ako sayo."
"Jared, may date ka na naman ba ulit?"
"May work ako during Saturday. I told you, my aunt and uncles are heartless."
Working student si Jared? Saan kaya siya nagtatrabaho?
"Si Maddie ba may work din?"
"Wala siyang work ngayon pero during summer vacation siya may trabaho. Lumabas ka na ng kwarto ko unless gusto mo sumabay sa akin maligo?"
"Sino naman may sabi sayo na type kita at gusto ko makasabay ka maligo?" naiinis kong sabi palabas ng pinto.
"At sino naman babae sa campus ang hindi ako type bukod kay Maddie?" natawang tanong ni Jared sabay hila sa braso ko palapit sa kanya.
"Ako! Hindi kita type! Ayoko ng mga lalaking antipatiko at mataas ang tingin sa sarili."
"Isasama kita sa work ko. After nun, saka mo sabihin na hindi mo ako type," sabi niya sa akin pero di ko inaasahan na papaluin niya ko sa pwet bago ko tuluyan na makalabas ng kwarto niya.
"What the fuck, Jared Mason! That's physical assault and sexual harassment!"
"You deserve it. That is for hurting my ego," he winked at me bago pa niya tuluyang isara ang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/124699452-288-k680594.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)
Mystery / ThrillerBook 3 of ABK Trilogy ♥ Jared Mason Elizalde is the reigning the demon king. But even the demon king himself is unable to solve the mystery behind the unusual deaths that is surrounding us... Join us as we solve this mysterious puzzle that will chan...