Chapter 28 - Rave

20.1K 527 42
                                    

(POV Maia)


Pagmulat ko ng mata, wala na si Jared sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon para hanapin si Jared pero nakaupo lang siya sa dulo ng kama at umiinom ng kape.


"I am here, did I scare you?" tanong niya sa akin, pero di lumilingon sa akin.


I noticed din na wala na siyang suot na shirt. Malamang nabasa ng pawis niya dahil sa mataas na lagnat niya kagabi. Yung demon wound niya sa braso, wala na din. His sister probably healed her using the white diamond necklace.


"Nagulat lang ako na wala ka na sa tabi ko. Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko sabay hawak sa noo niya kung may lagnat pa siya.

"I feel good. Thank you for taking care of me last night. Did I say something ridiculous when I was hallucinating?" tanong ni Jared sa akin. Binaba niya ang kape niya at niyakap ako.

"Wala naman, pero grabe ka makayakap sa akin. Para kang tuko. Nilalamig ka ba talaga kagabi or minamanyak mo lang ako?"

"Both..." sabi ni na unti unti na naman hinahalikan ang leeg ko.

"Feeling ko tuloy type mo talaga ko at defense mechanism mo lang ang pambabae mo," nakakaloko kong sabi sa kanya sabay yakap din sa kanya. 


I am glad that he is kay now. Hindi niya lang alam na sobra ang pag-aalala ko sa kanya.


"Maia, you are beautiful, pero di kita type," sagot niya sabay pitik sa ilong ko.

"Tsk! Minsan lang mag-assume, susupalpalin mo pa ko?"

"Kung sasayawan mo ko ng isang sexy dance number, malay mo magbago ako ng preference?"

"Bakit di ka humingi ng strip tease performance dun sa anim mong naging girlfiends last semester? Ang kapal ng mukha mo, pinagsabay sabay mo pa!" inis kong sabi sa kanya sabay labas ng kwarto.


Nilalandi na naman ako nitong gago na to at minsan, feeling ko nahuhulog na ko. But I can't fall in love with him. He's a friend and he's the demon king.


"Maia, pwede ba may daanan muna tayo bago tayo pumunta sa mommy mo?" tanong ni Jared nung nasa pinto na ako.

"Ok lang naman. Saglit lang ako sa Greece dahil baka dumating na si lolo sa London next next week for his surgery. Teka, saan tayo pupunta?"

"We will just visit a friend in Northern Ireland. If that's alright?"


Tumango lang ako dahil bakasyon ko naman ngayon. Ayaw man sabihin sa akin ni Jared, the person that he is planning to visit is somehow important. Kahit binibiro niya ko, I can sense that something is still bothering him.


"Maia, nasabi na ba ni Jared na aalis tayo? We are going to Belfast, Northern Ireland later," sabi ni Maddie habang nag-aalmusal sila ni Cole sa dining room.


Ngayon ko lang narealize na napaka elegant pala ng bahay ng daddy ni Sage dito sa London. Ang daming paintings at charcoal drawings.


"Nasabi na nga niya sa akin. He looks fine, wala na yung sugat niya," sagot ko at sumabay na din ako sa kanila na magbreakfast.

Ang Boyfriend Kong Demon King (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon