Chapter 30 - Rei Elizalde

17.3K 501 34
                                    

(POV Reichel)


My name is Reichel Manahan Elizalde and I am dead. 

Akala ko, once na pumanaw ako, I will see a Stairway to Heaven or a Highway to Hell, but I guess I was misrouted to an entirely different place.


Let me tell you how it all started...


Pagmulat ng mga mata ko, nasa shade ako ng isang coconut tree. Ang malamig na tubig ng dagat ay humahampas sa aking katawan. Apparently, nasa isa akong island with silky white sand beach. Para akong galing sa isang shipwreck at tinangay ng alon sa lugar na ito. Basa ang buo kong katawan at puno ako ng buhangin.


Nasaan ba ako? Nag honeymoon ba kami ni Sage at lumubog ang sinasakyan namin na barko?


I don't think so. The last thing that I can remember is nasa bahay lang ako, natutulog katabi ng asawa ko.


Nagsimula akong bumangon at maglakad sa beach shore. Breathtaking ang sparkling blue green sea at relaxing ang malamig na hangin. Kung nasaan man ako, this is paradise. It has been twelve years since I removed the demonic heart of my husband. Sooner or later, alam ko na mamamatay na kami because our time is running out.


Is this heaven? Is this the afterlife?


Sa paglalakad ko, nakita ko ang isang stoney house sa bandang gitna ng isla. Sigurado may tao dito dahil may usok ang chimney. Nagmadali ko pinuntahan ang bahay para malaman kung may kasama ko sa isolated island na ito.


"Tao po? Anyone here? Moshi moshi?"


Bukas ang pinto at walang sumasagot kaya pumasok na ako ng bahagya. May lalaking nakaupo sa sofa na nakaharap sa isang makalumang television.


May kuryente dito? Bakit walang kuntador ng Meralco?


"Uhmm excuse me po. Pwede po magtanong?"


Lumingon ang lalake at tinaasan ako ng kilay. He looks angry, sad and at the same time happy. Halo halong emotions ang nasa mukha niya.


"Trespassing ka, Miss. Private property to."

"Sage? Andito ka din?"


Tumayo si Sage at mabilis na lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit as if hindi kami nagkita ng napaka tagal.


"Sage, asan tayo?"

"Hindi ko alam, babe. Akala ko, this is my personal hell. Living in a paradise without you for the rest of my immortal life," mahinang sabi niya habang nakayakap pa din sa akin.

"Personal hell? Sage, siguro nga may mga nasaktan ka na tao noong vampire at demon king ka pa, but you did your best to compensate for that. Marami kang tao na natulungan at nailigtas."

"I am so happy to see you," he said as he cupped my face. Para siyang nabunutan ng tinik dahil nakita niya ako.

"Sage, asan ba tayo? Bakit tayo andito?"

"I've been here a few hours ago. Alam ko natutulog lang tayo sa kwarto pero pag gising ko, nasa dalampasigan na ko. Inikot ko ang buong isla, pero wala ka," sabi ni Sage sabay kuha ng towel dahil basang basa pa din ang damit ko.


Pinunasan ni Sage ang basa kong buhok at kinuha ako ng damit. Surprisingly, may damit na kasya sa akin.


Sabagay, may TV nga dito, damit pa kaya?


"Sage, are we dead? Di ba natutulog lang tayo kanina?"


Hindi ako sinagot ni Sage at tinuro ang lumang television. Hindi ako nagulat dahil may kuryente, nagulat ako nang makita ang palabas sa old looking screen.


Si Maddie ay nakayakap kay Lena habang umiiyak. Si Jared naman ay nakayakap kay Uncle Syl. Both of my twins are crying. Si Joaquin naman ay kausap ang isang medical personnel. May ilang lalaki na may dalang dalawang stretcher at may katawan na natatakpan ng white sheets palabas sa aming masters bedroom.


"Oh shit, is that us?" tanong ko kay Sage.

"Nasagot ko ba ang tanong mo?"

"Sage, nasa heaven tayo?"

"I don't think so."


Di pa doon natatapos ang mala reality TV show na pinapanuod namin. Biglang may lumitaw na isang malaking luxury yacht. Kung di ako nagkakamali, this yacht is owned by Sir Rusty.

Andoon lahat ang mga kapamilya namin, maging si Raviael at Phoebe. Almost lahat ng nasa kasal namin ay nandoon. Si Jared at Maddie ay may hawak na urn at umiiyak.


"I guess tinupad nila ang hiling ni Raviael na isaboy sa Caribbean ang ashes natin," sabi ni Sage pagkatapos ng palabas.

"Sage, bakit tayo andito? At bakit may visibility tayo sa mga nangyayari sa kanila?"

"I don't know babe, but I'm sure we are neither in heaven or hell. Wala din tayo sa earth. It is like we are stuck somewhere in between," sabi ni Sage sabay pitik ng ilong ko.

"Aray naman! Bakit may pitik ka pang nalalaman?"

"We can feel pain and we have memories of our previous life. We are definitely not in the afterlife."

"Sage, one thing is for sure, we are already dead. Pero bago natin imbestigahan ang misteryo ng lugar na ito, may pagkain ba diyan? Nagugutom kasi ako eh."

"Haist, kahit sa afterlife ba PG pa rin ang asawa ko?" inis na tanong ni Sage sabay bukas ng fridge na maraming laman na pagkain.

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon