(POV Maia)
Kahit anong panganib ang maari kong kaharapin, with Jared I always feel safe. Akala ko noon, wala na akong lalaki na makikilala na tatanggap sa mysterious na kalagayan ni mommy, but with Jared, he makes me feel that it's just normal.
"Gusto mo na ba magdinner?" tanong ni Jared as he kissed my ears.
Pareho kaming nasa ibabaw ng bed sa loob ng suite ko. It took me awhile to realize kung anong nangyari sa amin sa bathtub, sa shower room at maging dito sa kama kung saan kami nakahiga.
"Kanina pa ko nagugutom. Ikaw gutom ka na ba?"
He was about to answer me, but his phone vibrated. I can see the name Evil Witch on the caller ID, so I'm assuming it is his twin sister Maddie who is calling him.
"Yes, my dear sister? How can I assist you today?" perky na sabi ni Jared pagsagot ng phone.
"What the fuck Jared! Kanina pa kita tinatawagan! Sampung tawag na ko! Asan ka ba?" sigaw ni Maddie sa phone. Kahit di naka speakerphone si Jared, her wrath is echoing.
"I'm on my bed right now," sabi ni Jared sabay wink sa akin.
Kung kanina pa tumatawag si Maddie, it means Jared is deliberately not answering her calls. I doubt that he can't hear it dahil may sonic hearing ang lalaking ito.
"What bed? Jared, wala ka sa kwarto mo! Kaninong kama yan tinutukoy mo?"
"I'm sorry, I'm not on my bed but someone else's bed."
"Don't tell me kasama mo si Katerina, I'm going to kill that bitch!
"Ano ba kailangan mo Maddie? Ang sakit sa tenga ng boses mo? You're disturbing my peace and serenity," sabi ni Jared while he is kissing my neck.
"Asan ka ba talaga? Naku Jared, wag mo ko subukan. Sasabihin ko talaga kay Maia na nagbababad ka sa kama ng ibang babae."
"Why don't you tell her personally? Andito siya sa tabi ko," natatawa na sagot ni Jared sa kapatid niya.
Kinurot ko lang siya ng sobrang pino dahil sa sinabi niya. It is like he already admitted na may ginawa kami sa kama.
"She's there? Hindi si Katerina kasama mo?"
"Anong kinalaman ko sa Katerina na yun?"
"Aba malay ko. Di ba palagi siya lumalapit sayo ever since umalis tayong Istanbul? Kulang na lang idikit niya ang dibdib niya sayo. Kulang na lang halikan ka niya sa harapan ko. Kulang na lang maghubad sa harap mo!" sigaw ni Maddie sa kapatid niya na mukhang may matinding galit kay Katerina.
I just looked at Jared sharply. Naalala ko tuloy na naka hawak pa sa braso niya kanina ang babaeng yun kanina sa beach.
"Why are you calling me? Is it about Nameless again?" tanong ni Jared sa phone as he gently kiss my cheeks. Alam na siguro niya na nagseselos ako sa mga oras na ito.
"Unfortunately yes, meet me sa lobby. Magdidinner na kami ng walang hiyang si Cole. Sumabay na kayo. I'm sure gutom na kayong dalawa."
Sa isang seafood restaurant kami kumain sa loob mismo ng hotel na tinutuluyan namin. May tension na bumabalot sa aming apat. Tension sa pagitan namin ni Jared dahil sa mga narinig ko na sinabi ng kapatid niya about kay Katerina. Tension sa pagitan ni Cole at Maddie sa di ko alam na dahilan. Tahimik kaming apat na nagdidinner nang biglang dumating si Katerina.
"Jared kanina pa kita hinahanap," sabi niya as she sat beside Jared unannounced.
"Bakit mo ko hinahanap? I think I already made it clear to you na andito ang girlfriend ko?"
"Girlfriend? Di mo pa naman asawa, maghihiwalay din kayo."
Gusto ko sana sumagot ng isang maanghang na salita, pero kitang kita ko ang galit sa mukha ni Maddie sa sinabi ni Katerina. She slightly waved her hand at biglang nagkaroon ng apoy sa buhok si Katerina. The fire will not burn her, but it's enough para masunog ang dulong parts ng buhok niya.
Katerina shouted in panic at mabilis na umalis papunta sa nearest restroom. Hindi maitago sa mukha namin ni Maddie ang ngiti ng tagumpay.
"You don't have to do that," seryosong sabi ni Cole pero may bahagyang ngiti sa mukha niya.
"Ikaw lang naman ang pumayag na isabay natin siya sa private plane. Sa Istanbul pa lang, gusto ko na iwan yan. She's very clingy to my brother as if naging obsessed kay Jared after niya mapossess ni Nameless!"
"She's probably guilty dahil nasaktan niya ang kapatid mo."
"Lawyer ka ba niya? Pinagtatanggol mo palagi yung babaeng yun eh. Kayong dalawa kaya ang pagbuhulin ko?" inis na sagot ni Maddie kay Cole. Her voice is a bit loud at pinagtitinginan na kami ng ibang customers.
"I'm just telling you that burning her hair is a bit too much."
"Too much? Go ahead, puntahan mo baka need niya ng comfort!"
Mukhang nabaligtad na ang mga pangyayari. Kung dati, kami ang madalas mag away ni Jared, ngayon naman ay si Cole at Maddie ang may altercations.
Inakit na naman ba ni Maddie si Cole and he rejected her? May hugot ang bawat salita ni Maddie.
"Maiba ko, anong balita kay Nameless? Did you receive an update while I am gone?" tanong ni Jared habang kumakain kami. He knows na medyo nagseselos pa ako, kaya sinusubuan niya ko ng pagkain from time to time na parang isang sweet na boyfriend.
"Nakareceived na naman kami ng bagong corny poem. There's a line referring to lion city. Di ba Singapore yun? Jared how did you know na dito talaga ang next target ni Nameless? It's not a coincidence na dito mo din gusto magbakasyon," tanong ni Maddie.
"Hindi ko alam, nagkataon lang," sagot ni Jared sa kapatid niya as he shrugged his shoulders.
Of course, it is not a coincidence! Jared exactly knows what is going on!
"Mabuti pa, let's go back to our suite baka bumalik pa si Katerina. This time, I don't think buhok lang niya ang kaya kong sunugin. Baka pati mukha niya, sunugin ko."
"Maddie..." mahinang sabi ni Cole as if he's warning her.
"What? Bakit pa palagi mo pinagtatanggol yung babaeng yun, Cole? Mas importante na ba siya kaysa sa akin ngayon?"
"Hindi sa ganun..."
"Whatever Cole! Aakyat na ko, wala na din ako gana kumain," sabi ni Maddie as she left us. Now I'm sure na may ongoing LQ ang dalawang ito.
"Would you like to share kung bakit kanina pa naghuhurementado yung kapatid ko?" Jared asked while smiling. He is clearly enjoying his sister's suffering.
"Kanina ka pa hinahanap ni Katerina. When she realized na you're nowhere to be found, ako naman ang ginulo niya," Cole said as he deeply sighed.
![](https://img.wattpad.com/cover/124699452-288-k680594.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)
Mystery / ThrillerBook 3 of ABK Trilogy ♥ Jared Mason Elizalde is the reigning the demon king. But even the demon king himself is unable to solve the mystery behind the unusual deaths that is surrounding us... Join us as we solve this mysterious puzzle that will chan...